May ilang minuto lang ang lumipas at tuluyan na nga naming narating ang labas ng pasilidad. Akmang magtatanong na sana ako nang unahan ako ng binata sa pagsasalita.
"Nukk, hindi ka nama busy after nito diba? May ipapakita ako sa iyo," walang ano-anong wika ng binata. Nariyan pa rin at palinga-linga ako sa lugar gayong umaasa akong nakasunod sa amin si Lavinia palabas ng building.
Hindi rin naman kasi tamang basta- basta na lang ako kakawala sa dalaga gayong siya ang kasama ko sa maghapon. Nakakahiya naman kung basta- basta na lang siyang maiiwan ng ganon.
"Sana hinintay mo muna man lang akong makapag paalam ng maayos kay Lavinia. Nakakahiya, Kyle. Nakakahiya kay Lavinia," ani ko. Napakamot naman ng ulo ang binata sa turan ko. Di naman madalas ang pagkontra ko sa mga tao ngunit ibang sitwasyon lang talaga ang meron ngayon. Maya- maya pa ay nagsalita muli ang binata.
"Alam ko kasi na hindi naman ako pasisingitin ni Lavinia. Huwag kang mag alala, pinasamahan ko siya kay Nina. Alam niya ang balak ko na agawin ka sandali sa best friend mo," pagpapalusot ng binata. Kahit pa sinabi nitong nagawan na niya ng solusyon ay hindi ko pa rin maiwasang mag alala para sa kaibigan. Ganon na lang din at nagpasya akong iwanan ito ng mensahe gayong bitbit ko naman ang selpon ko na nasa loob din ng aking bag.
Tumipa lamang ako roon ng ilang mensahe at hinayaang mag- deliver yon kay Lavinia. Mabuti na lang at agad din namang nagpa abot ng tugon ang dalaga. Nagbilin na lamang ito na mag iingat at sabihan siya kung nakauwi na ako. Kahit papano ay gumaan ang loob ko roon.
"Ano bang meron?" maikling bawi ko sa nag iisang kasama. Muli itong napakamot ng ulo. Dagdag ko, "Ilang araw mo akong hindi pinansin tapos biglang hihilahin mo na lang ako kung kailan mo gusto?" Ni hindi ko na napigilang alisin ang inis sa tono ko. Idagdag pa ang biglaang pagkakaroon nito ng ibang kasama. Iyon ngang Nina ata ang pangalan.
"About that, I am very sorry. Aaminin ko Nukk na nahiya talaga ako noon. Lalong- lalo na na totoo naman ang sinabi ni Lavinia mula noong araw na iyon," paghinto niya sabay linga sandali sa paligid. Sinundan ko naman ng tingin ang direksyon na nilingunan niya pero maya- maya lang din ay nagpatuloy ito. "Alam ko na ito na naman ako, inuulit yung mali na yon. Bigla na lang kitang pinapangunahan and all, pero hindi ko lang din kasi talaga mapigilan dahil nga ano... uhm, a-ano eh."
"Ano?" wika ko na pilit din na sinusundan ang nais nitong sabihin. Paligoy- ligoy pang talaga at medyo may namumuo na rin akong inis sa loob-loob ko. Dahil na rin ata sa biglaan ko na lang din nakita ang imahe ng dalagang kasama niya kanina. Kumaway pa ito sa direksyon namin ngunit hindi ko sigurado kung ako lang ba ang nakakita o pati rin tong mokong na ito. Dagdag ko pa nang hindi narinig na magpatuloy si Kyle sa nais nitong sabihin, "Ano nga? Nakakainip din maghintay minsan sa paligoy ligoy na sasabihin-"
Hindi ko na natapos pa ang pag rereklamo sa sandaling marinig ang mga linyang hindi ko inaakalang bibitawan ng binata. Ang totoo niyan, wala talaga akong ideya kung pano ang ire- react sa sinabi niya gayong noon lang ako nakarinig ng ganoong mga salita. Lalo pa't nanggaling sa kabaligtaran na oryentasyon at hindi mula sa kaibigan o mula sa mga magulang ko.
"Nukk, I missed you. Hindi ko na kaya lumayo at umiwas dahil nangungulila ako sa kawalan ng presensya mo." ani Kyle.
Sandali kaming natahimik na dalawa. Ang buong akala ko pa nga ay may iba pa itong ipapaliwanag ngunit iyon na rin ang huli nitong sinabi. Ako naman itong nahihiya gayong wala akong alam na ibang sabihin sa binata. Tila lahat ng samut-saring emosyong nararamdaman ko nitong mga nakaraan ay nabura dahil sa mga salitang iyon na binitawan ni Kyle. Aaminin ko rin na animo'y may kung anong kumikiliti sa sikmura ko at siyang nagpapahirap din sa akin na magsalita. Pakiramdam ko ay sa oras na magasalita ako ay mauutal-utal lamang ako lalo na kung tugon sa nauna nitong sinabi ang sasabihin ko.
Ganon na lang din ay sinubukan ko na lamang gumawa ng ibang ingay sa pamamagitan ng mahinang pag ubo. I also tried to clear my throat after that little cough. Sambit ko pa, "B-bukod don, wala ka ng ibang sasabihin? K-kasi uuwi na a-ako." Hindi naman ako nagkamali dahil medyo nauutal- utal pa nga ako.
"U-uuwi ka na? P-pero may pupuntahan pa sana tayong dalawa," balik ng binata na medyo mahahalata ang lungkot sa tono ng boses nito. Wala naman akong maalalang pumayag na ako sa aya nito. Ang naaalala ko lang ay bigla na naman akong nahatak na lang ng walang konsento ko.
Gayon pa man, nagtanong na ako dahil tila may kung ano rin sa loob loob ko na nae engganyo sa yaya nito. Para bang hinihila rin ako papalapit sa binata gawa ng ang tagal din naming nag iwasan. Wala naman sigurong masama hindi ba?
"Saan ba? Hindi naman ba gagabihin? Hindi kasi ako nagpaalam sa kanila Mama. Ayoko naman sana silang mag alala," ani ko na medyo nag aalanganin dahil ayoko ring mag tunog na madaling bumigay sa binata.
"Promise hindi tayo gagabihin! Malapit lang yon dito. Isa pa, ihahatid kita pauwi. Di ka magsisisi, Nukk. Pangako na matutuwa ka dahil pinag kaabalahan ko iyon nitong mga nakaraang araw!" tuloy- tuloy na turan ni Kyle. Sa pagkakasabi nito ay tira nagra- rap na ito para lang ma-impress ako at sumama. Mukhang nagtatagumpay naman ang binata.
Tutal nangako si Kyle na ihahatid ako at hindi magpapagabi, nag desisyon akong sumama rito. Mukha rin namang excited na excited siya sa sinasabi niyang iyon at ayoko namang biguing muli ang binata. Napag isip isip ko rin na napakaraming pinagdaanan nitong si Kyle di lamang nitong maghapon kung hindi pati na rin nitong mga nakaraang araw.
Bukod sa pagpapahirap sa kanya ni Lavinia na makausap ako, hindi rin nagpadali ang mga umiikot na sabi- sabi sa paaralan namin. Kahit pa maalala kong pinagtanggol ko ito, mahirap pa rin talagang pigilan kapag chismis na ang kumakalat. Gayon pa man, hanga pa rin ako sa binata dahil nagawa nitong balewalain ang usap- usapan sa paligid at sa halip ay halata namang nag reflect ito sa kanyang sarili.
"Payag ka na ha? Ano? Tara na ba? Excited na talaga akong ipakita sayo," ngiting- ngiting sabi niya. Nariyan pa't bigla ring kumunot ang noo nito. Dagdag pa ng binata, "Wait lang, napatawad mo na ba ako? Baka kasi hindi pa enough ang sorry ko, Nukk. Magso- sorry ako ng paulit- ulit hanggang sa bati mo na ako ulit." Nag aalalang tono nito na siya naman naging dahilan ng mahinhin na pagtawa ko.
"Wala naman akong sama ng loob sa iyo. Medyo nalungkot lang din akong bigla ka na lang hindi namansin, Kyle."
"Ibig sabihin ba niyan ay na-miss mo rin ako?" biglang ngiti ng binata na siya namang nagpapula sa pisngi ko. Dali- dali akong napahampas sa braso nito. Di ko alam kung bakit pero iyon na lang din talaga ang naging inisyal na reaksyon ko sa tila pang aasar ng binata. Saan niya naman nakuha ang ideyang iyon?! At bakit ko naman daw siya mami- miss aber??
"Okay lang naman kung ayaw mong aminin na na-miss mo rin ako. Ramdam ko naman na gusto mo rin ako, Nukk."
Gayon pa man, damang- dama ko ang pag iinit pa lalo ng mukha ko dahil sa sinabi niyang iyon. Ayaw makisama ng balat ko lalo pa at ramdam ko na rin ang pamumula ko kahit hindi ko ito nakikita. Isa pa tong lalaki na to!
--