Chester
Nagulat talaga ako sa sinabi niyang fiancée niya si Joshua. Nakaramdam ako ng sobrang sakit na hindi ko maipaliwanag. Kaya hindi ko nga siya pinapansin kasi nagseselos ako sa kanila ni Joshua. Sino ba naman ang hindi kung pagpasok nilang dalawa. Nakaakbay sa kanya si Joshua. Tapos eto nanaman ang panibago. Fiancee niya pala si Joshua. Wala na pala akong aasahan sa kanya.
Akala ko magagawa ko siyang paibigin. Hindi pala kasi nakatali na pala siya sa iba. Tumingin ako sa barkada. Nakita kong gulat din sila sa nalaman nila. Nakita kong nakatayo lang si Joshua sa tabi ng barkada.
Lumapit ako sa kanya at kwinelyuhan siya!
"Tell me she's joking!!" galit na sabi ko habang hawak hawak ko siya sa kuwelyo ng damit niya.
"She's telling the truth Chester. Kaya ako lumipat dito para sa kanya. We are engage a month ago."
Napabitaw ako sa paghawak ko sa kuwelyo niya. Talagang totoo nga ito. Nanlumo ako sa nalaman ko. Para akong binagsakan ng langit at lupa.
Hindi pa nga ako nakakapg umpisang manligaw. Nasaktan na agad ako. Hanep si tadhana ah! Minsan na nga lang main love ang tao. Eto pa ang napala ko. Malungkot akong lumulan sa sasakyan ko at umalis sa school.
Joshua
Hindi ko inaasahang sasabihin niya yun sa harap ng madaming tao. Alam ko namang hindi niya gusto ang mangyayaring kasalan. Pero umaasa pa rin akong magustuhan niya ako.
Sa nakikita ko alam kong wala akong pag asa sa kanya. Pero umaasa pa rin ako hanggang sa dulo. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para magustuhan at mahalin niya rin ako. Nahalata ko naman na gusto niya si Chester. Hindi niya pa lang maamin sa sarili niya ang nararamdaman niya para dito. Kaya kinukuha ko ang sitwasyon nay un para mapalapit at maipadama sa kanya ang pagmamahal ko.
Love is unexplainable. Kahit alam mong may gusto na siyang iba. Ginagawa mo pa rin ang lahat para mapansin ka niya. Bakit nga ba? Siguro dahil sa gusto niyang gawin ang lahat para maipakita ang pagmamahal na meron siya. Para sa bandang huli wala kang makuhang pag sisisi. Dahil alam mo sa sarili mong ginawa mo ang lahat ng paraan para maipakita dito ang totoong nasa loob mo. Masuklian niya man o hindi ang pagmamahal na nadarama mo para sa kanya.
Cass
Pagdating ko ng bahay nadatnan kong nag uusap ang mga kinilala kong mga magulang. Hindi nla namalayang dumating na ako. Tuloy pa rin sila sap ag uusap. Napatigil ako ng marinig ko ang sinabi ni Mommy.
"Sabi ng doctor niya. Unti unti na daw bumabalik ang alaala niya. Anong gagawin natin?" sabi ni Mommy kay Daddy habang umiinom ng alak. Nagtago ako sa may gilid para marinig ko ang usapan nila.
"There's nothing to worry. Nakaplano na ang lahat Lorraine. Kahit malaman niya ang totoo. Nagawa na natin ang nasa plano." Nakangising sabi ni Daddy
"Make sure of that. Ayaw kong mabulilyaso ang mga plano natin. Malaking pera din ang mawawala kung saka sakali." Seryosong sabi ni Mommy
Hindi ako umaalis kung saan ako nagtatago. Gusto ko pang maliwanagan sa usapan nila. I have a hint in my mind but I'm not sure yet. Gusto kong manggaling mismo sa kanila ang tungkol doon.
"Very much sure Lorraine. Bago pa man bumalik ang alaala ni Cassandra. Mabubura nanaman ito. Ako ng bahala Lorraine." Nakangiting sabi ni Daddy
Mas lalong nagulo ang utak ko sa sinabi ni Daddy. Mabubura nanaman? Ano ang ibig niyang sabihin? Kailangan kong malaman ang totoo bago pa matuloy ang plano nila.
Dahan dahan akong umalis sa pinagtataguan ko. Bumalik ako sa sasakyan ko at umalis ng walang nakakapansin sa pagdating ko. I need to see my investigator. Kailangan kong magkaroon ng idea kahit papaano. Alam kong may konting nakalap na siya. Kahit gaano kakopnti yun basta makatulong sa akin. Nilabas ko ang phone ko at denial ang numero ng private investigator ko.
"Hello Ms Park. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo."
"May mga impormasyon ka nap o bang nakalap?"
"May ilan na rin po Maam, Alam kong makakatulong din po para mabigyan po kayo ng kahit konting linaw sa mga nangyari sa inyo."
"Meet me at the Caffee Aurora. Malapit lang yun sa office niyo. I'm on my way."
"Opo maam."
Binaba ko na ang telepono ko at nagconcentrate ng magdrive. Magulo ang utak ko ngayon. Gusto kong maliwanagan sa mga nangyayari sa buhay ko. Yung narinig ko sa mga magulang ko about sa plano na sinasabi nila. Kinakabahan ako para sa sarili ko kung ano baa ng planong iyon.n
Gusto kong bago nila maisagawa ang plano nila. Malaman ko ang lahat lahat ng nagpapagulo sa utak ko.
"Bakit kailangan nilang burahin ulit ang mga alaalang bumabalik sa isip ko? May nangyari ba sa nakaraan na ayaw nilang maalala ko? Kailangan kong maalala lahat lahat na. Para malinawan ako. Sobrang dami na ng tanong sa utak ko.
Alam kong may sekreto silang tinatago sa amin. Gusto kong malaman iyon. Gagawin ko ang lahat para malaman kung ano ang bumabalot na sekreto sa buo kong pagkatao.
"Sana bumalik na ng tuluyan ang alaala ko para magkaroon naman ako ng clue." Sabi ko sa sarili ko habang malungkot na nakatingin sa kalsadang dinadaanan ko. Hindi ko kasi alam kong saan ako magsisimula sa paghahanap ng mga sagot sa mga katanungang naglalaro lamang sa aking isipan. Wala naming ibang makakatulong sa akin kundi sarili ko lang.
Sa lalim ng mga iniisip ko hindi ko namalayang nakalagpas na pala ako sa dapat kong puntahan. Nag U- Turn ako pabalik. Ilang sandal lang ng makarating na ako sa Caffee Aurora. Nagpark na ako sa labas at bumaba na sa sasakyan.