Lumipas ang linggo ng ganon kadali. Sa loob ng limang araw ay hindi ako nagawang pansinin ni Kyle. Damang- dama ko sa binata ang pag iwas buhat ng huling sagutan nila ni Lavinia.
Biyernes ng uwian, kasama ko ngayon si Lavinia na namimili sa kaparehong art supply shop na pinuntahan namin ng unang beses naming magkakilala. Mabuti na lang at binigyan ako ni Daddy ng allowance kanina bago pumasok.
Nasabi ko rin kasi sa kanila na mayroon akong aatend-dan na workshop. Bilang supportive na mga magulang at idagdag mo pang nag iisang anak ako, masasabing sunod sa luho. Gayon pa man, alam ko naman sa sarili ko ang limit ko.
Natigilan naman ako nang marinig ang kasama kong namimili. Ibinalandra niya sa harapan ko ang hawak niyang mga acrylic. Saad nito, “Naka sale siya Nukk. Buy 3 get 1 free. Kung gusto mo, nandun sa may counter sa harapan. Mamili ka na rin.”
Napatingin naman ako sa dami ng bitbit ng kasama na huli ko ng napansin. Bukod pa roon, may basket pa ito na nakasabit sa isang kamay. Sa dami noon ay hindi ko ma-imagine ang laki ng babayaran nito. Ipagpalagay mo pang hindi biro ang brand na mga pinupulot ng dalaga. Mas lumalakas tuloy ang kutob kong hindi talaga pangkaraniwan ang estado sa buhay nitong si Lavinia.
Tulad ng suwestyon ng babae, nagtungo ako roon sa counter. Nakita ko agad ang tinutukoy niya. Sakto naman at iilan na lang ang acrylic ko sa bahay kaya’t walang duda na mapapabili rin nga ako.
Higit isang oras kaming nag iikot sa shop. Sa dami ng nasasagap ng mata namin, halos hindi na namin maiwan ang bawat supply section. Kung isa kang art student ay malamang na makaka- relate ka sa struggle na ito.
Ala sais na rin iyon ng magpasya kaming lumabas na ng tindahan. Napagdesisyunan din naming kumain na muna sa malapit na fastfood. Bukod sa nakakapagod ang mamili, nakakagutom din. Doon ko na rin siguro itatawid ang hapunan ko.
Maraming activities na iniwan sa amin ang mga subject teachers namin. Kung mabi-busy ako ngayong weekend dahil sa gaganapin na workshop at church, mas mabuting tapusin ko na agad ang mga dapat gawin para hindi ako mag cram sa Monday.
“Anong gusto mong kainin? Libre ko na, Nukk. Hanap ka na lang ng upuan natin,” dinig ko mula kay Lavinia na siyang nagpabalik sa akin mula sa pagninilay- nilay.
Ewan ko ba at bawat sabihin ng kasama ko ay otomatikong sumusunod na lang ang sistema ko. Gusto ko man na tanggihan ang alok nito ngunit inunahan na ako ng tingin ng dalaga. Para bang sinasabing ‘subukan mong tumanggi’. Kaya naman sinunod ko na lang ang bilin nito at naghanap na nga ako ng upuan.
Umupo ako sa gitnang bahagi. Kalalapag ko pa lang noong mga pinamili namin, nasilip ko na rin mula sa gilid si Lavinia. Dala- dala nito ang tray ng pagkain. Namangha pa ako sa bilis ng service. Kung sa bagay, kami lang at mangilan- ngilan na customer ang narito sa loob ng kainan.
Wala na kaming pinalampas pang pagkakataon at dali- dali naming sinimulan ang pag kain. Palalim na rin kasi ang gabi at pareho na kaming hahanapin ni Lavinia ng mga guardian namin.
Sa pagitan ng mga subo ay napupunan iyon ng maya’t- mayang kwentuhan. Nariyan pa nga’t inimbita ko na rin muli ang kasama ko kung available ba ito sa Linggo. Di ko kasi maiwasang isipin ang huling beses na sumama ito sa church at sa totoo niyan ay mas nag enjoy ako dahil nandoon siya.
“Naku, aalis kasi kami ni Lola noon. Nag promise ako sa kanya na sasama akong bibisita kay Daddy,” wika niya. Kapansin- pansin din ang kawalan nito ng interes sa nalalabing ganap nila sa Linggo.
“Ganon ba? Okay lang, may susunod pa naman,” balik ko saka sumimsim ng juice sa baso.
“Actually dapat nga bukas yon. Kaya lang naman talaga ako sasama sa workshop dahil iniiwasan kong mag krus ang mga landas namin,” pagbibigay alam ni Lavinia.
Hinintay ko pang mag kwento pa ng mas maraming detalye ang kasama ngunit tila hanggang doon na lamang talaga yata iyon. Ayoko namang pilitin si Lavinia gayong nasubukan ko na rin ito noon at wala rin akong napala. Napagtanto kong nagkukwento naman siya kung gusto niya. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain hanggang maubos ang mga iyon. Matapos noon, umuwi na rin kami.
--
Sa bahay, inabutan ko sina Mama na naghahapunan. Inalok pa nila ako ngunit nagpaalam na akong umakyat sa kwarto ko. Hinayaan naman nila ako gayong alam naman nilang kumain na ako sa labas. Nagpaalam din kasi ako kanina nung nasa fastfood pa lang.
Sa oras na marating ang kwarto ay agad kong tinungo ang damitan ko. Kumuha ako roon ng kumportableng pantulog at saka naman dumiretso sa bannyo. Plano kong maglinis ng katawan bago harapin yung sandamakmak na activities. Diretso tulog na rin pagkatapos ng lahat-lahat.
Kinabukasan naman, maaga akong nagising kahit pa medyo puyat. Inayos ko muna yung mga gagamitin ko mamaya sa workshop. Balak kong ilagay sa tote bag lahat ng handy na gamit tulad ng acrylics, paint brushes at iba pa. Ewan ko ba pero para sa akin, ang aesthetic lang din bitbitin ng tote bag. It kinda makes me feel more artistic.
Sunod nood dumiretso ako sa pagligo. Naihanda ko na rin kagabi ang susuotin ko para wala na akong po-problemahin kinabukasan. Naririnig ko na rin si mama sa baba na abala sa pag aasikaso tulad ng lagi niyang ginagawa araw- araw. Iba nga lang ngayon gayong narito rin si Daddy dahil wala itong pasok ng Sabado.
Higit sampung minuto lang ang itinagal ko sa banyo at saka na ako nagbihis. Simple lang ang suot ko. Isang pastel pink na tshirt na paiibabawan ko ng putting flannel. Sa pang ibaba naman ay tattered pants na teternuhan ko ng slip on ng kilalang brand ng sapatos. Matapos noon, bumaba na ako bitbit ang mga gamit na dadalhin ko.
Inilagay ko muna sa isa sa mga upuan sa sala ang mga gamit ko. Matapos noon dumiretso ako sa kusina para mag agahan. Inabutan ko roon ang mga magulang ko na naglalambingan pa nga. Umupo ako roon at sakto naman na nakaayos na ang hapag. Kumbaga kakain na lang talaga.
“Ang aga mo ata? Anong oras ba ang workshop ninyo?” si Daddy iyon na nagsalita.
“Alas nuebe po Dad. Magsasabay po kami ni Lavinia dadaan po yata siya kung saan ako nag aabang,” wika ko habang inaabot ang tinapay sa harapan ko. Sinamahan ko na rin ng hotdog at itlog.
“Kaya naman pala. Nakabili ka ba ng gamit kahapon? Mag chat ka mamaya kung magpapasundo ka ha?” ani Daddy. Sinundan pa iyon ni Mama. Sabi nito, “Huwag mong kakalimutan mag enjoy anak. Saka yung mga gamit mo no? Ingatan mo.”
Isa- isa kong tinanguan ang bilin nilang iyon. Inabala ko ang sarili sa pag ubos ng mga pagkain na dinala ko sa plato ko. Hindi naman ako nagmamadali pero mabilis ko lang din naubos ang mga iyon. Matapos noon, kumuha ako ng sipilyo nang makalabas na rin papunta sa sakayan.
--
“Tagal mo ah? Parang pinaghandaan mo talaga?” paunang bati ni Lavinia. Hindi ko naman maiwasang mapatitig sa suot nito. Kung para sa akin, simple na itong suot ko, mas simple ang suot ni Lavinia pero hindi mo pa rin maitatanggi ang galing nitong magdala ng damit. Kahit siguro pantulog ang isuot niya eh’ maganda pa ring tignan sa kanya.
Naka itim itong crop top shirt na tinernuhan ng itim din na baggy pants. Napansin ko pa yung maliit na animo’y hiwa sa kaliwang bahagi ng pants niya. Bukod pa roon, naksuot din ang dalaga ng beige- colored cap at itim na sneakers.
Ang akala ko pa noong una ay wala itong bitbit na gamit. Noon ko lang napansin ang duffle bag na nakapatong sa mga upuan na provided sa waiting shed.
“Baka naman malusaw ako niyan? Pangit ba suot ko?” tanong ng kasama ko. Kung pangit na yan sa iyo ano pa yung akin??
“Hindi no! Naa- amaze lang ako kasi ang galing mo magdala ng damit,” balik ko na tinawanan lang ng dalaga. Sa huling beses narinig ko itong magsalita. She utterly dismissed my complement, acting as if she were accustomed to being called out in such a way.
“Osya na, gusto mo bang mag tric na lang? 8:30 na eh baka ma- late tayo.”
“Akala mo naman hindi ka talaga sanay na nale- late?” biro ko. Ganon- ganon na lang at nagtawanan pa kami bago tuluyang magtawag ng masasakyan namin.