Chapter 18

2055 Words
Pauwi na kami galing sa hospital at maayos-ayos na rin naman ang aking pakiramdam. Ang driver ni Tita ang naghatid sa akin dahil utos niya raw iyon. Ngunit hindi namin kasama ngayon si Tita dahil aasikasuhin na niya ang arrange marriage ng anak niya. Nakatingin lang ako sa bintana buong byahe at inaalala ang nangyari sa hospital... "Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko sa kaniya. "Nothing. I just want to ask you something," he said. "Go on," saad ko. "When will you be with u—" "I don't know . . . yet," saad ko. "Kumusta? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nito. "Tsk. Huwag kang mag-alala. Hindi basta-basta namamatay ang masamang damo," pabirong saad ko rito. Natawa naman siya. Ngayon ko na lang ulit nakita ang ganoong ngiti niya... "Alright, then I'll leave now. And will come back anytime," aniya. "Kahit huwag ka na bumalik." Sinipa ko siya sa tuhod ngunit naiwasan niya iyon kaya tumakbo na siya pababa ng rooftop. "Nandito na tayo." Nagulat ako sa biglaan pagsasalita ni Manong. "Ah, ano po pala ang ngalan niyo?" tanong ko rito. "Tawagin mo na lang akong Mang Berto, Iha," sabi niya. "Salamat po ulit, Mang Berto!" pagpapaalam ko rito. Pagpasok namin ay malinis na ang bahay. 'Di tulad noong una ko itong nadatnan. "Sino naglinis ng bahay?" tanong ko kay Uno. "Hindi ko rin alam. Basta no'ng nakita kita na nakahandusay ay tumawag agad ako sa kapitbahay at dinala ka sa hospital," aniya. Nataas naman ang noo ko nang may naisip. Posible kaya na pinalinis ni Tita Thina ang bahay dahil nakita niya ito na marumi...? Agad akong nagtungo sa kwarto habang hawak-hawak ako ni Uno. "Kahit hindi mo na ako alalayan ay ayos lang naman ako," saad ko rito. "But I need to make sure that you'll be safe in every step that you'd made," he said. Butterflies keep flying on my stomach . . . again. Iniwas ko na lang ang paningin dito upang maiwasan ang pamumula. "Saan ka pupunta?" tanong sa akin nito. Tumayo kasi ako kaya agad naman siyang umalalay sa akin kahit na sinabi kong ayos lang ako. "May kukunin lang," saad ko. Nagtungo kami sa cabinet at may kinuha. Nang paghila ko ng aking wala ay ganoon na lang ang gulat ko ng mahawakan ito ng magaan. Inalog-alog ko pa ito ng paulit-ulit at nang buksan ay wala itong laman kahit isa. Inalis ko rin ang lahat ng damit at ganoon na lang ang panlulumo ko ng walang makitang kahit na ano. Ang pinagipunan ko ng pitong buwan ay na balewala lang lahat... Mangiyak-ngiyak akong napaluhod. "Anong nangyari?! May problema ba?" tanong niya at agad akong itinayo. Kahit nanlalabo ang paningin ay kita ko pa rin sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Hindi tulad noong nakaraan na tila masaya pa itong makitang umiiyak ako. Sinandal ko ang ulo ko sa kaniyang dibdib at hinayaan siya na yakapin ako. Dugo't pawis ang inilaan ko para maipon iyon. Maaari na akong makapagsimula ng negosyo o makabuo ng bahay sa halagang iyon ngunit sa isang bula ay nawala lang. "Sabihin mo sa akin kung ano ang problema, Heina..." "Lahat ng pinagipunan ko ay napunta lang sa wala," saad ko. "Magkano ba lahat iyon?" tanong nito. "Mahigit isang daang libo na iyon nang huli kong bilangin." Humihikbing saad ko rito. "P-paano iyon nawala?" tanong din nito at nanlumo. Sino nga bang hindi manlulumo sa ganoong kalaking halaga? Nasa kamay mo na pero nawala pa. "Hindi ko rin alam..." saad ko sa kaniya. Tumingin ako rito at animo'y nagiisip siya ng malalim. Hindi naman sa pinagbibintangan ko na siya ang may gawa ngunit may hinala rin ako na siya nga iyon dahil noong huling kita ko sa kaniya bago ako mawalan ng malay ay andaming alahas na nakakabit sa katawan nito. Ngunit may posibilidad din na may pumasok na magnanakaw sa bahay dahil kalat-kalat ang mga gamit noong pagdating ko. Darating din ang panahon na kakarmahin ang nagnakaw ng pera ko... "Magsasampa ba tayo ng kaso?" tanong nito. Sunod-sunod akong umiling, "Hindi na. Gagastos lang ulit tayo ng pera para roon. Ipanalangin na lang natin na sana hindi patulugin ng konsensiya kung sino man ang nagnakaw ng pera ko," saad ko. Pinainom naman niya ako ng tubig at hinagod ang likod ko. Nahiga na lang ako sa kama habang siya ay lumabas. Magluluto raw siya ng makakain. Sa aking pagmumuni-muni ay napaisip ako... Nitong mga nakaraang araw ay hindi na masyadong umaakto si Uno na parang bata. Hindi niya na rin dinadala ang usapin tungkol sa memorya niya. May posibilidad kaya na unti-unti na niyang naaalala ang buhay niya noon...? Napabuntong hininga na lang ako. "Mukhang malalim 'yan, ah?" tanong nito. "Wala lang 'to," sabi ko. "Tapos na ako magluto. Kain na tayo bago pa lumamig ang pagkain." Nauna siyang lumabas kaya sumunod na rin ako. Nag-improve na siya sa pagluluto ng pagkain. Hindi na ito sunog at hindi na rin maalat. Sakto lang ang lasa at pagkakaluto. Masaya ako dahil kahit papaano ay naturuan kita kung paano magluto na maaari mong gawin kapag bumalik na ang iyong alaala kahit na may posibilidad na hindi mo na ako maalala... "Ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong nito. "Hindi. Wala lang 'to," saad ko ulit dito. Natahimik naman na siya at nagpatuloy sa pagkain. Tumingin ako sala at nakita na nandoon si Heino. Tumingin naman ako kay Uno na tahimik na nakain. Hindi na niya laging kasa-kasama si Heino. Hindi tulad noon na halos kapit tuko rito. Nang matapos kumain ay siya rin ang naghugas ng pinggan. Binuksan ko naman ang cellphone ko at nakitang maraming messages. Ngunit may pumukaw sa aking pansin . . . isang unknown number. Tinignan ko ito na sana hindi ko na lang ginawa... "Malapit ka na mamatay, Heina Amor Curtis. Huwag kang mag-alala. Nakahanda na ang hukay mo." 'Yan ang ni-send sa akin ng kung sino. Agad naman akong kinilabutan dahil alam niya ang buong pangalan ko. Pangalawang beses na akong nakakatanggap ng death treats kaya agad kong ni-block ang number na ito dahil sa pagkakataranta. Napansin ko lang na simula nang ipakulong ko si Bea ay sunod-sunod na ang death treats na natatanggap ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko 'yong unang beses ko na makatanggap nito... Matapos makalanghap ng malamig na hangin ay nagpasiya na akong bumaba dahil baka magising si Uno at mag-alala. Nang pumasok ako sa elevator ay walang katao-tao ngunit huminto ito sa 9th floor at may pumasok. Balot na balot ang kaniyang katawan ng itim na kasuotan. Hindi ko rin kita ang mukha nito dahil sa mask at sumbrero na suot-suot nito ngunit alam kong lalaki ito dahil sa laki nang katawan niya. Umusog ako sa may dulo at siya naman ay sa kabilang dulo. Ramdam ko ang titig nito kaya hindi ko na naiwasan na magtanong. "May problema po ba?" tanong ko rito. Kahit na naka-mask ito ay ramdam ko itong ngumisi, "Miss, mag-ingat ka. Baka paggising mo ay wala na 'yang ulo mo." Tinutok ang niya kaniyang kamay sa kaniyang sintido at umakto na parang binaril. Agad naman akong nanginig dahil doon. Magsasalita pa sana ako ngunit agad bumukas ang elevator at saka lumabas siya. Nakita rin ako ng nurse na nanginginig kaya agad naman niya ako inalalayan papuntang kwarto. "Ayos lang po ba kayo?" tanong nito. "Iyong l-lalaki." Nanginginig kong saad. "Iyong nakasabayan mo ba? May binisita yata siya sa 9th floor," sabi nito. Hindi ako nakatulog ng maayos at agad ni-report ang nangyari kinaumagahan. Ngunit walang naniwala sa akin pati si Uno at Tita dahil walang nakitang may kasama ako sa elevator nang i-check ang cctv doon. Ni-check rin ang ibang cctv footage ngunit walang kahina-hinala ang nakitang pumasok sa hospital nang mga oras na 'yon. Iyong nurse na tumulong din sa akin kagabi ay na aksidente rin at nasa malalang sitwasyon kaya hindi ko maaaring tanungin ito. "Baka nasa state of shock o trauma ka pa rin kaya ganiyan ang inaakto mo," saad sa akin ni Tita. Pilit akong ngumiti sa kaniya at saka tumango-tango. Napabuntong hininga naman ulit ako. "Inaalala mo ba 'yong nangyari sa hospital?" tanong sa akin ni Uno. Tumango ako. "Huwag mo na alalahanin pa 'yon at baka'y makasama sa kalusugan mo. Magpahinga ka na lang muna," saad nito. "Hindi ka ba talaga naniniwala sa akin Uno?" tanong ko ulit rito. Bumuntong hininga muna siya bago sumagot, "Hindi ka pa masyadong magaling kaya siguro kung anu-ano ang nai-imagine mo," aniya. Nanlulumo naman akong naglakad papuntang kwarto at sinara ang pinto. Walang naniniwala sa akin kahit isa... Gusto ko man sabihin kay Lance ngunit hindi ko alam kung paano siya kokontakin. Siya na kasi ang kusang lumalapit sa akin at bigla-bigla na lang susulpot mula sa kung saan. Pinatay ko rin ang aking cellphone upang hindi na makabasa ng kahit ano pang death treats na maaaring makasama sa aking kalusugan. Dahil sa aking pagiisip-isip ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. "Wah! Ang sakit!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ko. Bumili si yani ng ice cream kaya tumakbo sana ako para magtago ngunit nadapa naman ako. May lumapit sa aking lalaki at ginamit niya ang panyo niya para takpan ang sugat ko. "Hala! Baka madumihan 'yang panyo mo!" saad ko rito. "Ayos lang 'yan," aniya at tinulungan akong tumayo. Nang hindi niya binitawan ang kamay ko ay kusa ko na itong hinila sa kaniya. Napa-rolled eyes ako, "May gusto ka sa akin, 'no?!" sabat ko rito. Napanganga naman siya sa akin sinabi, "Hoy! Excuse me? Kahit kailan ay hindi ako magkakagusto sa iyakin na tulad mo!" sigaw sa akin nito. Nataas ang aking kilay, "Wow! At akala mo ay magkakagusto ako sa'yo? Ang baho-baho nga ng panyo mo!" sigaw ko rin sa kaniya. Dahil doon ay nangunot ang noo niya, "Pasalamat ka nga at tinulungan pa kita. Akin na nga 'yan!" Sinubukan niya kunin ang panyo na nasa tuhod ko ngunit agad akong tumakbo kaya hinabol niya ako. "Ay, jusko po! Heina, baka pagpawisan ka!" sigaw sa akin ni yani dahilan para mahinto ako sa pagtakbo. Ngunit agad kong naramdaman na may dumanggi sa likod ko na naging dahilan kaya nasubsob ang aking mukha sa damuhan. Halos maiyak-iyak akong tumingin kay yani at humarap sa lalaking dumanggi sa likod ko. Nakita ko ang awa sa kaniyang mga mata ngunit agad iyon nawala ng makita niyang nakatingin ako ng masama sa kaniya. Ngumisi siya, "Napakalampa mo talaga!" Natatawang saad niya. Ako naman ay nagsimula ng humagulgol dahilan para mapatingin sa amin ang tao. "Hey! Shut up! Lower your voice," sabi nito ngunit mas lalo ko lang nilakasan ang paghagulgol. Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap na nagpatigil sa akin sa pag-iyak. "Sorr—" Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay malakas ko siyang binatukan sa ulo bilang ganti. Akala niya yata ay makakalimutan ko ang ginawa niya. Agad akong tumakbo papunta sa likod ni yani at sumilip sa lalaki ngunit ganoon na lang ang lungkot ko nang makitang wala na siya sa pwesto niya kanina. "Ayos ka lang ba, Heina?" Habol hininga akong napabangon sa higaan. That dream is still hunting me. It's not a nightmare but if it still continues, I think it'll be switched by that... It is my biggest dream that I can't forget about. I can still remember his face but . . . one thing I'm sure. I didn't know his name and won't get a chance to meet him again... I kept his handkerchief. It actually smells luxurious like him. I smelled him when he hugged me. Napabuntong hininga ako at humarap sa salamin. Tinali ko ang buhok ko ng pa-messy bun. Nahinto ako sa pagtali nito nang may nakita. Ang maliit na peklat na nakuha ko sa pagdanggi niya sa akin. Alam kong hindi naman niya iyon sinasadya pero nagiwan iyon ng alaala. May peklat ako sa may kilay ko na sa unang beses ay hindi mo mapapansin ngunit kapag tinitigan mo ay makikita mo ito ng maayos. Natawa na lang ako sa sarili nang maalala na halos magwala si Daddy nang may nakitang sugat ako. Muntik na nga rin mapalayas si yani kung hindi lang pinigilan ni Mommy. I had a great memory with them . . . but why do they leave me so early? I'm still wondering why...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD