Chester
Nagmamadali na akong nagtungo sa room. Nauna na ang mga kaibigan ko dahil nga sa may dinaanan pa ako. Pagpasok ko, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
"Is she really smiling right infront of my eyes?" hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili at kinusot-kusot pa ito para siguraduhin hindi ako namamalikmata. Nang makalapit ako sa kanya, hindi ko naiwasang titigan ito habang nakangiti. Gusto ko siyang tanungin kaya hindi na ako nagdalawang isip na kalabitin ito. Akala ko nga kukunutan niya nanaman ako ng noo pero hindi nangyari.
"What do you want this time?" she said in low tone kaya mas lalo akong napatulala sa harap niya.
"Hey, any problem with me?" Nagtatanong na sambit niya at tinanggal ang headset sa may tenga nito.
"Nothing, It's just that... naninibago lang ako. I never see you smile not until now. Then you didn't get angry when I poke you." Naupo ako sa tabi niya nang nakaharap.
"So, you want to be angry with you?" Tinaasan niya ako ng kilay habang sinasabi niya yun kaya agad akong napailing.
"No! I didn't mean like that, you just look more beautiful when you smile, Cass." Nginitian ko siya ng sobrang tamis at nangalumbaba sa upuan ko.
"Staring is rude, you knew that. Umayos ka na dahil andiyan na yung teacher natin." sambit nito na agad ko namang sinunod. Tahimik na kaming nakikinig sa teacher namin hanggang matapos ang klase.
Agad ko siyang niyayang magmerienda.
"Sabay na tayong magmerienda." aya ko.
"Sige, tayo lang ba or kasama natin pati sila?" tanong niya sa akin sabay tingin sa likod namin
"Sabay na tayong magmerienda Cass." Aya ko sa kanya. Tumingin naman siya at nagsalita.
"Okay, ikaw lang ba kasama ko o pati sila?" Tanong niya sabay tingin niya sa likod ko.
"Of course pati kami, Cassandra." Masiglang sabi ni Dylan at nakangising tinignan niya ako.
"Let's go?" Niyaya niya ako at nagpatiuna nang maglakad sa akin. Pagtalikod nito agad kong tinignan ng masama yung tatlo na ikinatawa lamang nila. Agad ko siyang hinabol malapit sa pintuan at sabay na kaming naglakad papuntang cafeteria.
Nang makarating na kami, agad ko siyang pinaupo at tinanong kung anong gusto niya.
"What do you prefer to eat?"
"Anything, you decide. It's okay with me kung anong binili mo." sabi niya at ngumiti sa akin. Agad akong umalis para bumili, pagkaalis ko siya naman ang pag upo ng mga kasama namin.
"Hope that it will be the start of our friendship." Nakangiti kong bulong at tuluyan ng pumunta sa may mga pagkain.
Cassandra
When he ask me to go with him for a merienda. Hindi na ako nagdalawang isip na pumayag. Maybe, it's not a bad idea to accept them as my friends. Sa kanila ko unang gagawin ang pagbabagong gusto kong makamtam.
I smile when my phone beeps. Alam kong si Daniel ang nagtext kaya nilabas ko agad ito at binasa.
Daniel
"Hindi ako makakasabay sa'yo ng meryenda, Ate. Madami akong tinatapos dito sa room and I can't just stop this. Don't let yourself starve."
Agad ko siyang nireplayan.
Me
"Okay, Baby. I'll just go there and give you something to eat."
Agad kong itinago ang phone ko ng maisend ko ang reply ko. Sakto namang kadarating lang ni Chester at umupo sa tabi ko.
"AC," tawag ko sa kanya na ikinakunot niya ng noo at napasimangot sa akin kaya hindi ko napigilang hindi tumawa.
"Seriously, Cass? I thought okay na tayo?" Nakatulalang sambit niya sa akin.
"Wait, what's with that face? Anything wrong?" Napakunot noo tuloy ako dahil sa pagkatulala niya sa harap ko. Pagtingin ko sa mga kasama ko, ganoon din ang mga mukha nila kaya mas lalong kumunot ang noo ko.
"Nothing, Cass. We just can't believe na tumatawa ka na sa harap namin." Hindi makapaniwalang komento ni Marc sa akin na sinang-ayunan nilang lahat.
"You're laughing..." Nakatulala siya sa akin at hindi gumagalaw.
"Is it bad when I laugh?" Agad kong tanong sa kanilana ikinailing agad nila.
"No, it suits you very well. Sana nga ganyan ka nalang lagi." Sa wakas kumurap na si Chester sa pagkakatitig sa akin.
"Dapat na ba akong kiligin sa sinabi mo AC?" Nakataas kilay kong sabi na nagpipigil ng tawa.
"Naks naman Chester! Nagbibinata ka na." Tukso ni Dylan sa kanya na ikinapula ng mukha niya.
"Stop it guys. Let's just eat, kawawa naman si Chester oh. Pulang-pula na yung pagmumukha niya." Pagpapatigil ko sa tawanan nila para matapos na ang panunukso ng mga kaibigan niya sa kanya.
After naming nagmeryenda, pinauna ko na sila dahil dadaan pa ako kay Daniel. Pero nagpaiwan si Chester para daw may kasama ako kaya hinayaan ko nalang siya sa gusto niya. Agad akong bumili ng spaghetti, fries, at bottled water para kay Daniel. nang mabayaran na namin, agad na kaming umalis ng cafeteria papuntang room nila Daniel.
Hindi pa kami nakakalayo ng huminto siya at hinarap ako.
"Can I ask a little favor?" Nag-aalangan tanong niya sa akin na ikinatango ko.
"Spill it,"
"Can you cut tha AC thing? It's annoying me big time." Kumakamot ng batok niyang sabi sa akin.
"Give me one valid reason not to call you that?" Nangingiti kong sabi sa kanya.
"I have my name at ang cool ng name ko tapos... you'll just call me that. It really annoys me."
"Okay, yun lang ba? Granted. Let's go baka malate pa tayo." Aya ko sa kanya at nauna ng maglakad.
"Where are we going?"
"To my brother, I'll just give this food." Nakita kong tumango siya at hindi mapakaling sumunod sa akin. Malapit na kami kina Daniel ng marinig kong tinawag niya ako.
"Cass," I look at him with questioning look.
"Hmmm?"
"Why the sudden changes?"
"I can't give you a definite explanation why. You don't want the changes I made? Mas gusto mo ba yung dating ako?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
"Of course, I'm happy with the changes in you. Mas bagay sa 'yo ang ganyang aura." nakangiting sambit nito sa akin.
Nang maibigay na namin yung pagkain, agad na kaming bumalik ng room para hindi kami malate. Pagdating namin, agad kaming umupo. kakaupo niya palang ng marinig ko ang usapan nila ng kambal niya.
"Where did you go at bakit ngayon lang kayo?" tanong nito kay Chester.
"Kailan ka pa naging imbestigador, Chelsea?" Hindi ko man nakikita ang mukha niya. I'm sure na nakakunot noo nanaman yan.
"Ngayon lang kambal, nakakaintriga ka eh." natatawang sabi niya.
"Mind your own business, Chelsea. Ako nga hindi naiintriga sa inyo ni Marc." sambit ni Chester na agad kong ikinalingon sa kanila. Nakita ko ang pagsimangot niya kay Chester. Natahimik na silang dalawa nang dumating na ang teacher namin at nagdiscuss na sa harap.
Nang sumapit ang uwian, gusto sana akong ihatid ni Chester kaso dumating ang kapatid ko. Wala na siyang nagawa ng magpaalam na ako.
"We'll go ahead, ingat kayo sa pag-uwi. See you tomorrow." masayang paalam ko sa kanila at nagwave pa bago tumalikod at kumapit sa braso ni Daniel.
Nakangiti akong tumingin kay Daniel at napangiti din siya ng makita ang ngiti ko.
"You seem so very happy today? Ang sarap magkaroon ng maraming kaibigan na nagpapatawa sa'yo noh, Ate." Inalis niya ang kamay ko sa braso niya at inakbayan niya ako.
"This will be the start of a new me, Baby. I love you so much." sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad papuntang parking.
I didn't know na ganito pala ang pakiramdam ng may kaibigan na nakakausap at nagpapasaya sa'yo. Kung alam ko lang na ganito ang feeling, sana noon pa hinayaan ko na ang sarili kong makisalamuha sa ibang mga tao.
"This will be the very start." nakangiting bulong ko sa sarili ko at nakangiting sumakay ng sasakyan.