Cassandra
I woke up in the middle of the night. Napabalikwas ako ng bangon habang hinahabol ko yung hininga ko. Pinunasan ko gamit ang kamay ko. Ang mga namuong butil butil na pawis sa aking noo. Para akong tumakbo ng milya milya sa pawis ko.
It was always the dream i've been dreaming for almost a year now. Para siyang totoo na hindi ko maipaliwanag. Isang imahe ng bata na umiiyak at duguan. She is screaming for help. Why do I always dream of this. Parte ba ng nakaraan ko o sadyang panaginip nga lang.
Bumangon ako sa kama at pumunta ng kusina para uminom ng tubig. Di mawala wala sa isip ko yung bata sa panaginip ko. Uminom na ako ng tubig at bumalik na ng kuwarto para matulog ulit. Matagal muna akong nagmuni muni bago ako ulit nakatulog.
Paggising ko kinabukasan. Iniisip ko pa rin yung panaginip ko. Tulala lang ako na nakupo sa kama ko. Pagkalipas ng dalawampung minuto. Naisipan ko na ring kumilos para makapasok.
As usual sinundo nanaman ako ni Daniel sa condo ko. Sabay daw kami araw araw na papasok. Siyempre payag ako kasi wala na akong car. Binalik ko na sa mga magulang kong mapagmahal (insert na sarcastic here). Habang nasa biyahe kami nagsalita si Daniel.
"Ate mom and dad told me to say this to you." alanganing sabi niya. Kaya napatingin ako sa kanya ng nakataas ang kilay. At ano naman kaya ang pinapasabi nila.
"I'm not interested to know that baby."
"But ate. You have no choice but to hear it out.."
I heaved a deep sighed before answering.
"Okay baby. Tell ate what is that.." Kahit ayokong marinig umoo parin ako. Ayoko kasing nakikita siya na parang naiipit sa sitwasyon.
"You know that daddy will be celebrating his birthday tomorrow right?" sabi niya habang nagmamaneho pa din siya.
"Yeah, Daddy's birthda., So what's the connection?" naiirita ko ng sabi. Kahit may nabubuo ng hinala sa utak ko. Kailangan ko ding siguraduhin baka assumera lang ang peg ko pag hindi yun.
"Daddy wants you there."
Napataas yung isang kilay ko sa sinabi niya. I dont think I can handle more kung magkikita nanaman kami. Yan ang bagay na iniiwasan ko sa ngayon ang maglandas yung mga daan namin ng mga magulang ko.
"Ate, I know its hard for you. But daddy is consistent on you coming to his party. Please ate." pakiusap niya sa akin. Sumakit tuloy ang ulo ko sa sinabi niya. Kasi pag sinabi ni daddy na kailangang andoon ako. Dapat andoon talaga ako. Kung hindi baka pagsisihan ko yung magagawa niya.
Naalala ko pa yung isang party niya na dapat andoon ako . I dont care that time. Ang importante sa akin noon is to get rid of them. But my choice not to show up is a big big mistake. Why? because once the party was over he went to my room and hit me hard. Yeah, binugbog niya ako that time. I can't even barely move when he left me bleeding. And what's worst is mommy just stared at me with a smile in her face. Are they happy seeing me hurt? Since then, pinipilit kong pumunta kahit outcast ako. And this time parang ayokong pumunta. I can sense something bad will come. Napabalik ako sa huwisyo ko ng magsalita si Daniel.
"Ate, ayaw mo naman siguro umalis dito sa condong to diba?" tanong niya sa akin ng nakayuko ang ulo. Andito na pala kami ng school ng di ko namamalayan. At bakit niya nasabi yun.
"At bakit Daniel?'' Naguguluhang tanong ko
"Daddy will force you to leave that condo if you dont come." sabi niya na mas lalong nagpasakit ng ulo ko.
"Do I have a freaking choice Daniel?" nakita ko siyang umiling kaya napabuntong hininga nalang ako. Ayoko sa lahat yung pati si Daniel nahihirapan sa sitwasyon ko. I hate it. I loathed them so much. Kung pwede lang pumili ng mga magulang. I will definitely not to choose them.
"Okay baby. I'll go but promise me you'll not gonna leave my side.!" sinabi ko nalang na kinangiti niya ng malapad.
"Of course ate. I'm not gonna leave you. I promise you that." nakangiting sabi niya
"So it's settled then. Can we go now baby. Baka malate na tayo eh."
Umibis naman siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.
"Thank you baby."
"Your welcome ate. Let's go, hatid ko muna yung maganda kong ate." sabi niya sa akin dahilan ng pagtawa ko . Paano ba naman nakanguso pa ang loko.
"You know now how to make me laugh baby." Natatawa ko pa ding sabi. Hindi naman sa sinabi niya ako natawa eh. It is his first time na bolahin ako tapos nakanguso pa hahaha. It suits him so much. Very very cute. Hindi ko tuloy napigilang pisilin yung pisngi niya.
"Ate! stop it! It hurts like hell ate. Pleasssseee.." sabi niya kaya binitawan ko na habang napapangiti pa din.
"Your blushing baby, hahaha." natatawa ko pa ding sabi
"Siyempre ate. Ikaw ba naman pisilin ng matagal ang pisngi mo pupula talaga." nakasimangot niya ng sabi.
"Sorry na baby Daniel. Ate will not do it again. Promise!" sabi ko pa habang nakataas yung dalawa kong kamay na parang sumusuko. Nakita ko namang ngumiti na siya.
"Ate whatever happen tomorrow night. I will always there by yourside. I will not let anyone hurt you ate. I promise you that."
Natouched naman ako sa sinabi niya. I love him so much. Siya lang ang nagpapadama sa akin ng tunay na pagmamahal. I will not let anyone hurt him. Hinatid niya na ako sa classroom namin. Hinalikan niya muna ako sa noo bago siya nagpaalam at umalis. Pagkapasok ko ng room nakatingin silang lahat sa akin. At ano naman ang tinitingin nila sa akin.
"Why are you all staring at me? Is there any problem!?" nakataas kilay kong sabi habang tinitignan ko sila. Yumuko naman sila nung sinabi ko yun. Tsk. kainis naman eh. Sabi ng magbabago ako. Parang natural na ang pagkasuplada ko. Bumuntong hininga nalang ako bago dumiretso sa upuan ko.
"Ang init naman ng ulo mo Cass?" salubong na tanong ni Chester sa akin.
"Sorry for that. Ewan ko ba natural na ata ang pagsusuplda ko eh. Di ko nacontrol."
"Hahaha akala ko naman bumalik ka nanaman sa dati. Nagulat kaya ako doon." sabi niya
"At bakit naman?" tanong ko tapos tinignan ko siya. He was smiling again. Ang gwapo niya pala. Ngayon ko lang kasi siya natitigan ng malapitan. He has this perfect face and a tempting lips. What?? s**t!! erase erase erase. My God what am I saying. Why of all sudden ganyan yung pumapasok sa isip ko. No No No No!! Umiiling pa ako habang sinasabi yan ng utak ko.
"Oh anong iniiling iling mo jan?" nagulat ako sa tanong niya
"Ha?? ah eh wala. May naisip lang ako kaya napailing ako." palusot ko nalang
"Ah ganoon ba? You want me to help you para mabawasan yang pagkasuplada mo.?" tanong niya na nakapagpataas ng kilay ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya kasi hinawakan niya yung kilay ko at ibinaba ito.
"What was that for?" iritang tanong ko.
"Bawas bawasan mo ang pagtaas taas ng kilay mo okay! Kaya ang suplada ng tingin sayo kasi laging nakataasa yan. dapat cool ka lang lagi ha."
Tumango nalang ako sa kanya kasi nakita ko nang pumasok yung teacher namin sa loob ng classroom. Siguro di naman masamang sundin ko yung sinabi niya sa akin. Kanina nung hinawakan niya yung bandang kilay ko. Ewan ko ba bat nagulat yung pakiramdam ko sa dampi ng kamay niya sa balat ko. I felt weird. Siguro guni guni ko lang yun. Nakinig nalang ako sa teacher kaysa mag isip ng kung ano ano.