Chapter 17

2237 Words
Natapos ang dalawang araw at tatlong gabing kasama ko si Tita Thina. Ang hirap paniwalaan na totoo itong nangyari at hindi isang panaginip. Sa sobrang bilis ng oras ay mas gugustuhin ko na lang na bumalik sa nakaraan kaysa magpatuloy sa hinaharap. Ngunit may mga taong umaasa sa akin at kailangan ko silang gabayan patungo sa kanilang tatahaking daan... "Did you feel fine?" ani Tita. I smiled, "Ah, yes. No need to worry," I said. "You can take a nap," aniya. Tumango na lamang ako. Ayaw ko matulog dahil gusto ko kunan ng mga litrato ang magagandang tanawin na aming madaraan upang may remembrance ako. Gaya lang ng pagpunta namin dito ay may apat na bodyguards ang nasa likod namin at ang nasa harap namin ay si Manong driver. "Ma'am, bakit hindi po kayo matulog?" tanong sa akin nito. "Hindi na po. Gusto ko kasi kunan ng litrato ang dadaanan natin," saad ko. Tumango siya at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Kay bilis ng oras at hindi ko na namalayan na nandito na kami sa aking tinutuluyan. Wala na rin si Tita dahil nauna siyang bumaba dahil mayroon daw siyang aasikasuhin na importanteng bagay. Bale kami na lang ni Manong driver at isang bodyguard ang nandito. "Maraming salamat po! Ingat kayo sa pag-uwi," saad ko sa kanila. Ngumiti naman sila, "Salamat din, Iha," aniya at saka umalis. Umalis ako ng bahay na walang dala, ngayon ay uuwi ako na may mga maleta. "Uno?" Kumatok ako sa pinto ng tatlong beses ngunit walang nagbukas. "Uno?" tawag ko ulit dito ngunit ganoon pa rin. Mabuti na lang at may spare key ang nakatago sa ilalim ng halaman kaya nabuksan ko ang bahay. Nagulat ako dahil sobrang kalat ng bahay. Kalat-kalat ang lahat ng gamit. Tumakbo ako at nilibot ang buong bahay ngunit wala akong nakitang Uno. Parang hinahabol ng mga kabayo ang aking puso sa bilis ng pagtibok nito. Nag-aalala ako para kay Uno. Paano kung may nangyari na pa lang masama sa kaniya? Paano kung . . . umalis na pala siya? Uno... Nagsimula na magpatakan ang aking mga luha at pinipigilan ang hikbi na lumalabas sa aking bibig. Natigil ang aking paghikbi nang makita siyang nakatayo sa may pinto. Naka-cross arms ang kamay at paa nito at nakasandal sa pinto. Sumilay ang ngisi sa labi nito nang makitang umiiyak ako. Agad akong tumayo at akmang sasampalin siya ay bigla niya itong sinalo. "Uno, ano bang nangyayari sa'yo?!" sigaw ko rito. Bigla niyang hinagis ang kamay ko dahilan para mawalan ako ng balanse at matumba. Ang huli ko na lang naramdaman ay may kung anong tumusok sa aking ulo na naging sanhi ng paglamon sa aking ng dilim. Pagmulat ng aking mata ay puting kisame ang una kong nakita. Nasaan ako...? Pagharap ko sa gilid ay nagulat ako dahil bigla akong niyakap ni Uno at hindi sinasadya na natabig ko siya. Nang makita niya iyon ay nagsimula na naman siya umiyak. Nagtataka ako sa mga kinikilos niya. Parang kanina lang ay galit na galit ito sa akin tapos ngayon ay umiiyak na naman ito... "Heina, what happened? I saw you on the floor soaking in your own b-blood," naiiyak na saad nito. Nagtataka naman akong tumingin dito. Uno, ikaw ang may gawa nito sa akin... Magsasalita sana ako ngunit biglang pumasok ang isang nurse. "Sa wakas, gising ka na," aniya at kung anu-ano ang ni-check sa aking katawan. "Miss, ilang oras ako nawalan ng malay?" tanong ko. Tumingin siya sa akin, "Hindi oras, Ma'am. Araw." Nanlaki ang mata ko. Ibig ba sabihin noon ay hindi ako nakapasok ng ilang araw?! Nahihiya naman akong ngumiti rito, "Ilang araw?" tanong ko sa kaniya. "Pang limang araw na ngayon," aniya. Limang araw?! Sigurado ako na malaki ang bayarin nito lalo na't mukhang mamahalin itong kwarto na nasa hospital. "S-sigurado ka po riyan?" tanong ko at tumango naman ito. Bago pa siya umalis ay nagtanong ulit ako, "Bakit ako nandito? Mukhang mahahalin yatang kwarto ito. Magkano ang b-babayaran namin?" tanong ko rito. Mukhang kailangan ko na humanap ng matitirhan ko at kailangan ko na gamitin ang mga perang naipon ko. Ngumiti ang nurse, "No need na. Bayad na lahat ng bayarin mo rito," aniya. Gulat naman ako tumingin dito. Sino naman ang nagbayad no'n? Imposible na si Uno 'yon. "Sino po ang nagbayad?" tanong ko. "Iyong Tita mo?" Lumabas siya pagkatapos niya iyon sabihin. Tita? . . . si Tita Thina pero paano? Paano niya nalaman? Nasira ang aking pagmumuni-muni nang bigla akong hinawakan ni Uno. Awtomatiko na agad kong nilihis ang aking katawan. Na-trauma ako sa nangyari kaya pagpasensiyahan mo na Uno... "B-bakit, Heina? May problema ba? Anong sabi ng nurse?" Naiiyak na tanong niya. I sighed, "Walang problema kaya huwag ka ng mag-alala," saad ko rito. Kahit anong pilit na huwag siyang pansinin ay hindi ko kaya. "Limang araw ka rin ba na nandito?" tanong ko sa kaniya. Sunod-sunod siyang tumango sa aking tanong. "Kumain ka ba ng maayos habang wala ako?" tanong ko ulit. "Hindi. Hindi ko kasi nagustuhan ang pagkain dito sa hospital," aniya. "Hindi iyan ang ibig sabihin ko. Kumain ka ba habang wala ako ng dalawang araw?" saad ko. Nangunot ang noo niya, "Ano ang ibig mong sabihin? Nawala ka ba? Iniwan mo ba ako?" sunod-sunod na tanong niya. Ako naman ang nangunot ang noo at nang mapagdikit-dikit ang mga tanong niya ay napabuntong hininga na lang ako. Uno, who are you...? "Wala. Huwag mo na lang intindihin," sabi ko rito. Tumango siya. "Bibili lang ako ng pagkain," saad niya. "Sige, mag-ingat ka. Oo nga pala, nasa iyo ba ang wallet ko?" tanong ko rito. "Nasa akin, huwag kang mag-alala. Hindi naman ako gumastos ng ganoon kalaki," aniya at lumabas na. Pagkatapos ng 10 minutos ay may kumatok. "Uno—" Naputol ang aking sasabihin nang makitang hindi si Uno ang pumasok. "Iha," aniya at nagsimula ng magpatakan ang luha. Agad ko naman nilihis ang aking paningin, hindi dahil sa pagiging matapobre kun'di dahil sa ayaw ko makita si Tita na naiyak dahil sa akin. "I'm fine—" "How could you say that even if you're lying in a hospital bed?!" sigaw nito sa akin. I sighed. I really made her worry, "I'm sorry, Tita," ani ko. "Stop saying sorry! You haven't done anything wrong so, why are you still sorry?" saad nito. Natahimik ako sa kaniyang sinabi dahil tama siya. Kahit na maliit na bagay ay agad akong humihingi ng tawad, kahit na hindi naman ako ang may kasalanan... Agad niya akong niyakap at dinaluhan ko naman siya. Nang makakalma ay umupo siya sa upuan na nasa tabi ko at bumuntong hininga. "How did you knew it" tanong ko rito. "Because I know?" sagot niya kaya natawa naman ako. "I'm serious, Tita," saad ko rito. She sighed, "All of your office mates are wondering because you didn't go to your work for over a week, even I wonder too." She sighed again and continued, "So, I planned to go to your apartment but your neighborhood said that you're in the hospital so I went here as fast as I could." "Pasensya na kung nag-alala—" "Of course, I'll be worried! How many times have I said that you don't need to be sorry for everything, Heina," aniya. I sighed. "Bakit mo nga pala binayaran 'yong hospital bills, Tita?" tanong ko. "Don't think that I paid that because you're close to me? No. I paid that because it was in the company contract that you'd signed. All of the expenses here are from the company," she said. "You're the one who switches me in this room?" tanong ko sa kaniya. Natigil naman ang seryosong tingin nito sa akin at sumilay ang isang ngiti, "A-ah, about that. Y-yes, that's because the ordinary room is too small. That's it! Nothing more nothing less," aniya. Natawa na lang ako sa kaniya dahil sa bilis ng kaniyang pagkakasabi. Halos hindi ko na maintindihan ito. Nakahawak pa siya sa dalawang kamay at animo'y nagiisip habang nagsasalita. "Why are you laughing?!" Nagtatampong tanong nito. "Don't worry, Tita. I won't be spoiled to you," saad ko. She giggled, "I thought you wouldn't understand it. I just don't want you to rely on me," she said, "Learned to stand on your own feet." I smiled, "Don't worry, Tita. I already learned that." Nagpaalam din agad si Tita dahil may conference meeting daw sila mamaya kaya tumango na lang din ako. Pagkatapos ng ilang minuto na pagkaalis ni Tita ay sa wakas dumating na rin si Uno. "Bakit ang bagal mo?" tanong ko rito. He pouted, "Ang haba kaya ng pila," aniya. Ngiti-ngiti niyang inangat ang plastik ng Jollibee na nasa kamay niya kaya napangiti na lang din ako. How come this precious man became a wild and harmful one...? "Kain na tayo!" sigaw niya. Habang kumakain kami ay hindi niya naiwasan na magsalita. "Ngayon na lang ulit ako nakakain na kasama ka. Alam mo ba ang boring kapag wala ka kasi wala akong makausap dito kahit isa!" aniya at saka nagpatuloy sa pagkain. "I already told you that don't speak if your mouth is full," ani ko. Uminom muna siya ng tubig bago magsalita, "Sorry." "Bakit ka nandito?" tanong ko rito. "Ayaw mo ba na nandito ako?" tanong din nito sa akin. "Hindi naman sa gano'n! Akala ko ay takot ka sa mga doktor?" Bumuntong hininga siya, "Yes, I am. But I fight those frightened just to take care of you," sabi niya. Hindi naman ako nakapagsalita sa kaniyang sinabi at pinili ko na lang na manahimik hanggang matapos ang pagkain namin. "That elastic bandage really didn't suit you well but still, you look pretty." Agad akong namula sa kaniyang sinabi. Why does he always say weird things?! "Bakit ka namumula? May masakit ba? Tatawag ba ako ng doktor?" sunod-sunod na tanong niya. Agad akong umiling dahil ayaw ko siyang makitang nag-aalala dahil sa akin. Kumilos ang aking kamay na animo'y hindi ko ito nakontrol at biglang niyakap si Uno. Nakaupo ako sa kama, ganoon din siya habang nakayakap sa akin. Isang kamay lang ang gamit ko pang-yakap sa kaniya dahil may suwero ang aking kamay. Ganoon lang ang aming pwesto hanggang sa may pumasok sa isip ko at nagsalita. "Uno, don't do that again. Don't leave me..." "Ano—" Agad kong tinakpan ang bibig niya gamit ang aking mga labi. This is the only thing that came to my mind. To kiss him... I don't care even if he hurts me again and again. I just don't want him to leave. Ganoon din ang posisyon nang maabutan kami ng doktor kaya halo-halo ang hiyang aking nararamdaman. Lupa kainin mo na ako! Halos hindi ako makatingin sa mata ng doktor habang sinusuri ako nito. Mahina siyang tumawa, "Mukhang wala ka naman ng problema kaya maaari ka nang umuwi pagkatapos ng isang araw," aniya. "S-alamat, doc." Sa ibang bagay ako nakatingin ng sabihin iyon dahil sa akin nakatutok ang kaniyang mga mata. Tumawa ulit siya, "Mukhang epektibo yata ang gamot na ginawa sa'yo ng kasintahan mo," saad nito at umalis na rin. Ako naman ay nailing-iling. Tinignan ko ang oras at halos mapanganga dahil ala una na pala ako ng madaling araw nagising. So, Tita Thina woke up and came here even though she's still half asleep just to see me? And Uno manages to wake up the whole day because he wants him to see if I wake up? They're so precious. I love them both... Nang tingnan ko si Uno ay napangiti ako. Mahimbing na ang tulog nito. Ang ulo niya ay nasa kama habang ang katawan ay nasa upuan. Ako ang nahihirapan sa posisyon niya kaya dahan-dahan ko siyang hinila pataas upang makatulog siya ng maayos. Ayos lang naman iyon sa akin dahil malaki naman ang kama. Nang hindi ako makatulog ay nagpagpasiyahan ko na pumuntang rooftop. Nagpaalam din ako sa nurse na naka-assign sa floor na iyon upang hindi mag-alala si Uno kung magising siya. Habang papuntang elevator ay may nakita akong pamilyar na kotse sa labas. Kita ko ito dahil sa transparent glass. Wala akong nakasabayan sa elevator kaya hindi naman nagtagal at nakapunta na ako sa rooftop. Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang malamig na hangin kaya't napapikit ako upang damhin ito. Sinara ko ang pinto at saka nagtungo sa dulo nito. Kitang-kita mula rito ang building gayon na rin ang maliwanag na buwan na nagbibigay liwanag sa rooftop na ito. Napapikit ako nang dumampi muli sa akin ang hangin at agad na napamulat ng maramdaman na may tao. "Bakit ka nandito?" agad kong tanong sa kaniya. "Obviously for you," aniya. "Hindi kita kailangan," saad ko rito. Nakita ko sa peripheral vision ang ngisi niya. "She will be mad if she will know about your situation and will forcibly take you," sabi niya sa akin. Agad akong humarap sa kaniya. Galit ko itong tinignan. "Sinabi mo sa kaniya?!" galit na ani ko rito. "Of course, no! You shouldn't be mad at me. You should be thankful to me because I am the reason why she didn't know about your situation right now." Taas noong saad nito at diniinan pa ang salitang 'should'. "Napakayabang mo talaga kahit kailan." Iling-iling na saad ko. "Hoy!" sigaw nito. Agad nagseryoso ang aking mukha. "Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko rito. Natahimik siya sandali at tila nagiisip ng isasagot. Anong kailangan mo sa akin . . . Lance?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD