Cass
Pagmulat ko ng aking mga mata. Tumambad sa akin ang hindi pamilyar na kuwarto. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kuwarto. It's a room painted with pink. A picture caught my attention. Picture ng batang nakangiti na naglalaro sa may garden. She's so beautiful.
Dahan dahan akong bumangon upang makaupo sa gilid ng kama. Pilit kong inalala kung ano ang nangyari kanina. Ng maalala ko kung ano ang nangyari sa akin kanina. It hit me big time!!
Ako ang batang nasa picture. Maraming katanungan ang nasa isip ko ngayon. Na hindi ko alam kung sino ang makakasagot. Bumalik na ang alaala ko. Unti unting pumapatak ang luha sa mga mata ko.
"Kaya pala hindi nila ako magawang mahalin." malungkot na bulong ko sa sarili ko.
Tahimik akong umiiyak habang nagflaflash sa utak ko ang kabataan ko. Hawak hawak ko ngayon ng picture ko noong bata ako. Hindi ko na napigilang humagulgol.
All this time nanglilimos ako ng pagmamahal sa mga taong hindi ko naman pala kadugo. Paano nila naitago sa akin ng ganito katagal. Sigurado akong wala silang balak sabihin sa akin ang tungkol dito. Kasi kung mayroon man. Dapat tinulungan nila ako para maibalik ang alaala ko. Kaso wala silang pakialam sa akin.
"I am not their daughter! Kaya pala ang bigat ng loob nila sa akin. Kaya pala kung saktan nila ako ganoon ganoon nalang. Kaya pala kahit anong mangyari sa akin wala silang paki!! Yun pala hindi nila ako tunay na anak!!" galit na sabi ko sa sarili ko
Matagal na panahon akong nagtiis sa sakit na pinadama nila sa akin. Kaya pala ang gaan ng loob ko kay Dylan. Kasi kambal ko pala siya.
"Hindi muna dapat nila malaman na buhay ako. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyari. Kung bakit napunta ako kina daddy." sabi ko habang tahimik na umiiyak
Pamilya!! Matagal kong pinangarap magkaroon ng masayang pamilya. Pamilyang magmamahal sa akin kung sino ako. Dahan dahan kong pinapahid ang mga luha sa mga mata ko. Tatayo na sana ako sa kama ng biglang bumukas ang pinto. Niluwa nito ang babaeng kausap ko kanina bago ako nawalan ng malay. Alam ko ng siya ang totoo kong mommy.
"Gising ka na pala hija. It's almost twelve. Ichecheck sana kita. Pero gising ka na pala." nakangiting sabi niya sa akin. Tinitigan ko lang siya habang nagsasalita.
Gusto kong lumapit sa kanya at yakapin siya ng mahigpit. Kaso hindi ko maaaring gawin ang nasa isip ko. Hindi nila pwedeng malaman ang totoo. Nagulat ako ng hinawakan niya ako sa mga kamay ko. Hindi ko namamalayang tumulo na pala ang luha ko.
"Are you okay hija? May masakit ba sayo? Bakit ka umiiyak?" nagaalalang sabi niya sa akin habang pinupunasan niya ang luha ko gamit ang mga kamay niya.
"I'm o--kay p-o." nauutal na sabi ko. Para mapigilan ko ang hikbi na gustong kumawala sa bibig ko. Nakatitig lang ako sa mukha niya habang pinupunasan niya ang luha ko. How I wish I could hug her so tight. Wala akong magagawa kundi ang umiyak nalang.
"Stop crying hija. Everything will be alright." nakangiting sabi niya sa akin at niyakap niya ako. Mas lalo akong napaiyak ng yinakap niya ako ng mahigpit. Doon na ako nagkaroon ng chance na mayakap ko siya.
Yumakap ako ng mahigpit habang umiiyak. Ang sarap pala ng feeling pag niyayakap ka ng sarili mong mommy. Sana hindi na matapos ang oras na to. Gusto kong sulitin ang yakap niya. Nagtagal kami sa ganoong puwesto. Kusa na akong kumalas habang pinapahid ko ang luha ko. Kahit papaano sumaya naman ako sa yakap na yun.
"Okay ka na ba Hija?" tanong niya
"Opo, Okay na po ako. Salamat po." sagot ko habang nakatingin pa rin ako sa kanya. Gusto kong ikabisado ang mukha niya. Gusto kong hawakan ang mukha niya. Gusto kong laging maramdaman ang yakap niya. Gusto kong gawin lahat ng yan ngayon pero hindi pa ito ang tamang panahon. Kailangan ko munang alamin ang totoong nangyari sa akin.
"Nagugutom ka na ba? Halika sa baba at ipaghahain kita." nakangiting sabi niya sa akin
Napangiti ako sa sinabi niya. Ito ang unang pagkakataon na may maghahain sa akin. Gusto kong maranasan ang pakiramdam ng may nag aasikaso sayo.
"Opo nagugutom na nga po ako." nahihiyang sabi ko at pilit na ngumiti
"Halika na." nakangiting sabi niya at inalalayan niya akong tumayo sa kama
Masaya akong tumayo at nagpaalalay sa kanya. Sobrang sarap ng feeling. Susulitin ko na muna ang mga oras na to. Baka bukas paggising ko panaginip lang pala.
Pagdating namin sa kusina nila. Nagulat ako ng makita sina Dylan, Chelsea, Mark, at Chester na nakaupo sa may hapag. Kanya kanya sila ng hawak ng mug na umuusok. Napatingin sila sa gawi namin ng magsalita ang mommy ni Dylan. I don't know kung ano itatawag ko sa kanya.
Nagulat sila ng makita nila akong nakatayo sa tabi ni Mrs Fuentebella. Dali daling tumayo si Chester at lumapit sa akin.
"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Sabihin mo Cass?" nag aalalang sabi niya habang tinitignan niya ako hanggang sa likod ko. Napangiti ako sa kinikilos niya.
"Okay na ako Chester. Don't worry." nakangiti kong sabi sa kanya
"Sigurado ka ha?" ulit na tanong niya
"Oo Chester. Huwag ng mangulit. Baka gusto mo akong paupuin." biro kong sabi
"Sorry." sabi niya sabay alalay niya sa akin papuntang upuan
Pagkaupo ko sa harap nila. Nakita ko ang pag aalala sa mga mukha nila. Kaya nagsalita ako para makampante sila.
"I'm okay now. Don't worry too much. It's normal for me to past out everytime my head hurts." nakangiting sabi ko
"How come na normal sayo yan Hija?" nagtatakang tanong ni Mrs Fuentebella sa akin habang nilalapag niya ang mga pagkain sa mesa.
"I have an amnesia po. Sabi po ng Doctor sa akin na baka dumalas po ang pagsakit ng ulo. Since may mga alaala na pong pumapasok sa utak ko." malungkot kong sabi
"Dapat siguro Hija lagi kang may kasama. Just incase na mangyari ulit yung pagsakit ng ulo mo." nag aalalang sabi niya sa akin
"I can manage naman po. Sorry po about sa kanina." hinging paumanhin ko
"It's okay hija. Sige kumain ka na. Dylan kayo na bahala sa kanya. Magpapahinga na ako." bilin niya kay Dylan.
"Opo Mommy. Goodnight." sabi niya sabay lapit dito at hinalikan sa noo. Nainggit ako sa trato nila sa isa't isa. Paano kaya kung hindi ako naaksidente at nagka amnesia? Ano kayang buhay ang mayroon ako sa piling nila?
Ayan nanaman yung madaming tanong sa isip ko. Kailangan kong alamin ang mga bagay tungkol sa akin. Gusto ko na bago ako magpakilala sa kanila. Alam ko na kung sino akong talaga at kung bakit para sa kanila ay matagal na akong patay. Gusto kong maliwanagan sa mga katanungan nasa isip ko. Hangga't hindi ko nakukuha ang mga sagot. Hindi nila pwedeng malaman kung ano ako sa buhay nila. At kung sino talaga ako. Mapait akong napangiti sa takbo ng buhay ko.