Chapter 16

2398 Words
Nagniningning na mga bituin. Mga ulap sa langit na sinamahan pa ng malamig ng himig ng hangin. Liwanag ng buwan na nagniningning sa daan. Hardin na may mapupulang rosas. Nilanghap ko ang sariwang hangin at napangiti. Hindi ko naranasan ang ganito dahil namulat ako na puro polusyon at usok ang paligid ko kaya nakatutuwa na napagmamasdan ko ito ngayon. Napapikit ako nang dumampi muli sa aking balat ang hangin na kay lamig. "Mom?" I called her. "M-mom?" Tears suddenly fell to my cheeks when I saw blood on the floor. I ran as fast as I could but I wish I never did that... I saw them. They killed my Mom in front of my face. I tried not to make a loud noise until they went out. I thought I had a chance to hug her for the last time but my yani carried me and she ran afterwards. The last time I saw, is our house was eaten by fire . . . my Mom's body was shot and burned… Nagulat ako nang may dumamping palad sa aking mga pisngi. Pagbukas ko ng aking mga mata ay bumungad sa akin si Tita Thina. "Are you okay, sweetie?" she asked. I can see the worries in her eyes. "Ayos lang po," saad ko rito. She hugged me, "It's okay. You can cry as long as you want. I'll stay by your side..." "I don't know how to thank you, Tita. You've really done so much to me," I said. "You don't need to thank me. It's fine," she said, "By the way, why are you here? It's too late. You should take a rest and it's too cold here," aniya. Nandito kasi ako sa terasa ng second floor. Kahit na may terasa ako sa aking kwarto ay mas gusto ko pa rin ang tanawin rito. Hindi rin natatapat ang buwan sa aking kwarto ngayong gabi kaya hindi ko ramdam ang lamig ng gabi roon. "Ikaw din po? Bakit ka pa nandito? Hindi ba't dapat ay nagpapahinga ka na?" tanong ko. "I'm taking a nap but then I felt thirsty," she said. "Ganoon po ba? Sige, matutulog na ako," pagpapaalam ko sa kaniya. We hugged each other before we crossed our paths. Ilang oras pa bago ako tuluyan lamunin ng dilim dahil hindi ako sanay sa malaking kama. Nasanay na rin kasi ako na may katabi kaya ni-text ko si Uno bago ako matulog. "Uno, we're already here. I can't sleep properly. I hope you already ate your dinner. Keep safe!" Ni-send ko ito sa kaniya pagkatapos i-type. Naghintay pa ako ng ilang minuto ngunit hindi siya sumagot. Baka tulog na... Dahil sa pagiisip ng kung anu-ano ay nakatulog na rin ako. Nagising ako nang tumama sa akin ang sinag ng araw na nagmumula sa terasa. Agad naman akong bumangon at niligpit ang aking hinigaan. Naligo na rin ako at sinuot ang hollow dress autumn Korean long sleeve at ni-partner ng brown sandals. Ni-check ko ang aking katawan sa full body mirror at napangiti ako nang makitang bagay na bagay sa akin ang suot ko. Kumuha ako ng ilang litrato para may remembrance ako. Sapo-sapo ko ang aking dibdib nang biglang may kumatok. Nang buksan ko ito ay si Bea lang pala. "Hindi ko inaasahan na gising ka na pala. Pasensya na kung napalakas yata ang katok ko," aniya. "Hindi ayos lang 'yon!" ngiting saad ko rito. "Niligpit mo na rin ang higaan mo?" gulat na tanong niya. Tumango naman ako. "Dapat hindi mo na 'yon ginawa dahil gagawin din naman namin 'yan mamaya," sabi niya. I smiled, "Ayos lang iyon. At least kaunti na lang ang lilinisin niyo rito mamaya. At saka nasanay rin naman ako na ako mismo ang magligpit ng hinigaan ko," ani ko. Ngumiti rin siya, "Napakabait mo naman." Tumango na lamang ako sa kaniyang sinabi. "Maaari ka na bumaba para maghintay doon sa baba," aniya. Nangunot naman ang noo ko, "Paano ikaw?" tanong ko rito. "Lilinisin ko na muna itong kwarto mo," sabi niya sa akin. Lihim na napataas ang aking kilay, "Sabay na lang tayo pumunta roon tutal ay hindi naman ako nagmamadali bumaba," saad ko rito. Tumalikod siya sa akin at nakita ko sa repleksyon ng salamin ang pagkunot ng kilay niya at pagbulong ng salita. Lihim ulit akong napangisi. Hindi gumagana ang ganiyang plano sa akin, Bea. Hindi mo yata alam na marami na akong napanood at nabasang eksenang ganito. Sana ginalingan mo pa ng mas mabuti... "Ngunit—" "Ayos lang sa akin, Bea. Maaari ka nang magsimula maglinis." Buong paglilinis niya ng kwarto ay nakatingin lang ako sa kaniya kaya alam kong hindi siya naging komportable roon. Nang lumabas na kami ay ako ang nagsara ng pinto nito. "Mauna ka na," saad ko sa kaniya. Pinauna ko siyang maglakad at lihim ulit na napangisi. Noong una pa lang ay alam kong hindi na maganda ang plano niya sa akin. Base sa unang kilos niya ay alam kong hindi na ako gusto nito. Well, mutual feelings. I don't like her either. If she's good with the role of being plastic. She should remember that I'm a pro with it. "Nakita ko kayo kahapon ni Madam sa garden, ano nga pala ang pinag-usapan niyo?" tanong nito. "Wala naman," saad ko. Hindi nakatakas sa akin mata ang pagkuyom niya ng kaniyang kanang kamay. Nang makababa na ako sa hagdan ay humiwalay na ulit siya at pumunta sa maids room. "Good morning, Iha." Sinalubong ako ni Tita ng isang yakap. "Magandang umaga rin po," saad ko rito. "Let's eat," aniya. Tumango na lamang ako. Tulad kahapon ay marami na namang hinandang pagkain kahit na kaming dalawa lang naman ang kakain nito. At tulad kahapon ay nakatayo lang sa gilid namin ang maids at sila ang naghahanda ng mga inumin. "Why didn't you drank your mango juice?" tanong sa akin ni Tita. "Ah, hindi ko po tipo na inumin ito ngayon at saka busog na rin po ako," saad ko rito. Tumango naman siya. Nang matapos kami ay hinila niya agad ako patayo. Hindi ko alam kung saan ang patungo namin dahil hinahayaan ko lang siya na hilahin ako. Nang makakita ako ng isa pang hagdan ay napabitaw ako mula sa pagkakahawak ni Tita. "Why? Is there anything problem?" tanong niya. Umiling ako, "Hindi ko lang po kasi alam na may 3rd floor rin pala ang mansion niyo," ani ko. She laughed, "Of course it has. It'll never be a mansion if it didn't have," aniya at nagsimula na muli maglakad. Sa pagkakataong ito ay hindi na niya ako hinawakan pa. Hinayaan niya na lang ako na sumunod sa kaniya. Kahit na may pagkahaba rin ang hagdan nila ay hindi ko alam kung bakit hindi ako napapagod kahit anong lakad ko rito. Binuksan niya ang pangatlong pinto sa kaliwang bahagi ng 3rd floor. Nang makapasok ako ay tila hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Isa itong kwarto na puno ng mga libro... "Mahilig po kayong magbasa?" tanong ko rito. Ngumiti naman siya ng mapait, "I'm not. But my husband and son both like books," aniya. Umupo siya sa upuan na naroon habang ako ay nagikot-ikot sa kwarto. Sandamakmak na bookshelf ang nandidito at sa tingin ko ay kalahating araw bago ko tuluyan malibot ang lugar na ito. May isang nakapansin na libro sa akin. Wala siya sa mga nakahanay na libro at malinis ito tignan hindi katulad ng iba. Nang basahin ko ang pabalat ay tungkol pala ito sa mga greek mythology. Saktong-sakto dahil mahilig din ako rito. Bumalik ako sa pwesto namin at nakita ko siyang nagbabasa na ng libro. "Tita, that glasses suits you well," saad ko rito. Napahinto naman siya sa pagbabasa at ngumiti, "Salamat," aniya. Umupo ako sa harap niya at nang ilapag ko ang libro ay hindi makapaniwalang tinignan niya ako. "Mahilig ka rin sa ganiyang klase ng libro?" tanong nito. Tumango naman ako. "Sa anak ko ang libro na 'yan," aniya. "Talaga po ba?" tanong ko rito. She nodded, "Hilig na niya ang ganiyang libro simula noong bata pa lang siya kaso ayaw ng Daddy niya na ganiyang klase ng libro ang binabasa niya kaya tinago niya ito at hindi na alam kung saan na nailagay pagkagising nito kinabukasan." Natatawang kwento ni Tita na animo'y binabalikan ang nakaraan. "Madali pala siyang makalimot." Natatawang saad ko. Tumango naman siya, "Oo. Alam mo ba ba umiyak pa 'yon sa akin nang hindi na niya mahanap ang libro. Pinagbintangan pa nga niya ang Daddy niya na tinapon iyon," aniya. Napangiti naman ako, "Ang saya naman po pala niya asarin," saad ko. Napailing-iling na lang si Tita sa aking sinabi. Nagsimula na ulit kami magbasa ng libro nang may maalala ako... "Tita, gaano na po katagal dito si Bea?" tanong ko rito. Nangunot naman ang noo niya, "Bago pa lang siya rito. Bakit may ginawa ba siyang masama sa'yo?" tanong niya. Umiling naman ako at napabuntong hininga na lang. "I know there's a problem, tell it to me," aniya. "Don't trust people easily, Tita," saad ko rito. Naging seryoso naman ang mukha niya. "Ano ang mayroon sa inyo ni Bea?" tanong nito. I sighed, "Hindi ko alam kung paniniwalaan mo ito, Tita. Pero . . . balak ako i-frame up ni Bea na magnanakaw upang maging masama ang layunin ko sa inyo," ani ko. "Ano ang ibig mong sabihin?" Ngunot-noo na tanong nito. "Una pa lang ay alam kong hindi na maganda ang layunin niya sa akin. Alam kong nagpapanggap lamang siya," saad ko at nagpatuloy, "At nakumpirma ko iyon nang marinig ko siya kagabi habang nasa terasa ako. Hindi yata niya alam na mayroong tao room." "Anong sinabi niya?" tanong ni Tita. "Na plano niya akong gawing magnanakaw at hindi ko alam kung ano ang rason noon. Kung tutuusin ay ito ang unang pagkikita namin," sabi ko sa kaniya. "Yeah. She really looks suspicious. Do you want me to arrest her?" tanong niya. "No, Tita. Sasabayan ko na lang ang plano niya sa ngayon at kapag ginawa niya iyon, doon mo na siya pwedeng ikulong dahil may matibay na ebidensya," ani ko. I smirked. Nagpatuloy na ulit kami sa pagbabasa. Nang maka-30 pahina ako ay saka na ako huminto sa pagbabasa. Nauna na kasing umalis si Tita at ako na lang ang naririto. Paglabas ko ay halos mamatay ako sa gulat dahil bumungad ang mukha ni Bea sa pinto, dagdagan mo pa ang nakalugay nitong buhok. Ngumiti siya, "Maliligo ka na ba?" tanong niya. Tumango naman ako, "Oo, bakit?" "Sasamahan na kita sa kwarto mo upang ako na ang magbigay ng damit mo sa'yo," aniya. Tumango lamang ulit ako at nauna nang bumaba ng hagdan. Pagpasok ko sa kwarto ay kukuhanin ko sana ang tuwalya ng pigilan niya ako. "Sandale! Ako na lang din ang magbibigay niyan sa'yo pagkatapos mo maligo," ngiting aniya. Ngumiti rin ako sa kaniya at naligo na. Inabot ng 30 minutos bago ako matapos sa pagligo. Tinulungan niya ako sa pag-ayos ng aking damit, ganoon na rin ang aking buhok. Nang lumabas kami ay nagulat ako nang marinig ang sigaw ni Tita. "Where's my necklace?!" sigaw niya. Lahat kami ay nasa sala. Bodyguards, maids, hardinero, at iba pa. Lahat ay takot na takot na tumingin kay Tita. "Who the f*ck stole my ancient necklace?!" sigaw ulit niya. Nagulat ako nang may kuhanin si Bea sa may bulsa ng aking dress. "Ma'am, ito po ba 'yon? Nakita ko na nakalagay sa damit ni Amor," aniya. Agad kinuha iyon ni Tita at galit na galit akong tinignan. Dahan-dahan siyang lumapit at inangat ang kamay. Lihim akong napangisi nang makita sa repleksyon ng salamin ang pag-ngisi ni Bea. Agad iyon nawala nang sampalin siya ng malakas ni Tita. Lahat ng tao sa sala ay gulat na gulat. Nagsipasukan din ang mga police na kanina pa nagtatago. Great. My planned work, as it should. Thina's POV; Nakita ko naman ang ngisi ni Heina. Napangiti naman ako. Napakatalino talaga ng batang ito. Siguro kung hindi dahil sa mga plano niya ay mapapaniwala na ako ni Bea sa lahat ng kalokohan niya. "Ano ang plano mo?" tanong ko sa kaniya. Inangat at baba niya naman ang libro na animo'y nagiisip. Isang ngisi ang sumilay sa kaniyang labi. "Tita, pwede niyo po ba kabitan ng cctv ang kwarto ko? Ganoon na rin ang kwarto ninyo? Sa madaling panahon lang at hindi sana niya mapapansin ang paglagay," aniya. Nangunot naman ako ng noo. Hindi ko alam ang pinaplano niya pero interasado ako rito. "Bakit naman?" tanong ko rito. "Una, alam kong plano niyang kunin ang alahas na nasa katawan mo. At kapag kinuha niya ang isa sa mga ito, ay at least may ebidensya tayo," sabi niya. "Ha? Teka lang, hindi kita maintindihan." "Okay. I won't describe it anymore. Ito na lang ang pagawin mo sa kaniya," aniya, "Paglinisin mo siya ng kwarto mo at iwan mo ang kwintas mo sa kwarto na kunyari ay nakalimutan ito. Pagkatapos ay pumunta ka sa kwarto ko para ikabit ang cctv dahil alam kong balak niya ilagay ito sa damit ko," aniya. Natawa naman ako dahil ang likot ng kamay niya habang nagkukwento. "No, need for the cctv. Makakahalata siya pag ganoon. Mayroon akong hidden camera na nabili at saktong hindi ko pa 'yon nagagamit. Ilalagay ko na lang iyon sa kwarto natin," saad ko. Naging seryoso naman ang mukha niya. "Tita, bibigyan kita ng dalawang oras para riyan. Kasama na sa dalawang oras ang 30 minutos na pagligo ko. Pagkatapos ng 30 minutos, siguraduhin mo na tumawag ka ng police. Ayos ba?" tanong niya. Tumango naman ako. Naiintindihan ko ang sinasabi niya. Gusto niya na magpanggap kami hanggang sa si Bea na mismo ang tumuka ng pain namin. "Saan mo natutunan ang lahat ng 'yan?" tanong ko. "Sa pagbabasa at panonood, Tita. Dahil doon ay marami akong natutunan," saad niya. "Sige na, aalis na ako at sisimulan ang plano natin," pagpapaalam ko. Tango lamang ang binigay niyang sagot. "Your plan is smart," saan ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin. "I won't do this if you didn't help me, Tita," ani Heina. Nangiti naman ako sa kaniyang sinabi. "Of course, I will help you. I never tolerate this kind of person. They should be where they belong," saad ko. Niyakap naman niya ako. Ngayon ko lang naalala na simula nang makasama ko si Heina ay unti-unti ko ng nakakalimutan ang mga problema. Salamat sa'yo, Heina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD