Cass/Dianne Tahimik lang akong nakaupo habang nakasakay sa sasakyan ni Dad. Katabi si Chester at hawak-hawak nito ang kamay ko. Marahan niya itong pinisil bago ito masuyong hinalikan. "Everything will be alright, Babe. Andito lang ako sa tabi mo." Malungkot akong napatango at ibinalik ang paningin ko sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Papunta na kami ngayon sa huling araw ni Daddy. After nang discharge ko sa hospital, mas ginusto ko ang dumiretso doon kaysa ang umuwi muna sa condo na binili ni Dad para sa pansamantalang titirhan ko. Nang huminto ang sasakyan sa harap ng mansion. Hindi ko mapigilang libutin nang paningin ko ang kabuuan nang kinalakhan kong bahay. Maraming nakaparadang sasakyan, indikasyon na maraming bisita sa loob. "Let's go?" bulon

