Chapter 14

1261 Words
Cassandra Saturday ngayon at ilang araw na akong kinukulit ng dalawa. I don't know what to do with this guys. Mayroon yung halos nag uunahan silang bumili ng pagkain ko. I'm not that weak para ibili nila ako ng pagkain. Ano ako baldado at kailangan pa nila akong alagaan? I can manage my own food pero sobrang kulit nila and it irritates me so much. Buti nalang walang nagungulit sa akin ngayon. Andito ako sa mansion nila Daddy. Nakahiga sa kama at nagmumuni muni. Mas lalo kasing dumadami yung mga panaginip ko. I don't know if it's real or just a dream. Doc said na it's normal kasi unti unti ng bumabalik ang mga alaala ko. Ang daming what ifs sa isip ko. Ang pinaka- nagpapagulo ng utak ko ay ang katanungang hindi ko kayang sagutin. "What if bumalik ang alaala ko? Ano kayang buhay ang naiwan ko bago ako nagkaroon ng amnesia?" bulong ko habang nakatingin pa rin sa kisame. Napabuntong hininga nalang ako sa katanungang iyon. Tumayo ako sa kama at balak ko sanang magbasa nalang. Napadako ang tingin ko sa invitation card na binigay ni Dylan sa akin kahapon. It's his brother's birthday nga pala. Do I need to be there?. Pero nakapangako na kasi akong pupunta ako. Kung hindi ko nga nakita yung invitation malamang nakalimutan ko nanaman. Pagtingin ko sa relo ko nagulat ako kasi 3 oclock na. My God!!! 5 oclock yung party at andito pa ako nagmumuni muni. Bakit ko pa kasi nakalimutan eh. Agad akong tumayo sa kama at dumiretso ng banyo para maligo. It took me an hour bago matapos maligo at makapili ng masusuot sa party. Nagmamadali na tuloy ako. Isinuot ko nalang ang red dress na napili ko then nagsandals nalang ako para mas comfortable sa paa. I put a light make up bago ako nagdecide na umalis na. I just texted my brother na may pupuntahan ako. Baka kasi hanapin niya nanaman ako. Nagmadali na akong umalis ng bahay with my car of course. Dumaan muna ako sa isang boutique shop para bumili ng gift. After na makabili ako ng gift diretso na ako sa house nila Dylan. Siguro, it takes me 20 minutes bago makarating. Pagtingin ko sa watch ko saktong 5 oclock na. "Okay lang naman sigurong malate ng konti. I'm not there special guest anyway." Sabi ko habang nakatingin sa may gate ng bahay or should I say palasyo nila. Sobrang laki at ang ganda talaga. I just found out na naglalakad na pala ako papasok ng gate. Sobrang naamaze ako sa mga bulaklak na nakapaligid sa palasyo nila. Kaya hindi ko namalayang nakalabas na pala ako ng kotse ko. I just wonder kung may kapatid silang babae. Pagpasok ko tumambad sa akin ang napakaraming tao. They were too famous siguro para magkaroon ng ganito karaming bisita. Hinanap ko ang mga kasama ko para kahit papaano may kakilala naman ako. But, I failed di ko sila makita sa sobrang dami ng tao. Naglakad lakad muna ako baka sakaling mahanap ko sila. Pero naikot ko na ang buong paligid di ko pa din sila makita. My head is aching nanaman. I don't know why. But, I have this feeling na may mga matang nakatingin sa akin. I need to freshen up. Sobrang sumasakit na ang ulo ko. May nakita akong maid sa may di kalayuan kaya nilapitan ko siya para magtanong. "Ate saan po ang CR dito? Naiihi na po kasi ako." Tanong ko sa kanya. "Ay maam sa loob pa po ang Cr nila. Pumasok po kayo jan at lumiko kayo sa left side may tatlong pinto po doon. Yung gitna po ang banyo." Sagot niya sa akin ng nakangiti. Hindi ko na alam kung makakangiti pa ba ako o hindi kasi parang sabog na ang ulo ko sa sakit. "Thank you po. " sabi ko at nagmadali ng pumasok sa malaking pinto na tinuro ni ate. Pagpasok ko tumambad sa akin ang mga picture na nakasabit sa walls. Sobrang dami tapos meron pa sa mga lagayan. Napadako ang tingin ko sa family frame nila. I have this feeling na parang familiar sa akin ang batang babae na nakadamit ng pink. Hinawakan ko ang frame at napapikit ako ng biglang may nagflash sa akin na mga pangyayaring ngayon ko lang nakita. Naguguluhan na ako sa mga nakikita ko. Nailapag ko bigla ang frame at hinawakan ko ang ulo ko. I can't bear the pain anymore. Kailangan ko ng makaalis dito. Bago pa man ako makaalis bigla nalang may nagsalita sa tabi ko na siyang ikinagulat ko. "Hija are you okay?" tanong ng babaeng nasa tabi ko. Base sa boses niya nasa mid forties na siya. Hindi ko siya matignan nor masagot kasi sobrang sakit na talaga. "You do not sound okay to me Hija. Anything I can help?" tanong niya sabay hawak niya sa balikat ko at iniharap sa akin. Pagtingin ko sa kaharap ko ngayon. Biglang nagflash ang mga imahe sa utak ko. At kasama ang nasa harap kong babae ngayon sa mga imaheng yun. Napatulala nalang ako ng mahimasmasan ako. The images that flashes in my mind are my memories. Magsasalita pa sana ako ng bigla nalang nandilim ang mga paningin ko. And everything went black to me. Dylan Andito kami sa may pool area sa likod ng mansion. Hinihintay nalang namin ang pagdating ni Cassandra. Were not sure if she'll come. She did'nt even confirm us kung makakarating ba siya o hindi. "Tawagan mo na kasi Chester." Sabi ko "Kanina ko pa nga tinatawagan kaso nagriring lang. Hindi niya sinasagot yung tawag ko." Sagot niya sa akin habang nakaupo at hawak ang phone niya. "Sinundo mo nalang sana siya para tapos ang usapan." Sabi ng kambal niya habang nakapamaywang pa sa amin. "Makasuggest ka naman! Parang alam natin kung saan siya nakatira!" inis na sabi ni Chester sa kambal niya. Yes, walang nakakaalam sa amin kung taga saan siya. Masyado kasi siyang malihim na tao. Magsasalita pa sana ako ng marinig naming sumigaw si mommy. Nagpasukan naman ang mga bodyguards ni Daddy sa loob. Napatingin ako sa kanila at nagmadaling tumakbo papasok ng bahay. Nakasunod naman sa akin ang barkada. Nagulat ako ng makita kong buhat buhat ng isang body guard si Cassandra na walang malay. Magtatanong na sana ako ng makita kong tumakbo papalapit si Chester sa bodyguard na may karga kay Cassandra. Nang makita kong karga na ni Chester si Cassandra at ipinasok sa isang silid. Lumapit ako kay Mommy para magtanong. "Mom what happened to her?" nag aalalang tanong ko habang naglalakad kami papuntang silid kung saan pinasok si Cassandra. I don't know pero pagkakita ko sa kanya na walang malay sobrang pag aalala ang naramdaman ko. "I don't know son. I found her staring at the family frame natin. Tapos bigla niya itong nabitawan at humawak sa ulo niya. I don't exactly know what's happening to her. I ask her if she's okay but she did'nt answer me. Tapos bigla nalang siyang nahimatay." Nag aalala ding sabi ni mommy sa akin. "Did you call our family doctor mom. Para matignan ang kaibigan namin." Sabi ko habang inaalalayan siya paakyat ng hagdan. "Kaibigan niyo pala siya. She looks familiar to me Dylan. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Yup, I call our doctor para matignan siya." Sagot niya sa akin na para bang may inaalala. Parehas pala kami ni mommy. We don't know pero ang lapit ng loob namin sa kanya. I need to investigate about this. Bukas na bukas kakausapin ko si Detective. Kailangan kong makakuha ng sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD