Nagsimula na akong mag-ayos para makapasok sa kumpanya. Noong una nga ay hindi ako pinayagan ni Tita dahil kailangan ko pa raw ng pahinga pero sabi ko sa kaniya na sapat na ang limang araw na nakahiga ako sa hospital bed para maging pahinga.
"Uno, papasok na ako. Huwag ka lalabas, ha?" saad ko sa kaniya.
Tumingin naman siya sa akin ng nag-aalala, "Sigurado ka ba? Ayos na ba talaga ang pakiramdam?" tanong nito.
I chuckled, "Ilang beses mo na 'yan tinanong, ah? Oo nga, ayos na ako kaya huwag ka na mag-aalala."
Niyakap niya ako at pagkatapos may binigay sa akin.
"Ano 'to?" tanong ko.
"Pagkain mo para hindi ka na bibili pa sa canteen niyo," aniya.
"Sala—"
Bigla niya akong ni-kiss sa noo na nagpagulat sa akin.
He smirked, "You're blushing!" sigaw niya.
Kaya agad akong tumalikod at nagsimula na lumabas sa bahay ngunit bago pa ako mawala sa paningin niya ay sumigaw rin ako.
"Salamat!"
Hindi naman ganoon katagal ay nakarating na ako sa kumpanya at sa inaasahan ay nagtitinginan sila sa akin at tinatanong kung ayos na ba raw ako.
Pagakyat ko sa office ay nagulat ako nang bigla nila ako dambahin ng yakap.
"Omg ka! Bestie!" Hagulgol na saad ni Charrie.
"Akala namin ay susunod ka na kay Zain," patuloy nito kaya nabatukan ko naman siya.
"Aray! Seryoso ako sa sinabi ko, Amor," aniya.
"Sana multuhin ka mamaya ni Zain," saad ko rito at umupo na sa naka-assign na table sa akin.
"Huwag ka namang ganiyan!" saad sa akin nito.
"Kumusta ka naman?" tanong sa akin ni Ms. Del Valgon.
"Ayos na po," sabi ko rito.
"Dapat nagpahinga ka muna. Baka mamaya ay mag-pass out ka kasi pinipilit mo 'yang sarili mo," saad ni Elira sa akin.
Ngumiti ako sa kanilang lahat, "Ayos na ako, guys. Kaya wala na kayong dapat na ipagpaalala," ani ko.
Tumango na lamang sila.
"Pinilit kong pumasok dahil alam ko na may bagong proposal ang kumpanya natin, 'di ba?" tanong ko sa kanila.
"Oo, be! Halos hirap na hirap na kami dahil minamadali ng ibang kumpanya ang tungkol dito kaya tayo naman ang dehado," ani Charrie.
Napatigil ako sa pag-type sa computer nang maramdaman na may kulang.
Tinignan ko ang upuan ni Zain at ganoon na lang ang lungkot nang makitang wala siya roon. Sanay kasi ako na tuwing pumapasok ako ay siya ang una kong nakikita.
Ni-check ko rin ang upuan ni Bessy dahil tila tahimik siya ngunit nagulat ako dahil walang kagamit-gamit ang lamesa niya tulad nang kay Zain.
"Bakit wala ng gamit sa lamesa ni Bessy?" tanong ko sa kanila pero nagtinginan lang sila.
"Bakit?" tanong ko ulit sa kanila na nakakunot ang noo.
"Umalis na si Bessy. Noong nakaraang sabado ay nag-resign na siya at hindi sinabi kung saan pupunta," paliwanag sa akin ni Ms. Del Valgon.
"Saan kaya siya pupunta?" tanong ko.
"Hindi rin namin alam ngunit pinapasabi niya sayo na huwag ka raw mag-alala at alagaan mo ang sarili mo. Stay pretty din daw," sabi sa akin ni Elira.
"Salamat sa inyo," saad ko at nagpatuloy na sa pagtrabaho.
Hindi maiwasan na mapatingin ako sa upuan nila sa tuwing mapapatigil ako sa pag-type dahil naninibago ako.
Naninibago ako na tahimik ang office. Sila lang kasi ang nagiingay rito. Naninibago rin ako dahil nasa gitna ng upuan nila ang inuupuan ko.
Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy ulit sa pag-type. Mamaya ko na lang isipin ang personal na problema. Sa ngayon ay kailangan ko na magtrabaho nang magtrabaho.
Tama nga sila. Sobrang dami ng proposal ng iba't ibang kumpanya na ni-send sa amin. Hindi rin naman nila agad ito natapos dahil sunod-sunod kaming nawala nitong nagdaang araw.
Kahit na si Ms. Del Valgon ay tumulong na rin upang matapos namin ito nang maaga.
Ako ang dehado dahil nawala si Bessy at Zain kaya ginagawa ko rin ang finance at ibang reports. Si Bessy kasi ang naga-assist sa finance habang si Zain ay sa all reports.
"Inom ka muna," saad ni Ms. Del Valgon at may binigay na Starbucks coffee.
Hindi ko namalayan na lumabas pala sila dahil sa sobrang tutok ko rito sa computer.
Tumunog na ang bell at lahat bumaba para bumili ng pagkain. Ako na lang ang mag-isa rito. Kumakain at nagaasikaso ng sabay.
Ramdam ko na may nakatingin sa akin mula sa malayo kaya tinakpan ko ang pagkain at tumayo. Tinignan ko ang katapat na building ng office namin ngunit nabigo ako na makita kung sino dahil hindi transparent ang bintana nito pero alam kong may tao rito dahil kita ko kahit papaano ang bulto ng katawan niya.
Sinara ko ang bintana at ganoon na lang ang pagkakahawak ko sa dibdib ko ng gulatin ako ni Charrie.
"Hoy!" sigaw niya.
Napahawak ako sa dibdib dahil sa kaba at masama siyang tinignan.
"Ay! Sorry, hindi ko naman alam na magugulatin ka," saad nito.
"Tapos na kayo kumain?" tanong ko.
Umiling sila at tinaas ang lunchbox na dala-dala nila.
"Akala ko kumain na kayo," sabi ko rito.
"Mas maganda na sabay-sabay na tayo. Baka maging loner ka naman dito," saad ng isa pang head departments.
"Napasa—"
"Mamaya na natin pagusapan ang trabaho, Amor. Kumain na muna. Kailangan din magpahinga ng utak natin," ani Ms. Del Valgon.
Napabuntong hininga ako at bumalik sa lamesa ko.
"Bakit mo sinara 'yong bintana?" tanong ni Elira.
"Mainit," palusot ko.
"Nakita mo rin ba?" seryosong tanong sa akin ni Charrie.
Wala sa sariling napatango naman ako. Kahit na hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya ay may pakiramdam ako na 'yong nakita ko ang tinutukoy niya.
Habang kumakain kami ay kwento nang kwento si Charrie habang kami ay nakikinig lang.
"Alam mo ba, lagi kong nararamdaman na may nakatingin dito pero akala ko guni-guni ko lang hanggang sa makita ko rin 'yon." Tumingin siya sa akin.
"Ano 'yon?" tanong ni Ms. Del Valgon ngunit hindi siya pinansin ni Charrie.
"Simula noon ay lagi na akong nagtataka dahil lagi ko siyang nakikita tuwing umaga tapos mawawala kapag hapon na. Akala ko nga noong una ako 'yong habol, eh. Pero..."
"Ano?" atat na tanong ni Elira kaya natawa naman ako.
Sinasadya talaga ni Charrie na bitinin sila para mainis.
"Pero noong umalis ka, Amor. Nawala na rin 'yong lalaki pero noong bumalik ka . . . bumalik din siya," aniya.
Napaisip naman ako dahil doon. Hindi na ako magtataka kung si Charrie ang unang makakapansin noon dahil ang pwesto niya ay malapit sa bintana ngunit malapit din sa upuan ko.
Walang nagsalita ni isa pagkatapos magkwento ni Charrie. Ramdam ko ang takot nila.
Tumawa naman ako na pinagtaka nila.
"Ay! Prank 'to, ano?" tanong sa amin ni Elira.
Umiling ako, "Nakakatawa kasi na mas natakot kayo kaysa sa akin. Eh, mukhang ako 'yong totoong pakay dito," saad ko.
Hindi naman sa hindi ako aware roon. Ayaw ko lang na matakot sila.
"Sigurado ka ba na ikaw talaga ang pakay?" tanong nito sa akin.
Hindi naman ako nakapagsalita. Unang beses ko pa lang naman kasi maramdaman ang ganoong titig.
Hindi ko maipaliwanag ngunit nagbibigay kaba sa akin ang titig na 'yon.
"Sa tingin ko ay siya talaga ang pakay," saad ni Ms. Del Valgon kaya nalipat sa kaniya ang paningin ng lahat.
"Naalala niyo pa ba noong huling nakasama natin si Zain?" tanong niya at tumango naman kami.
"Noong pinipilit ni Zain si Amor na sumama. May napansin ako sa kaharap nating kumpanya. May nakita ako na lalaki na masamang nakatingin kay Zain. Noong una akala ko guni-guni lang..." Pinutol din niya ang kaniyang sinabi at tumingin sa amin ng nakapangloloko na animo'y nangaasar talaga.
Natawa na lang kami. Nakakapanibago dahil bago para sa akin ang ganitong akto ni Ms. Del Valgon.
Nagseryoso ulit siya, "Pero nakita ko rin siya sa restaurant ni Zain. Nasa sulok ng restaurant at nakatingin lang kay Amor," pagpapatuloy niya.
"Nakita mo ba 'yong mukha?" tanong ko.
Umiling naman siya, "Nakasalamin siya tapos naka-fedora hat din pero alam kong sa'yo siya nakatingin dahil sa'yo lang nakatutok ang paningin niya," saad nito.
"Ano muna 'yong fedora hat?" tanong ni Charrie na nag-lighg up ng mood.
"I-google mo na lang daw!" Natatawang biro ni Elira.
Napabuntong hininga ako. Hindi ko naman napapansin ang ganoong wirdong tingin pero kanina noong mag-isa lang ako ay ramdam ko talaga na may nakatingin sa akin...
Tumunog na ulit ang bell kaya niligpit na namin ang kalat at nagsimula na ulit.
Buong hapon ay nakatutok ako sa computer ngunit iba ang laman ng isip ko.
Kung ganoon ang titig niya kay Zain noong huli naming kita . . . may posibilidad kaya na siya ang dahilan ng pagkamatay nito?
Umiling ako.
Ngunit posible rin siya ang lalaking nagkasalubong ko sa elevator. Mukha naman siyang may masamang balak sa akin, eh . . . ngunit hindi dapat ako agad-agad humusga.
Umiling muli ako.
"Amor, mali 'yong size na na-print mo. Kailangan A4!" sigaw sa akin ni Ms. Del Valgon na nagpagising sa akin.
"Kanina ka pa pailing-iling diyan, manager," saad naman sa akin ni Elira.
"Pasensya na. Uulitin ko na lang ulit," sabi ko.
Kukuha sana ako ng A4 bond papers ngunit wala akong nakuha.
"Oo nga pala. Kakaubos lang ng A4 type bond paper. Kuha ka na lang doon sa storage room," saad sa akin ni Ms. Del Valgon.
Tumango na lang ako at ni-save muna ang file sa usb para hindi mawala.
Patakbo kong tinungo ang elevator. Nasa ground floor kasi ang storage room. Nang makababa ako ay gaya ng inaasahan ko ay walang mga workers na pakalat-kalat bukod sa guwardiya dahil job time ngayon.
"Saan po kayo pupunta?" tanong sa akin ni manong guard.
"Ah, sa storage room lang po. Kukuha ng bond paper," paliwanag ko.
"Samahan ko na po ba kayo, ma'am?" tanong nito.
Umiling ako, "Dito ka na lang muna. Bantayan mo na lang 'tong front door," saad ko.
Lumabas ako ng building at nagtungo sa isa pang building.
Hindi naman ito kalayuan ngunit kailangan talagang lumabas ng building. Nakalimutan siguro i-check noong stock person ang opisina namin.
Kinuha ko ang susi sa bulsa ko at agad na binuksan iyon. Sinara ko ang pinto at agad na binuksan ang pinto. Noong una ay pahirapan pa dahil nasa dulo ang switch kaya kailangan ko mangapa sa gilid.
Nang mabuksan ko na ay ni-check ko pa ang types ng bond paper at nang mahanap ang A4 ay bubuhatin na sana ito nang may kumalabog kaya muntik ko na itong mabitawan.
Dahan-dahan ko itong tinignan at napangiti ako nang makita na isa itong kuting.
Ang cute.
Binuhat ko ang paper at saka nilagay sa ulo ang kuting. Hindi naman ito malikot dahil natulog agad ito paglagay sa buhok ko.
Sinara ko ng mabuti ang storage room at lumabas na ng building. Pag labas ko ay bigla tumakbo ang guwardiya papunta sa akin para tulungan ako.
"Ma'am, ang kyut ng kuting niyo," saad niya.
"Ay! Hindi po sa akin 'to. Nakita ko lang sa storage room," sabi ko rito.
Nauna siyang umakyat sa building habang ako ay dahan-dahan na inalis siya sa ulo ko.
Palinga-linga ako at tumitingin kung saan pwede iwan itong kuting. Hindi kasi pwede na dalhin siya sa taas gawa ng maaari niyang magulo ang ginagawa namin.
Napangiti ako nang makitang may maaaring mag-alaga nito.
Sa kabilang kalsada, sa tapat ng building kung saan ko nakita ang bulto ng lalaki ay nakita ko ang isang matandang babae at batang babae na gustong kunin ang pusa sa kalsada ngunit agad itong tumatakbo.
Nakita ko naman na malapit na umiyak ang batang babae kaya agad akong tumawid papunta sa kanila.
"Ate?" tawag sa akin nito.
"Ito, oh. Ibibigay ko na lang siya sa'yo. Alagaan mo ng maayos, ha?" ngiting saad ko rito.
Niyakap naman niya ako.
"Salamat, Ate."
Nagpasalamat din ang Lola niya. Agad akong nag-90° bow sa kanila bilang respeto nang aalis na sila. Nakasanayan ko kasi itong gawin simula bata pa lang ako.
Nagulat ako nang may batang lalaki na tumawid sa kalsada kahit na green light pa ito. Nanlaki ang mata ko ganoon na rin ang ibang kasabayan ko na tumawid. Walang sumusubok na lapitan ang bata.
Nanlaki lalo ang paningin ko nang may makitang mabilis na truck ang parating.
Pumikit ako at bumuntong hininga.
Agad kumilos ang paa ko patakbo sa batang iyon.
"Ay, hala!"
"Nako!"
"Bakit siya tumawid doon?!"
"Iyong bata!"
Huling dinig ko bago ko maramdaman na umuntog ulit ang ulo ko sa kung anong bagay.
Unti-unti kong minulat ang mata ko at dinig ko ang iyak ng batang lalaki habang nakahawak sa aking kamay.
Dahan-dahan ko inangat ang aking kamay at nilagay ito sa kaniyang pisngi. Kahit na nahihirapan ay pinilit kong ngumiti at magsalita.
"Ayos lang a-ako," I murmured.
"A-ate!" Humihikbing tawag niya sa akin.
Rinig ko na rin ang bulungan ng tao sa paligid ko at ramdam kong nakapalibot sila sa akin.
"Tumawag kayo ng ambulansya, bilis!"
"Tulungan niyo 'yong babae!"
"Amor!" Rinig kong pamilyar na sigaw . . . si Ms. Del Valgon.
Humarap ako sa gawi nila at pinilit na ngumiti.
Pipikit na sana ang aking mata nang maramdaman na umangat ako sa ere. Kahit na inaantok ako at gusto na pumikit ng mga mata ko ay nasilayan ko pa rin ang mukha ng nagbuhat sa akin.
Isang lalaki na napakaamo ng mukha. Inangat ko ang aking kaliwang kamay at nilagay ko sa kaniyang pisngi. Dahil doon ay tumingin siya sa akin.
Sa wakas, nakita ko na rin ang kaniyang mukha...
Ngumiti ako rito.
Ang huli ko nang naramdaman ay ang paghalik niya sa noo ko bago ang paglabo ng aking paningin.