Cass/Dianne Tahimik ang paligid ko, wala akong marinig kung hindi ang tunog ng isang makina. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Hindi na ako nagulat nang makita ko kung nasaan ako ngayon. I glance at the mirror on my left side, pinakiramdan ko ang sarili ko bago ako sinimulang suyurin ang kuwartong kinaroroonan ko. White floor, white ceiling hanggang sa mga kurtina puti din. Alam kong nasa isang pribado akong hospital pero sobrang laki namang private room ito. Babangon sana ako ng maramdaman ko ang kirot sa may bandang tiyan ko. Maingat ko itong tinignan pero nakabenda ito at hindi ko makita kung malaki ito o maliit. Kompleto ang kuwartong ito sa kagamitan, mapa-salas man at kusina. Dahan-dahan kong iginalaw ulit ang katawan ko, susubukan ko sanang tumayo nang may pumasok sa pinto

