Cass Days have passed. Hindi pa ako kinokontak ng investigator na hinired ko. Hindi ako mapakali hanggat wala akong nakukuhang sagot sa mga katanungang nasa isip ko. Andito ako ngayon sa school. Lutang ang isip ko habang naglalakad ako sa hallway papuntang room. Nagulat nalang ako ng biglang may lumitaw sa gilid ko na tao. Pagtingin ko sa kanya. Si Joshua pala at hingal na hingal habang hawak ang dalawa niyang tuhod. "Anong nangyari sayo at parang pagod na pagod ka?" nagtatakang tanong ko "I've been calling you. Pero parang hindi mo ata ako naririnig kaya tumakbo nalang ako para makahabol sayo." mahabang litanya niya habang humihinga ng malalim. "Is that so? Sorry for that." sinserong sabi ko "It's okay. No need to say sorry." nakangiti ng sabi niya Ngumiti lang ako sa kanya at nagsimula ng maglakad papuntang room. Lutang pa rin ako habang naglalakad. Papasok na ako ng room ng mapansin kong malungkot na nakatingin sa amin si Chester. Nang tignan ko kung ano ang tinitignan niya. Nagulat ako kasi kamay pala ni Joshua na nakaakbay sa akin ang tinitignan niya. Dali dali kong tinanggal ang kamay niya at dumiretso sa aking upuan. Ganoon na ba ako kalutang at di ko namalayang nakaakbay na pala si Joshua sa akin? Pagkaupo ko sa tabi ni Chester binati ko siya. "Hi." nakangiting bati ko I didn't expect na titignan niya lang ako at bumalik na siya sa ginagawa niya. Did I do something wrong para maging cold siya sa akin? Tanong ko yan sa sarili ko. As far as I know wala naman akong ginawa para hindi niya ako pansinin. Hinayaan ko nalang muna siya baka masama lang ang mood niya. Dumating na ang uwian at hindi niya pa din ako pinapansin. Naguguluhan na ako kung bakit. Sa pagkakaalam ko wala naman akong ginawang mali. Dati rati nakikipag away pa siya kay Joshua sa lahat ng bagay. Pero ngayon iniiwasan niya ako. Is there something wrong?. Naiinis na ako sa pagsasawalang kibo niya at hindi pagpansin sa akin. Naglalakad na kami papuntang parking lot. Lalapitan ko sana siya ng biglang may lumapit sa kanyang girl. Napataas ako ng kilay ng makita kong nginitian niya ito. Ano to gaguhan lang. Ako hindi niya pinapansin tapos yung malanding higad na yun. Nag Hi lang! Nginitian niya na ng sobrang lawak!! Kabadtrip ha!! Dirediretso kong nilakad ang papuntang parking. Wala akong paki kung mabangga ko man siya.! Eh sa naiinis ako!! Kung ayaw niya ako pansinin eh di wag!!! Diretso lang akong naglakad hanggang sa makarating ako ng parking area. Nakasunod naman sa akin si Joshua. "Bakit ka ba nagmamadali Cass?" tanong niya "Wala naman Joshua. Baka kasi matagalan tayo doon. Since nakikipaglandian lang naman ang alam ng iba jan." inis na sabi ko sabay tingin ko kay Chester na papalapit na sa amin kasama ang barkada. "Ihahatid na kita Cass." nakangiting sabi ni Joshua sa akin. "Huwag na Josh. Kaya ko na." sabi ko then tumingin ako sa barkada para makapagpaalam. "I'm going. Mauuna na ako sa inyo." walang emosyong paalam ko sa kanila. Hindi na ako tumingin kay Chester. "Sige Cass. Ingat ka." nakangiting paalam din ni Chelsea. "See you on monday Cass." sabay sabay nilang sabi maliban sa kanya. Tumango lang ako sa kanila at pumasok na sa sasakyan ko. Sa inis ko napalakas ang pagsarado ko ng pinto. Nakita kong nagtataka na sila sa kinikilos ko. Nagulat ako ng may kumatok sa bintana ng kotse ko. Pagtingin ko sa kanya medyo nagulat ako. Paanong nakapunta agad siya dito eh andoon lang siya kanina. Binuksan ko ang bintana ng kotse ko. "What do you want?" inis na sabi ko. Ni hindi ko siya tinitignan sa sobrang inis ko sa kanya. Kung nagtataka kayo kung sino siya. Si Chester po yan. May pagkabampira po ata yan. Ang bilis niyang nakapunta dito eh. "Can we talk?" "There's nothing to talk to." "I know. But I just want to." pakiusap niya "You just want to??!" sarkastiko kong sabi tsaka ako humarap sa kanya ng walang emosyon. "Why being sarcastic Cass?" iritadong tanong niya "Why?? Ask yourself Chester." inis kong sabi "Wala naman akong ginawa para maging sarcastic ka sa akin." nagtataka ng tanong niya "Hahaha wow Chester. You ignore me the whole day. Then my lumapit sayong girl. Nag Hi lang kuntodo ngiti ka na jan! Too much flirting will kill you!!." inis na sabi ko sa kanya "Flirting?? Are you jealous?" nakangising tanong niya sa akin "Why would I be??" taas kilay kong sabi sa kanya "Action speaks louder than words. Pero imposibleng magselos ka. May Joshua ka na diba? Kung makapaglandian kayo. Wagas!! Kayo na ba?" sarcastiko niya ding sabi sa akin. Nag init yung tenga ko sa sinabi niya. What the!! Ako nakikipaglandian? f**k s**t siya!!! Lumabas ako ng kotse at hinarap ko siya. Nanggigil ako sa sinabi niya. Never in my entire life na may nagsabi sa akin ng ganyang mga salita. And to all people siya pa!! "Ako Chester?? Ako ba ang tinutukoy mong nakikipaglandian?" galit na sabi ko habang tinuturo ko ang sarili ko. Nakita kong madami ng nakatingin sa amin. But I don't care!! I'm too angry para pansinin pa sila. Nakita ko naman ang gulat sa mga kaibigan namin. "Don't you even dare Chester!! Choose your words!! Hindi ako nakikipaglandian sa kahit kanino!!" gigil na sabi ko "Are you sure about that?? Sa tingin ko kasing parang ganoon na yun eh. Your flirting with Joshua. Aren't you?" sabi niya na parang siguradong sigurado siya sa sinasabi niya. "Why would I flirt with him? Hindi ko naman kailangang makipaglandian sa kanya. He's my boyfriend anyway. So hindi yun flirting na matatawag. Choose your words Chester." mahinahon kong sabi na parang nang iinis. Nakita kong natahimik siya sa sinabi ko. Tumalikod na ako sa kanya at papasok na sana sa kotse ko ng may maalala ulit ako. Humarap ulit ako sa kanya. "And oh by the way. He's not my boyfriend pala." sabi ko. Nakita kong nagliwanag ang mukha niya. Pero napawi yun ng marinig niya ang susunod kong sinabi. "Because he's my fiancee." nakangiting sabi ko. Nakita ko ang gulat at sakit sa mga mata niya. Gulat din ang makikita mo sa mga kaibigan namin. Nakita ko namang umiiling iling pa si Joshua sa akin. Pagkasabi ko nun pumasok na ako sa kotse ko at umalis. Ni hindi ako lumingon para tignan sila. I didn't want to say that. Pero nagalit ako sa mga sinabi niya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako ng malalim at nagdrive na pauwi ng bahay. It's a bad day for me.