Chapter 27

1320 Words
Sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa mata ko sa hindi maipaiwanag na dahilan. Pansin ko naman ang pag aalala sa binata gayong paulit-ulit ang pagtatanong nito sa akin. Kung bakit ba naman kasi sa ganitong paraan ako gugulatin ni Kyle? "Huy? hindi mo ba nagustuhan? Hala! Sabi ko na nga ba tabingi ang ilong mo rito, Nukk. Sorry," tarantang tanong ng lalaki habang binabalik- balik ang tingin sa akin at sa obra nito. Ako naman itong napatingin din kung talaga nga bang tabingi ang ilong ko roon pero hindi naman. Kung tutuusin nga ay kuhang- kuha ni Kyle ang imahe ko. "Uy hindi ganon. Wag ka nga ma-conscious dyan! Ikaw kasi eh," bilang pag bawi ko. Kasabay noon ang lalo pang pag buhos ng mga luha sa mata ko. "Bakit ako? Anong ginawa ko? Sorry na, Nukk. Lagot na naman ako kay Lavinia nito," ani ng binata sabay hawak sa ulo niya na tila nag aalala na talaga. "Tange! I mean, ikaw kasi kaya naiiyak ako. Hindi mo naman kailangang gawin lahat ng iyan pero ito na nga," sambit ko na sinundan naman ng pagkamot ng ulo ng binata. Totoo naman kasi. Sino ba naman ang hindi mamamangha kung may taong guguhit ng imahe mo? Napakalaking bagay nito sa akin lalo pa at alam ko ang hirap kung paano gumawa ng isang ganito. Isa pa, wala akong ganitong klase pa ng abilidad para makagawa ng isang portrait art. "Gusto ko lang. Nag eenjoy din ako noong ginagawa ko to, Nukk. Y-you inspired me to do more art than usual," nahihiyang turan nito. Ganoon na lang at tila sa isang iglap ay tumahimik ang paligid. Kahit kaonting ihip ng hangin ay nilubayan kami ng binata. Nagkatinginan kami ng direktsa sa unang pagkakataon at talaga naman na kung anong bilis ng kabog sa loob ng dibdib ko. Para bang sa sandaling iyon ay unti-unting naiiwan ang tanging presensya namin sa loob ng maliit na espasyong iyon. Na animo'y ang obrang nasa harapan namin ang tangi at nag iisang bagay na nakakasaksi sa amin ng binata. Saglit pa ay nariyang madama ko ang malambot na pag alalay ng kamay ng binata sa aking pisngi. Hindi ko inaasahan iyon kaya gulat kong natabig ang kung ano mang bagay na iyon. Nakuha ko ring kumalma sa sandaling umagapay ang binata sa akin. "Kanina... di mo ko kayang seryosohin. Ang totoo niyan Nukk, sa maniwala ka o sa hindi, totoong na-miss kita. Sa ganitong paraan ko na lang naisipang pawiin ang pangungulila ko," marahang usal ni Kyle. Diretso pa rin ang titig sa akin habang nanatili ang kamay nito sa balat ko. Aniya pang muli, "Nukk, gusto talaga kita. Gustong-gusto kita. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon na maging nobyo mo." Natigilan ako sa seryosong komprontasyong iyon ng kasama. Ni wala akong ideya kung saan hahagilapin ang tamang salitang ibabalik dito. Nagsisimula ng pagpawisan ang mga palad ko lalo pa't mas nilalapit ni Kyle ang mukha nito papalait sa akin. Tanging pagpikit na lamang ang nagawa ko. Maya-maya pa't naramdaman ko ang marahang pagtama ng labi nito sa aking balat. Marahan at puno ng emosyon ang paghalik na iyon ng binata sa noo ko. Ang totoo nga niyan ay damang dam ko ang sinseridad ng kilos na iyon kaysa sa mga naunang salitang binitawan niya. Kung kanina ay labis ang pag uuanahan ng bawat bilang ng t***k ng puso ko, ibahin mo ngayon gayong tila pinakalma ako ng taos pusong kilos ni Kyle. Hindi ko alam pero mayroong bagay sa akin na tila nagising sa ginawa niyang yon. Naguguluhan ako pero sa mga sandaling ito, alam ko na kahit papano ay napapasaya ako ni Kyle. Sa ilang araw na nakasama ko ito, aminado akong napapangiti niya ako at gustong-gusto ko rin ang pakiramdam na iyon. Sa parehong pagkakataon, ang kawalan ng presensya ng binata ay labis ding nagpalungkot sa akin. Na animo ay hindi rin buo ang araw ko na hindi naririnig ang walang hintong pag banat at panunuyo ni Kyle kahit na saan pa. Sa puntong ito, paulit- ulit na bumalik ang mga sinabi niya sa akin. Kung may pagda dalawang isip man ako ay iyon ay dahil sa hindi ko pa naranasan ang magkaroon ng kasintahan noon. Isa pa, ano na lang ang magiging reaksyon nila Mama? Pero mabait naman si Kyle, hindi ba? Wala akong nakikitang masama sa binata. He's been his self eversince. Yung Kyle na passionate, bibo, masayahin at higit sa lahat, si Kyle na handang gumawa ng paraan para mapasaya ako sa abot ng makakaya niya. Iyon at iyon ang sa tingin kong dahilan na nagugustuhan ko sa kanya. Ano nga naman ba kung bigyan ko ng pagkakataon ang binata, hindi ba? "K-Kyle..." mahinang sambit ko. "Shhh- I know, Nukk. Ayoko muna sanang marinig," malungkot na tono ng binata bago pa man dahan- dahang humiwalay. Anong nangyari sa boses niya? "Huh?" naguguluhang tugon ko. "I know you are not yet ready for this kind of relationships. Though I hope you burn the same for me. I-I mean that would mean a lot to me. P-pero alam ko naman na hindi ito ang prayoridad mo kaya ayos lang sa akin, Nukk." Bahagya itong tumalikod ngunit tanaw pa rin ang bista ko sa tingin ko. Medyo pumipiyok pa nga ito habang nagsasalita at nariyang nangingilid na rin ang mga luha. Tila nakukuha ko naman ang ibig nitong sabihin at medyo nataranta rin ako roon. Sa parehong pagkakataon ay na-guilty. Tila kanina ko pa binabasag ang puso nito hindi lamang sa pagko kontra sa kaniya kanina sa seminar kung hindi pati na rin sa pagbabasag ng trip niya. "Pero hindi ibig sabihin na titigil na ako, Nukk. Gusto ko lang ipaalam sa iyo na sa loob ng ilang araw na di tayo nagpapansinan, totoo lahat iyon. Na-miss kita at gustong-gusto talaga kita. Maghihintay pa rin ako, Nukk. Pero syempre yun e kung gusto mo. Kung ayaw mo, a-uhm... s-sabihan mo lang ako," mahabang wika ni Kyle. Mahahalata mo sa kanya ang lungkot sa huling mga salitang binigkas niya. Tila labag sa loob nito ngunit animo'y wala rin naman siyang magawa para roon. Doon ko na naisipang hawakan ang magkabilang kamay ng binata. Agad ko namang napansin ang gulat na ekspresyon nito sa mga mata niya. Kahit siya ay hindi inaasahan ang pagpapauna ko ng ganoong interaksyon. Nariyan pa nga at nabigyan ng pag asa ang mga tingin sa mga mata nito. "Do I burn the same as you?" pag uulit ko sa nauna nitong sinabi. Nakatungo ako gayong sinusubukan kong mag concentrate. Baka kasi pag tumingin ako ng direkta sa mga mata ni Kyle ay gaya niyang mautal din ako. Wala akong ganong lakas ng loob tulad ng ginawa niya pero pipilitin kong tapusin ang linya ko sa paraang makakaya ko. "I'm not sure how raging your fire is, but I'm certain at this point that I have a little fire in me. It's burning for you, Kyle." Sandali kaming natahimik ngunit dama ko ang pag ngiti ng binata kahit pa hindi ko pa ito nililingon na muli. Matapos kong sabihin ang mga yon ay tila gumaan ang lahat. Hindi naman iyon pasanin ngunit may roon sa akin ang tila nakahinga matapos ang pag amin na iyon. It wasn't a certain emotion from the past but what I realized is I just realized this feelin right after his lead. Maybe because the fear of the unknown subsided as soon as Kyle lead the way for that realization. "S-so, Tayo na?" wika ng binata. I smiled lightly at the thought of it. May kaonting kaba dahil sa totoo nga ay wala akong ideya ano ang mangyayari pagkatapos nito. Ngayon ko rin mismo nararamdaman ang sinasabi ng nakararami. There was definitely a monarchy of butterflies inside my gut. I wasn't sure when or where they entered my tummy, but this seemed like the in love feeling they were all talking about. "Oo, tayo na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD