Cass/Dianne Nakiusap si Dad sa Doctor ko kung puwede niya akong palabasin ngayon para mapuntahan ko ang burol ni Daddy. Pero hindi ito pumayag dahil kailangan ko muna daw magpahinga. Kagigising ko lang daw at kailangan niya munang makasiguro sa kalagayan ko bago niya ako payagang lumabas ng hospital. "The Doctor won't allow you to be discharged today, Baby. Kagigising mo lang at baka makasama ito sa kalagayan mo. They will run some more test to make sure that you're good to go. A little more patience, Baby." sambit ni Dad sa akin habang hinahaplos niya ang mahaba kong buhok. Malungkot akong napatingin kay Dad at napabuntong hininga bago nagsalita. "Okay Dad, wala naman akong magagawa eh. Aabot pa naman siguro ako sa huling gabi ni Daddy." "I'm sorry, Baby. Tama ang Doctor mo, kailanga

