Cass
Andito na ako ngayon sa loob ng kotse ko. Katatapos lang naming mag usap nung private detective na hinire ko.
I don't know what will I react sa mga nalaman ko. I just can't believe na kaya nilang gawin yun. Maybe it's their nature. Mas lalong nadagdagan yung galit na nararamdaman ko para sa kanila.
I threw the envelope sa dashboard. I can't help but to cuss.
"f**k them all!!!!" nanggigigil na sigaw ko sa loob ng sasakyan. Kulang pa ang mga nalaman ko. I need more informations para malaman ko lahat. Hindi ko pa nalalaman kung paano ako naaksidente nung bata pa ako.
May hinala ako but it's not enough to be an evidence. I need to breath from all of this.
Nagdrive lang ako papuntang resort na pag aari ni Daniel. Alam kong doon lang ako makakapag isip ng mabuti. I've texted him na di ako makakauwi until sunday. Sinabi ko na din kung nasaan ako. Hindi na ako magtataka kung bukas makalawa andito na rin siya. Hobby kasi naming dalawa ang mag swimming lalo na pag alam niyang stress ako sa mga magulang namin.
Thirty minutes lang ang nakalipas ng papasok na ako ng resort. Pagkatapos kong magpark. Diretso na agad ako sa tinutuluyan namin ni Daniel pag andito kami. It's a villa not far from the sea. It's my request from him na dapat yung bahay is yung malapit lang sa dagat. Nakakarelax kasing manood ng alon lalo na sa gabi.
"Magandang hapon po Ma'am Cassandra." nakangiting bati ng mga staff sa akin.
"Ate Merchelle paki[adalhan naman ako sa villa ng alak and pati na rin pagkain. Pakisabi sa chef yung fave ko. Salamat." utos ko kay ate Merchelle.
"Ma'am pang ilang tao po yung para sa pagkain?"
"Ako lang Ate Merchelle." sagot ko habang nakatayo pa din malapit sa receptionist area.
"Sige po Ma'am. Papahatid ko nalang po kay Dianne."
"Okay." sagot ko at nagsimula ng maglakad papuntang villa.
Habang naglalakad ako sa may buhanginan. Tinanggal ko yung sapatos ko at binitbit nalang ito. Mas gusto kong mag paa para madama ko ang buhangin. Oh how I love it here. Nawawala lahat ng alalahanin ko pag andito ako. Nang matanaw ko na ang villa dahan dahan akong umupo sa may buhanginan. Pinagmasdan ko ang papalubog ng araw sa langit. Mapait akong napangiti sa naisip ko.
"My life sucks. How I wish na sana mawala nalang ako sa mundo para di ko maramdaman ang pait ng buhay. How I wish to be with my real family." mapait na sabi ko sa sarili ko at dahan dahang humiga sa buhanginan.
Ang sarap sa pakiramdam yung lamig ng buhangin sa may likuran ko. Hindi ko na inalintana na nababasa na pala ako. How I love to be like this forever but it can't happen. Maraming mga bagay sa mundo ang hindi permanente. Pagod na pagod na ako sa sitwasyong kinasadlakan ko. Bakit di nalang ako namatay noon para wala na akong prinoproblema ngayon.
Bumalik sa isip ko ang sinabi ng investigator sa akin.
FLASHBACK
"Ma'am eto lang po muna ang mga nakalap kong impormasyon. Hindi kadamihan pero makakatulong sa pag uumpisa natin." sabi ng investigator sa akin habang iniaabot sa akin ang folder.
Inabot ko naman ito at dahan dahang binuksan. Nagulat ako sa mga nabasa ko at nakita ko sa picture. My so called parents are connected to a sindicate na sa hinagap ko hindi ko alam na connected pala sila doon. It's a known sindicate where a rich peoples are involve. Kaya pala ganoon nalang kadami ang mga bodyguards niya. Yun pala sa illegal niya pala kinukuha. I loathe them so much.
"Ma'am naka attach na din po jan ang mga picture ng mga taong pinapatay nila and pinakidnap for a ransom." patuloy na sabi niya
I was stunned ng makita ko ang pangalan ng mga magulang ni Dylan Fuentebella. Kaya napatingin at sa investigator.
"How come na nasa pic ang mga Fuentebella? Bakit di sila hinuhuli about this?" kunot noong tanong ko.
"That was 14 years ago ma'am ng pagtangkaan nilang kidnapin ang mag asawang Fuentebella. Pero hindi nila ito naituloy kasi nakipaggitgitan ito sa mga humahabol sa kanila. Nabalitaan nalang po ng lahat na namatay ang unica hija nila dahil doon."
Mataman lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya. I want to hear it than to read this f*****g papers na hindi ko naman maintindihan. May mga symbols na hindi mo mapapansin ang nakalagay kung hindi mo ito mapagmamasdang mabuti.
"At sa tanong niyo ma'am kung bakit di po sila hinuhuli?. Kasi po malakas po ang kapit nila sa taas. Kahit anong gusot po na pasukin nila eh nalalagpasan nila dahil sa pumoprotekta sa kanila sa taas."
"Kaya pala mga politicians at mga kilalang negosyante ang mga kakilala nila. Kasi mga kasamahan pala nila ang mga ito sa sindikato?" tanong ko
"Opo ma'am. At ang daddy niyo ay isa sa pinakamataas na ranggo sa sindikato nila. Kaya mahirap po silang kalabanin ma'am." paalala niya
"I just want to know the truth. Don't worry, you have nothing to do with this. Ang kailangan ko lang ay ang mga impormasyong makikita at mahahanap mo tungkol sa sindikatong ito."
"Yes ma'am. Pero mag ingat po kayo sa mga kilos niyo ma'am. Madami po silang mga mata sa paligid. Kung hindi tayo mag iingat baka kung saan tayo pulutin." nag aalalang sabi ng imbestigador sa akin. Alam kong mahirap din ang pinapasok naming ito. pero wala akong choice. hindi ko ito kayang mag isa.
"I have one last information that I wanted to know. This will be the last." pakiusap ko sa kanya
"Sige po ma'am basta po kakayanin ."
"I want to know what happen to the daughter of Mr. and Mrs Fuentebella. I want the whole detail kung bakit siya namatay? Yun lang ang huling misyon na ibibigay ko sayo. I want all the information you can get. Kahit maliit na butas lang yun. Kailangan mong malaman. Nagkakaintindihan po ba tayo?" tanong ko
"Opo ma'am. Gagawin ko po ang makakaya ko na makakuha ng impormasyon sa lalong madaling panahon." sabi niya
"Sige salamat." sabi ko sabay abot sa sobre na naglalaman ng bayad ko sa unang pinagawa ko sa kanya. Gusto ko malaman sa lalong madaling panahon.
Nagulat nalang ako ng pagmulat ko ng aking mga mata ay kadiliman bumungad sa akin. Hindi ko na namalayan ang oras dahil sapagbabalik tanaw ko.
I just want to know kung bakit nila ako kinupkop at pinahirapan. Kung pwedeng in an instant eh ipapatay nalang nila ako. I'm the unica hija ng matagal nilang karibal sa negosyo. Puro katanungan lang naman ang nasa isipan ko. Tumayo na ako at dumiretso na papuntang villa dahil wala namang matinong kasagutan sa mga katanungan sa isip ko.