Chapter 21

1542 Words
Nakarating kami ng tama lang sa oras ni Lavinia. Pagbaba ng tric, mag aabot na sana ako ng bayad ngunit inunahan na ako ng kasama ko. "Ang laki naman ng pera mo Ineng, wala bang barya? Wala akong panukli rito," nangangamot ng batok na sabi noong driver. Nang matuon ang atensyon ko rito ay noon ko lang napansin na may katandaan na rin siya. Sa edad niya ay nabibilib akong kinakaya pa rin nitong mag banat ng buto. Ang sumunod na pangyayari ang talaga namang hindi ko inaasahan. "Manong huwag niyo na pong suklian. Mag iingat po kayo sa byahe," ani ni Lavinia at saka dire- diretsong naglakad papasok sa building. Naiwan kaming tulala pareho ni Manong. Magtatanong pa sana yung matandang lalaki pero sinalubong ko na lang siya ng ngiti at saka sumunod na kay Lavinia. Kung gulat ako, mas maigi ng iwan ko si Manong na tulala roon. Habang naglalakad, napansin ko ang bilang ng mga taong papasok din sa kaparehong building na tinatahak namin. May ilan- ilang kaming mga kaklase na nakita ngunit karamihan sa mga naroon ay hindi pamilyar sa akin. Hindi ko inaasahan ang dami ng taong naengganyo ng dalawang speaker na bumisita sa amin noon. Sandali pa, nagulat ako nang makaramdam ng pagbangga sa balikat ko. Nang lingunin ko kung sino iyon, tila ba napakaliit na mundo at bumungad sa akin ang imahe ni Kyle. Tulad nga ng nabanggit ko ay iniiwasan ako nito buhat noong huling tagpo nila ni Lavinia. Ngitian ko ang binata ngunit mabilis itong nag ilag ng tingin. Maya- maya pa, sumulpot ang isa pa naming kaklase sa tabi niya. Kung tama ang alala ko, Nina ang pangalan noon. "Ohh nandito na rin pala kayo. Sinong hinihintay niyo Lavinia?" bati noong babae na agad tinugon ni Lavinia. Ani nito, "Wala naman. Napahinto lang naman ako kasi huminto si Nukk. Anong nangyari ba?" Habang nagsasalita ang dalaga ay nagkaroon ako ng pagkakataon na pasadahan ng tingin ang suot ni Kyle. He is dressed in a very simple outfit with pastel colors. It gives him a more clean look in his shirt, long sleeve and light blue maong pants. Bagay na bagay sa kanya. Idagdag pa ang loafer shoes nito pati na rin ang bitbit na tote bag. Nakaramdam ako ng mahinang kalabit mula sa kung sino man iyon. Nang lingunin ang direksyon ay napagtanto ko na si Lavinia ang may gawa noon. "Kasalanan ko. Nabangga ko si Nukk. Pasensya na, Nukk... Mauuna na rin kami," wika ng binata na hindi man lang nagawang salubungin ang mga mata ko. Ganon- ganon na lang at naglakad na sila ng kasama niyang babae. Hindi ko alam pero may kakaibang emosyon ako na nararamdaman at nakasisigurado akong hindi kaaya- aya yon. "Just shake it off. Tara na sa loob," imbita ni Lavinia. Kagaya ng sinabi Lavinia, tumuloy na kami sa lobby at doon namin inabutan ang hindi kahabaang pila ng mga dadalo sa workshop. Sa palagay ko ay nagsisimula na ang registration at payment kaya noon din ay sumunod kami sa pila para makapasok na sa mismong pagdadausan ng aktibidad. Sa oras na makalampas sa b****a ng malaking silid, tumambad sa amin ang malawak na lugar. Matatanaw din ang kabi- kabilang art stand, mga display painting at mayroon ding mahabang lamesa sa pinaka harapan. Lulan noon ang sangkatutak na mga art materials. Heaven sight kung tutuosin para sa mga kagaya namin hilig ang sining. "Okay, not bad. Mas okay na ito kaysa samahan ko si Lola sa Tatay ko," rinig kong sabi ni Lavinia. Marahil ay tinutukoy nito ang pag grab nito sa opportunity na ito kahit pa hindi naman talaga siya interesado ay nakatulong sa kanya kahit papano. "Papunta pa lang sa exciting part. Hintayin mo pag nag distribute ng art mats plus yung mga speaker s***h artists na nagtuturo ng ibat- ibang mediums. Yun ang satisfying part," wika ko. Tuon sana ang tingin ko kay Lavinia ngunit hindi ko maiwasang hindi mapukaw ang atensyon sa direksyon nila Kyle at ang kasama nitong babae kanina. Tila mas close sila kaysa sa inaasahan ko. Nakikita ko mula sa pwesto ko ang pagtatawanan ng dalawa patungkol sa kung ano mang bagay ang pinag didiskusyon nila. Naiinis lang ako. "Sabi ko sayo hayaan mo na sila. Ako ang kasama mo okay? Hindi naman kayo pero nagseselos ka diyan," pang aasar ni Lavinia na agad ko namang tinanggi. Saang banda ako nagselos aber? Maya- maya pa't sinuklian niya na lamang ng tawa ang hindi ko na maipintang reaksyon. Nag ikot- ikot muna kami sa lugar upang siyasatin ang mga naglalakihang paintings at iba pang mga obra na naroroon. Alas nueve ang call time ngunit sa itsura ng paligid, mukhang hindi naman ito masusunod gayong abala ang lahat sa kanya- kanyang mga aktibidad. Sa isang banda, habang nakatitig sa espasyong puno ng mga likhang- kamay at mga painting, tila nakakuha ako ng inspirasyon na magkaroon ng sariling ganap katulad nito some day. Ngayon din, ini- imagine ko ang katayuan ng kung sino man ang responsable sa mga nasasaksihan ng mga mata ko. They must have been extremely pleased with themselves. They should be, because not everyone reaches this point only once in their lives. "Magkakaroon ka rin ng ganitong exhibit, Nukk. Don't worry, nakakasigurado ako roon no," biglang dinig ko sa katabi kong dalaga. Para bang nababasa nito ang iniisip ko. Nagsalita rin ito ulit. Aniya, "It's clear from the way you're staring at these gigantic paintings. And believe me when I say you'll be at big events, even bigger than this one. Nakikita ko yun sayo. Umaapoy ang passion mo at nararamdaman ko yun." Natameme ako sa biglaang emosyonal na linyang iyon ni Lavinia. I'm not sure why, but this buddy of mine constantly makes me feel as like she truly believes that I have great potential in my chosen field. Aside from my parents, Lavinia quietly supports me, and I can tell. Ni hindi ako makapaniwala kung paano ako naka- deserve ng ganitong klase ng kaibigan. Bagay na wala ako noong nasa dati ko pa akong paaralan. Sa sandaling iyon, nilapitan ko siya dahil hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin ito bilang appreciation. Tila nagulat naman siya sa inakto kong iyon ngunit maya- maya rin ay sinunod niya ang kamay sa pag yakap pabalik sa akin. Sabi niya, "Hindi naman kailangan ng hugs pero... uhm? Okayyy???" Mahahalata mo sa dalaga na hindi ito sanay sa pakikipag palitan ng emotional gesture and such. Sa kabilang banda, mukhang kailangan ko na ring sanayin itong babaeng ito dahil nakikita kong magiging mabuting magkaibigan kami hindi lamang ngayon senior high school kung hindi hanggang sa mga susunod pang yugto ng aming mga buhay. "As you believe in me, I will also make sure that you are part of my success. Sisiguraduhin ko na nandoon ka bilang manager ko at hindi matutuloy ang exhibits without you. From now on, we are best buddies, Lavinia!" tuloy- tuloy kong turan. Korni man pakinggan ngunit iyon ang totoo. May kung ano sa sandaling iyon na siyang nagpagaan ng loob ko at sa parehong pagkakataon, nagpalagay pa lalo sa akin sa mood. Mukhang iyon din ang signus na mae- enjoy ko ang workshop na ito. Nagtawanan kami pareho ni Lavinia matapos ng tula madramang tagpo na iyon. Ganon na lang din at nagpatuloy kami sa pag iikot sa buong pasilidad. -- Tulad ng nakagawian sa mga palatuntunin, normal na ang magkaroong ng call time ng spesipikong oras ngunit aktwal na mgsisimula makalipas ng isa o higit pang mga oras. Pasado alas diyes na nang magsimula ang programa. Pinangunahan iyon ng pamilyar na mga tagapag salita. Sina Kuya Nico at Ate Mackenzie. Nakaupo kami ngayon sa isa sa mga ni-provide na mga upuan. Mula sa hawak kong papel, nakasulat dito ang magiging aktwal na daloy ng palatuntunan. Magsisimula iyon sa pagpapakilala ng mga guests artists at kasabay na rin noon ang isa- isang pagtuturo ng mga tekniks sa pag gamit ng ibat- ibang medium. Buong atensyon kaming nakinig ni Lavinia sa nagsasalita from time to time. Kasabay din pala ng discussion ang pagbabahagi ng mga art materials na nakita rin namin kanina na lulan ng mahabang table sa harapan. Lavinia and I try to mimic every advice and discussion, and it makes us happy to at least follow. Hindi ako nagkamali na sabihing mag eenjoy talaga kami. Nang tumagal- tagal pa ay natapos ang dalawang speaker na nagturo din ng magkaibang mediums. Sakto noon at pumatak ang alas dose which means oras na para sa tanghalian. Muling umakyat sa stage sina Kuya Nico at Ate Mackenzie para mangamusta sa lahat ng mga bisitang naroroon. Although we already know where this leads to, we gladly answered them that everyone is enjoying the workshop. More minutes passed and the two of them finally called to give space for everyone's lunchbreak. Ganon na lang at isa- isang nagtayuan ang mga bista upang magtungo sa kani- kanilang napiling lugar para mag tanghalian. Palakad pa lang sana ako nang makaramdam ako muli ng matigas na pagbangga sa harapan ko. It took me a few seconds to realize it was Kyle again. Ano bang meron at panay na lang ang banggaan namin sa isat- isa? "I-I'm sorry. H-hindi ko talaga sinasadya," paumanhin ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD