Magsasalita pa lang sana ulit si Sir Kev nang may kumatok sa labas ng aming silid. Sa tingin naman naming lahat ay iyon na ang hudyat ng pagdating ng hinihintay na bisita ng aming guro.
“Class, please greet our visitors. This is Ate Mackenzie and Kuya Nico.”
Ganon na lang at sabay- sabay kaming tumayo upang batiin ng magandang umaga ang dalawang nakakatandang nakatayo sa harapan namin. Nang matapos ay sinuklian iyon ng kaway at ngiti ng mga bisita.
“Good morning din sa inyo,” balik pa ng babae. Sinundan din agad ng lalaki ang naunang bati ng kasama niya.
“Sa tingin ko naman nagbigay na ng konting info si Sir Kevin ninyo tungkol sa gaganapin na workshop from our group. Formally, we would like to invite you to come. Sinisigurado naman namin na marami kayong matututunan,” nakangiting alok ni Kuya Nico.
“Aside from inviting you, we'd like to share some of the activities to look forward to so you can get a sense of how the workshop will be run this Saturday. Is it all right if you lend us your ears for a minute? ”
Sa sandali rin na iyon ya hindi ko mapigilan ang sarili na obserbahin ang mga suot nila gayong sa panglasa ko naman ay bagay na bagay ang mga ito sa kanila.
Magsimula sa suot ni Ate Mackenzie, nagustuhan ko ang pagteterno niya ng mga pangunahing kulay na naglalaro sa detalye ng pang ibabaw niyang damit. Kung tama ako ay corduroy ang tela ng turtle neck shirt niya na may stripe design sa bandang dibdib na bahagi nito. Komplementaryong dumagdag doon ang tila jumper suit na maong nito na tinernuhan pa ng itim na balat ng sapatos.
Nilipat ko ang tingin sa kasama nitong lalaki. Hindi ko alam pero sa paghahambing ng mga kulay ng suot ng dalawa ay nagkaroon ako agad ng ideya na magkasintahan ang dalawa. Iisa lang ang choice of colors nila at hindi ganong nagkakalayo ang uri ng mga tela’ng suot ng mga ito. Idagdag pa ang pagpapalitan ng tingin ng mga ito na hindi mo makikita sa magkaibigan lang tulad na rin ng paraan ng pagtitig ni Sir Kevin sa dalawa nitong kaibigan.
Kuya Nico wears a plain blue shirt. Katulad ng base color ng damit ni Ate Mackenzie. Pinatungan niya iyon ng maong na jacket. Ang pang ibabang bahagi naman nito ay gumagamit ng kaparehong tela na corduroy. Tinernuhan pa ng beanie sa pang itaas na bahagi at top sider na sapatos ang sapin sa paa nito.
“Makinig ka, Nukk. Tulala ka diyan,” dinig ko mula kay Lavinia na sinaluhan pa ng nakakalokong tawa nito. Binaling ko naman ang tingin ko sa kaniya upang tapunan ito ng ibang tingin. Tila nakuha naman niya ang naiisip ko at tinanguan niya ako.
“Mag jowa, confirmed. Parehas tayo ng naiisip,” dagdag niya na siyang nagpatawa sa aming dalawa. Mahina lang iyon dahil ayaw din naman naming maka istorbo sa pag di- discuss ng dalawa.
Higit sampung minuto atang nagsasalita sa harapan ang mga bisita. Karamihan sa mga nabanggit nila ay patungkol sa flow, materials and mediums pati na rin ang mga makakasama nila.
Nabanggit din nila na ang pondong malilikom nila ay may pag aalayang organisasyon. Sa tingin ko naman, iyon ang mas pumukaw sa atensyon ng karamihan sa amin lalo pa nang banggitin ng mga tagapag salita ang patungkol sa mga ilang ampunang natulungan nila sa pagsasagawa ng mga ganitong aktibidad.
Inaamin ko rin noon na mayroong parte sa akin na gustong- gusto ang ganong klaseng mga cause. Nais ko ring makabilang sa mga ganoong organisasyon isang araw. Well, who knows, right?
“Kung may mga tanong kayo na nangangailangan ng sagot, you can reach us in our social media pages. I'll hand over our card with our org contacts to Sir Kevin. We hope to see you all this weekend!”
Nakangiting tinapos ni Ate Mackenzie ang linya niyang iyon. Siguro ay madalas nila talagang gawin ang pagpo- promote gayong mahahalata mo sa dalawa ang talas sa pakikipag usap at pag aamo ng audience.
Maya- maya pa, hindi naman sinasadyang mapatitig ako ng ganon katagal sa babae na nasa harap. Sa paglipas ng segundo ay unti- unti akong nakaramdam ng pamilya na emosyon. Ilan saglit pa ay nagtama ang tingin namin at mabilis pang sinundan iyon ng nangingilid na ngiti ng nakatatandang dalaga. Nariyan at nakuha ko tuloy mailang.
Sandali pa’t pumaibabaw muli ang estrangherong pakiramdam na tila nga maka alala ng kaparehong sitwasyon. Para bang nangyari na ito noon?
“Huy nasisiraan ka na ba ng ulo? Kanina lang tulala ka. Ngayon naman shake- shake ka diyan ng ulo,” wika ni Lavinia matapos akong kalabitin. Pansin ko lang kanina pa nito bantay- sarado ang mga galaw ko.
“Hindi, parang ano lang kasi… weird. Parang nangyari na to, weird,” tugon ko. Agad niyang binawian. Tipid niyang sagot, “Deja vu?”
“Parang ganon na nga,” bawi ko.
Kasabay noon ang pakikipag partisipa ng mga kaklase ko sa diskusyon. Sa ilang minuto kong nawala, palagay ko ay binuksan ng mga tagapagsalita sa harap ang pagkakataon para sa mga mabilis na katanungan.
Wala naman akong naiisip na tanong kaya’t nanahimik na lang ako at nakinig sa samu’t- saring common sense na tanong ng mga kaklase ko. Don’t get me wrong, kung nakinig ka naman kanina, sa tingin ko naman hindi mo na kailangang magtanong ng given na sa topic na napag usapan earlier.
Sa tagal ng tanungan, napasandal na lang ako sa upuan at hinintay na lang na matapos sila. Sa kabilang banda, naiisip ko rin na baka kaya ganon na lang ang paulit- ulit na pagtatanong ng mga ito ay para patayin ang oras. Tila nananbutahe para hindi na makapag turo pa si Sir Kevin.
Ganon na lang at naalala ko si Kyle. Kung bakit ba kasi napalingon ako kay Sir Kev at makikita talaga ang pagkaka pareho ng pisikal na pagkakakilanlan nila. Sa katunayan pa nga niyan, halos iisa na lang ang itsura nila kung di lang paghahambingin sa height.
Nagkaroon ako ng pagkakataong sipatin ang lalaki. Hindi ganon kasigla ang klase at ngayon ko lang napansin iyon.
Tahimik lang na nakaupo si Kyle sa pwesto niya. He's scribbling down notes for who knows what he's been doing right there. Muling nag akyatan ang guilt na naramdaman ko kaninang umaga.
Hinayaan ko ang sariling titigan ang kawalan ng gana ng lalaki. Aaminin ko rin na kahit papano, hinahahanap- hanap ko ang pangungulit at kakornihan nito. Bagay na nakasanayan ko sa mga nagdaang araw na panunuyo nito sa akin.
Natigilan lamang ako nang marinig muling magsalita ang mga tao sa harapan. Hindi ko alam kung aktibo lang ba masyado ang senses ko o talagang mas malakas lang ang tono ng mga ito sa pagkakataong ito.
“Maraming salamat sa pagta tyaga niyong makinig sa amin and of course, sa pagpapahiram ninyo ng isang oras para ilatag namin ang workshop details,” sabi ng babae na si Ate Mackenzie.
Dugtong naman ng lalaki, Si Kuya Nico, “Maaasahan ba namin na makikita namin ang mga magaganda at gwapong mukha ng section na ito?”
Pambobola syempre hindi mawawala. Dahil sa huling sinabi na iyon ng lalaki, nagtilian tuloy ang mga kaklase kong kabilang sa marurupok na mga nilalang. Kabilaan ang pag sang ayon nilang a-attend sa nasabing art workshop.
“Sasama tayo? Oo diba? Nagpalista na tayo eh’,” wika ng katabi kong babae. Ni hindi ko rin alam kung nag enjoy ba ito o nakumbinsi rin. Tumango naman ako noon bilang sagot.
Interesado naman ako sa activity na iyon. Hindi lang ganon ka-excited dahil hindi naman din iyon ang unang beses kong makakasama sa ganoong klase ng gawain. May mangilan- ngilan na akong napuntahan noon lalo pa noong hindi pa ako nakakalipat ng school.
Making art has always been a passion of mine. And believe me, I've been practicing here and there to hone my skills. It's just that I sometimes have the feeling that no matter how hard I try, I don't excel at this part.
At the same time, I keep reminding myself that the valley of disappointment frequently prevents us from trying harder. What we expect from ourselves blinds us because we don't yet realize how far we've come. As the saying goes, "the little things matter."
Hindi naman daw pwedeng kawo- work out mo lang ngayon ay mayroong ka ng abs or muscles kinabukasan. Ang katotohanan, hindi natin makikita ang little progresses. Kung ikukumpara sa pananalamin, hindi naman natin makikita ang sarili nating mga mukha. We do need a reflection to see changes from ourselves.
Halfway through reflecting, I was interrupted. Nakatingin na ngayon si Lavinia sa sa akin at tila may nauna na itong sinabi na hindi ko napansin. Pinaulit ko sa kanya pero hindi niya ako pinag bigyan. Bagkus, inilaan nito ang buong atensyon sa harapan.
Noon ko lang din napansin na wala na ang mga bisita namin at tanging si Sir Kevin na lang ang natitirang tao roon. Pinagpatuloy nito ang kanina pa sana niyang discussion.
Sa huling beses, narinig kong magsalita si Lavinia. Saad nito, “Gusto mo ba mamili mamaya? O sa Friday na lang? Sa tingin ko kailangan ko ng workshop na yun. It kinda looks fun.”