Chapter 18

1639 Words
Lunes ng umaga at tulad ng nakagawian, sabay kaming pumasok ni Lavinia gawa ng ginawa na nitong ritwal sa umaga ang bumyahe sa kung saan ako nag aabang ng masasakyan. Natanong ko na rin ang dalaga patungkol sa posibleng abala na dulot nito sa kanya sa tuwing sinasabayan ako. Nabanggit niya rin sa akin na walang kaso ang pag eeffort niyang iyon dahil para sa kanya umano ay magandang start up iyon ng umaga niya. Hindi naman na ako nagtanong po ng marami at pinaniwalaan na lang ang babae. Pagpasok sa gate, inabutan namin si Sir Kevin, ang class adviser namin. Papasok na rin siya ng klase noon at sa parehong sitwasyon, nakita ko rin si Kyle sa tabi ng guro. Buhat- buhat nito ang malaking container na naglalaman ng mga gamit tulad ng projector at iba pang gagamitin para siguro mamaya sa klase ni Sir. "Good morning, Nukk. Ganda- ganda mo everyday," paninimula ni Kyle dala- dala ang malapad na ngiti nito. Maya- maya lang at sinapito siya ng Kuya niya na siyang ikinatawa ko. "Oh ayun eh'. Ang aga- aga malandi eh'. Hindi na nahiya sa Kuya niya oh?" mabilis na reaksyon ni Lavinia sa lalaki. Nakita ko namang nag agree si Sir Kev sa sinabi ng dalaga. Nakuha pa nilang mag apir bago tumugon ang nakatatandang lalaki. "Ang kapal ng mukha no? Sa harap ko pa talaga?" baling ni Sir Kevin. "Alam mo Lavinia, mabait ka naman dati. Hindi ko lang alam anong naging kasalanan ko sa iyo bakit sumama ugali mo," pakawala ni Kyle. Inaasahan ko naman ang negatibong reaksyon mula kay Lavinia ngunit wala akong nakuha rito. Bagkus, sinakyan niya pa ang unang patutsada ng lalaking kausap niya. "For your information, never ako naging mabait. Masama talaga ang ugali ko," sandali siyang tumigil sa pagkokompronta sa binata. Sandali pa at tumalikod ito upang harapin si Kyle. Nauuna kasi kaming maglakad sa dalawang lalaking kasabay namin. Nang sundan ang naging galaw ni Lavinia, nakita ko rin noon ang reaksyon ng dalawang lalaki. Naiwang nakataas ang dalawang kilay ni Sir Kev. Animo'y nae- enjoy ang kumosyon habang naiwan namang laglag ang panga ni Kyle sa naunang sinabi ni Lavinia. Tila inaabangan pa nga nito ang susunod na banat ng dalaga. Maya- maya pa at dinugtungan na nga ni Lavinia ang naudlot na talata. Wika nito, "And given that I don't come out of my shell as often as I used to, you might have concluded that I'm a 'good girl' like you said." Huminto siyang muli at sa pagkakataong ito, medyo napabagal na ang lakad naming lahat. Sa pag e-english ng dalaga, mahahalata mo agad na hindi lang ito basta- basta gayong nakakabilib ang accent nito. Sa sandaling ito ay nagkakaroon ako ng hinuha na hindi lang basta- basta ang estado nito sa buhay. Malakas ang kutob ko na higit pa sa may kaya ito. Sa puntong ito rin ay mas nakalkal ko pa ang ibang detalye patungkol sa dalaga. Kung tutuosin, totoo namang may itsura ang dalaga. Idagdag mo pa ang makinis at talaga namang napakaputi nitong balat. Kung manamit pa ito, lalo na kung ang uniporme namin ang pag uusapan, walang duda na pinagmumukha niyang pang mayaman na mayaman ang imahe ng school. Hindi katulad kapag ako o simpleng studyante ang magbibitbit ng ganitong uniporme. Nabalik naman ako sa wisyo nang marinig ko ang pag ki-clear throat ni Sir Kevin. Noon din at napansin ko ang pagtakip nito ng bibig gamit ang kamay niya. Tila nae- enjoy pa ng guro ang panununog ng isa pang estudyante sa kapatid niya. Ewan ko ba, masyado akong nadala dahil lang sa paglalabas ng accent nitong babaeng ito kaya naman nawala ako sa focus. Muling banat ni Lavinia, "Where exactly did you get the notion that I am a good girl, though? But I'm not one of them. I also believe the reason for this abrupt change in behavior is, kailangan kong protektahan tong bago nating kaklase. I see you, Kyle. I am also watching you. Huwag ka sana kabahan." May kahaban iyon ngunit mabilis niya lang natapos. Everyone's jaw dropped when Lavinia winked right after she finished her line. I suddenly felt awkward, especially when she mentioned watching Kyle.Why would she do that, really? May masama bang ginagawa si Kyle o kung ano mang actions? Isa pa, anong kinalaman ko roon? Anog ibig niyang sabihin doon? Isa pa, patungkol sa pag protekta sa bagong kaklase, which is alam ko naman na ako ang tinutukoy, hindi ko maintindihan kung para saan ito? "What do you mean? That I will do harm Nukk? Iyon ba ang ibig mong sabihin?" asar- talo na turan ni Kyle. Okay... sa palagay ko ay panibagong aksyon na naman ito. "Uhmm, Never have I said that. Watch your mouth, Kyle." "Grabe ka sa akin. Minsan pa lang naman ako nagkamali kay Nukk. It seems like you know me well enough to make that assessment of me," kakaibang tono ng binata. Sa pag iinit ng dalawa ay naiwan ako at pati na rin si Sir Kevin na tulala sa sagutan nila. Sa sandaling ito rin ay napahinto na kaming apat sa paglalakad. Mabuti na lang at walang gaanong tao sa lugar namin. Kung hindi, panibagong chismis na naman ito pag nagkataon. "Come on, Kyle. Wala akong ina-assess from you. Chill bro? Chill!" maangas na bigkas ni Lavinia. Sasagot pa sana si Kyle ngunit nakuha na siyang pigilan ni Sir Kevin. Wari'y batid nito ang namumuong sama ng panahon sa pagsasama sa isang pwesto ng dalawa niyang estudyante. "Okay, tama na yan. Ikaw Kyle, alam ko rin ang mga ginagawa mo. I do get Lavinia's point here. Ikaw naman Lavinia, I appreciate your effort to assist Ms. Eridio. Ang sa akin lang, don't take all of these too far, okay?" pag gigitna ni Sir. Noon din at nabalot ng katahimikan ang kinalalagyan namin. Ano bang ginagawa ko rito? Napansin ko na parati na lang ako ang dahilan ng pagtatalo nitong dalawa at sa totoo lang, hindi ako masaya roon. Kailan lang ako pumasok at tila napaghahati ko na ang klase buhat ng dumating ako. Though, medyo OA ako sa part na iyon. "I didn't believe it would be a good idea for us to encounter each other in this circumstance. In the meantime, I consider it a wonderful honor to be able to see the two of you together. After school hours, I'd like to speak with both of you to resolve the argument that just occurred. Pumasok na sa kwarto at mag ii-start na tayo," huling kumento ni Sir Tan sa dalawang kasama ko. Additionally, I didn't anticipate things to go out of hand so rapidly. Nakaramdam ako ng hiya at guilt dahil sa nangyare. What a great way to start? Sinubukan kong lingunin ang dalawa at napansin ko naman nakangiti lang si Lavinia habang inis na itsura ang tinapon ni Kyle sa dalaga. Ilang sandali pa at nauna nang lumakad si Kyle at nagmamadali pa sa bawat hakbang nito. "I'm sorry," bulong ko na nadinig naman agad ng dalaga. "Ha??" "Sabi ko sorry. Napaaway ka na naman dahil sa akin," ani ko. Sa oras din na ito ay nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa klase. Hindi naman naalis ang tila tagumpay na ngiti sa mga labi ng dalaga. "Tange, wala yon. Sinadya ko naman talagang banggain yung p*********i ni Kyle. That's on me. Don't apologize," paninigurado ng dalaga. Dagdag pa niya, "Kung iniisip mo yung pagpapatawag mamayang hapon, wala lang din yon. Wala naman akong magulang na magagalit kahit magwala pa ako sa school." Napaangat ako ng kilay sa biro niyang iyon. Though. I'm not really sure if that was a joke but I think so since she laughed about it. Gusto ko pa sanang magtanong ngunit napangunahan na ako ng hiya kung kaya naman hinayaan ko na lang na maiwan sa ere ang queries ko. Nang makarating sa kwarto, himala naman na hindi nakipag talo si Kyle sa pwesto sa tabi ko. Sa tingin ko tuloy ay may sama rin ito ng loob sa akin na siyang mas lalong nagpa guilty sa akin. Saglit kong binalingan ng tingin si Lavinia sa tabi ko na kaswal lang na nakaupo at tila hinihintay na pasimulaanan ni Sir Kev ang klase. Para ngang walang nangyaring away kani- kanina lang. Ilang sandali lang at narinig namin na magsalita ang class adviser dahilan upang tumahimik ang klase at matuon kay Sir Kev ang atensyon. Naayos na rin pala ang projector sa harapan. Nariyan at naka present na rin sa harapan ang lesson namin sa umagang ito. Paninimula ni Sir Kevin, "Bago pala ang lahat. Magandang umaga." Ganon na lang at sunod kaming lahat na magkaklase na bumati pabalik ng magandang umaga rin sa guro. Nagpatuloy ang nakatatanda. Wika nito, "Paalala ko pala yung workshop ha? This coming Saturday na iyon.One of the guests, who is one of my pals, as I've already mentioned, was also invited. Maya- maya lang at pupunta na iyon dito." Nagdagsaan naman ang bulung- bulungan noon din. Para tuloy napuno ng mga bubuyog ang kwarto sa samut- saring kumento ng mga kaklase ko. Ang ilan pa nga ay sinusubukang hulaan kung sino ang bisita na darating tulad na rin ng nabanggit ni Sir Kevin. "I want to remind everyone to bring their own supplies, at the very least for the media they like. Alam ko magpo- provide naman sila ng mga gamit but just to be sure, bring your own na rin. Anyway, as we wait for them, let's begin our discussion for today," mahabang paliwanag ng guro. Gustuhin man naming ituon ang lahat ng pansin sa diskusyon sa harap ngunit halata namang okyupado na ang lahat sa pag aalala sa kung sino man ang darating ngayong umaga. Hindi ko rin naman itatanggi na kahit ako, naiintriga at sa parehong pagkakataon, nae- excite.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD