Chapter 26

1339 Words
"Sira ulo ka ba? B-bakit naman k-kita mami-miss no? Kung nami-miss mo ako w-wag mo akong ida-damay sa-" "Ang dami mo namang sinabi! Binibiro ka lang naman, Nukk. Kung hindi mo ko na-miss edi sige hindi na," ani ng binata matapos akong hindi patapusin sa pagsasalita. Maya- maya pa at dumagdag ito, "Pero bakit nauutal ka? Nako ha?" "Aba! Aba! Lumalakas ka na mang asar ah? Eh kung wag na kaya akong sumama? Mauuna na nga akong umuwi. Bahala ka dyan!" balik ko naman at umamba ng lakad na hindi rin naman natuloy. Agad na hinila ng lalaki ang kamay ko at nakakahawang tawa ang iginawad noon ni Kyle. May kung ano sa sandaling ito na siyang nagbalik ng sigla sa akin matapos ang nakakapagod na araw. Akalain mo nga naman at narito kaming nagtatawanan at nag aasaran matapos ang ilang araw na walang pansinan. "Kakasama mo kay Lavinia, pati ikaw ang hirap mo nang biruin. Di bale, ang cute mo naman kaya pinapatawad na kita," pagbibiro ng binata. Ako naman itong na-curious dahil ganoon na lang ba talaga ang epekto ni Lavinia sa akin? Parang normal naman sa akin itong pakikitungo ko sa kanya kahit wala pang impluwensya ni Lavinia. Ani muli ni Kyle, "Anyway, tara na? Ayaw nating gabihin di ba?" Tumango na lang ako noon at saka ginawaran ng nangingilid na ngiti ang binata. Maya- maya pa ay inialok nito ang kamay niya ngunit hindi naman ako sigurado kung ano ang gagawin doon. Ganon na lamang at napatitig na lang ako sa kanya. Mahina itong tumawa at saka ako sinenyasan gamit ang nguso nito. Ako naman itong bigla na namang kinabahan dahil hindi ko agad nakuha ang nais nitong sabihin. "Akin na ang bag mo. Ako na ang magbibitbit para sayo. Anong akala mo, Nukk?" taas kilay itong tumingin sa akin at talaga namang nakakaintrigang tingin ang iginawad ni Kyle sa akin. Itong mokong na ito kanina pa bumabanat ng mga nakakalokong reaksyon at salita. Malapit ko nang sakalin tong lalaking to! "Sira ka talaga! Ako na to, Kyle. Hindi naman ako lampa at kaya ko nang bitbitin itong gamit ko. Bakit kasi may panguso- nguso pang nalalaman," reklamo ko. "Ikaw ah, Nukk? Wala pa akong first kiss! Grabe ka pinag nanasaan mo ang lips ko," tatawa-tawang banat na naman ng binata. Napaawang na lamang ang bibig ko sa sinabing iyon ng lalaki. Sumosobra na naman sa pagiging kumportable si Kyle kaya't nagagawa nitong kumilos ng ganito. Hindi ko naman magawang sumuway kaya't mas pinili ko na lamang na lapatan ng seryosong tingin ang binata. Tila nakuha naman niya iyon sa unang beses pa lamang. Actually, hindi ako naging kumportable sa usapang iyon ngunit naiintindihan ko rin na pinapagaan lamang lalo ng binata ang pag uusap namin. Natutuwa ako na nagkaka kulitan kaming muli ngunit hindi ko rin maitatanggi na kahit papano ay may kaonting pader akong nais na panatilihin sa pagitan namin. Mabuti na lang din at hindi na sinubukan pang muli ng binata na palalimin ang usapang iyon at sa halip ay agad itong humingi ng paumanhin. Tulad ng napag usapan, sumama ako kay Kyle patungo sa kung saan man ang lugar na tinutukoy niya. Buhat sa pasilidad lulan ng tricycle, idinala ako ng binata sa isang maliit na studio, malapit lamang sa pamilihang bayan. Nagtaka pa nga ako noong una dahil medyo hindi nga ako ganon ka-pamilyar pa sa lugar at doon talaga ako dinala ng binata. Sa sandaling makapag bayad sa driver, inaya ako ni Kyle papasok nga roon sa studio at laking gulat ko naman nang bumungad sa amin ang pamilyar na itsura ng lalaki. Kung tama ako, isa siya sa mga kasamahan noong mga naroon sa seminar kanina. Magtatanong pa lamang sana ako ngunit nauna nang nagsalita ang lalaki. "Hello! Napadalaw ka Kyle? Ano? Iuuwi mo na ba yung painting mo?" wika nito na buong tuon sa kasama kong lalaki. Tila hindi pa rumerehistro rito ang presensya ko. Sa parehong sandali, nagkaroon ako ng pagkakataon upang siyasating maigi ang maliit na espasyo sa paligid ko. Karamihang makikita sa mga pader ang 8x11 na laki ng mga papel na may natatanging mga detalye na gawang kamay. Doon pa lamang ay nakasisigurado na akong siya nga yung kaninang tinutukoy ko. Hula ko na rin ay obra niya ang mga nakasabit sa paligid at hindi ko naman maiwasang hindi mamangha sa nararating ng aking bista sa mga oras na ito. "Hmm, hindi pa naman. Balak ko lang sana ipakita kay Nukk, Kuya. Okay lang ba? Pasensya na hindi ako agad nakapag paalam at binigla kita na may iba pang bisista, Kuya Iver." "Ohh, so ikaw yung nakukwento nitong pare kong bigotilyong ito? Kamusta ka, Nukk? Nice to finally meet the inspiration behind Kyle's piece!" masiglang bati ng lalaki. Sa wakas ay nagkaroon ako ng muwang sa kinalalagyan ko. Noon din ay inabot ko ang kamay ni Kuya Iver nga raw gawa ng in-extend niya rin ito patungo sa direksyon ko. Agad din naman na rumehistro sa utak ko ang sinabi nitong inspiration sa likod ng gawa ni Kyle na siya namang umagaw ng aking kuryosidad. "Tama rinig mo, Nukk. This guy right here has been spending his time with me these past few days. Kung pwede ko lang ilaglag itong brother ko na ito ay kinuwento ko na sa iyo. Broken din to ng ilang araw ha?" matawa- tawang sabi ng lalaki. Sa dami ng sinabi niya ay iilan lamang doon ang natandaan ko. Broken? Bakit naman? Dahil nga ba sa hindi namin pag uusap? Pero si Kyle naman ang umiwas hindi ba? Ganoon pa man, hindi maalis sa akin ang medyo mag alala at malungkot. "Kuya Iver wag ka namang ganyan. Sige na iwan ka na muna namin. Ipapakita ko lang kay Nukk tapos aalis na rin kami promise. Pasensya na sa istorbo. Gumawa ka na ulit kasi dumadaldal ka nang hindi naman dapat Kuya," balik ni Kyle na mahahalata pa sa tono nito ang pagkataranta. Hindi pa man nakaka sagot muli si Kuya Iver ay agad na akong hinila ni Kyle papasok sa kung saan mang lagusan iyon. Huli ko na lamang narinig ang mga tawa ng nakatatandang lalaki kung saan kami nang galing. "Hayaan mo na yon si Kuya, Nukk. Wag mo na pansinin dahil hindi naman importante," ani muli ni Kyle. Sa pagkakataong iyon ay medyo nangiti ako. Maaalala kong may ganoong side talaga ang lalaking ito. Ayaw na ayaw niyang nabubuking gayong ganon din siya sa Kuya niya na adviser namin. "Ayos lang naman. Medyo nakakatawa rin lalo't kabado ka pa ka Kuya Iver ha?" balik ko sa kasama. Maya- maya pa't huminto kami sa paglalakad. Noon ko rin nakitang sumilip ang mga ngiti sa labi ni Kyle. Nang maglaon ay napagtanto kong nakaharap na kami sa obra ng binata na ngayon ay nakasabit sa dingding. Wala akong ibang naging reaksyon noon kung hindi ang maiwang nakaawang ang aking bibig. "Actually hindi pa tapos. Medyo crap pa for me since kakatuto ko lang din mag oil painting. Hindi naman ako creepy diba?" sambit ng lalaki habang naiwan pa rin akong nakatulala sa obrang nasasaksihan ng mga mata ko. "S-seryoso ka ba? K-Kyle, grabe-" "Kinuhanan kita ng litrato nung nagpapahinga ka. Hindi kita malapitan pero yun nga... Tulad ng sabi ko kanina, namiss kita." Hinayaan ko lang ang binata sa patuloy na pagsasalita nito. Hindi ko na naintindihan pa ang ilan pang sinabi niya gayong nakatitid na lamang ako sa sarili kong repleksyon sa aking harapan. Ang obrang ginawa niya ay ang imahe ko'ng nagpapahinga sa sarili kong upuan sa classroom. I don't find it creepy at all. Instead, I am amazed by the way how Kyle made an art in this kind of medium. Idagdag pa na kasisimula pa lamang nga raw nitong matuto, mas lalo lamang akong napapabilib doon. Sa ilang sandali, huli na nang maramdaman ko ang mamasa- masang mga butil sa pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit pero namuo ang emosyon sa loob loob ko. "Hala, okay ka lang?? Huyyy, Nukk bakit ka umiiyak??"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD