Chapter 14

2103 Words
Nagising ako nang biglang may narinig akong singhal. Pagkabangon ko ay nakita ko si Uno na nagtatakang nakatingin sa akin. "Uno?" tawag ko sa kaniya. Nang hindi siya nagsalita ay hahawakan ko sana siya ngunit agad niya iyon tinabig. Sa sobrang gulat ko ay hindi agad ako nakagalaw. What the—why did he do that? Nakatingin lang ako sa kamay ko hanggang sa maramdaman na umalis siya sa kama. Nakasunod pa rin ang aking mga mata sa kaniya hanggang sa makalabas siya ng kwarto. Gulat na gulat pa rin ako sa kaniyang ginawa. Kaya ba siya ganito ay dahil sa nangyari kagabi...? Naghilamos na muna ako bago dumiretso sa sa sala. Nakita ko siya roon na prenteng nakaupo habang nanonood ng telebisyon. Hindi naman naiwasan na mapataas ang kilay ko kasi kung umupo siya ay parang aangkinin na ang sofa. "Uno, tungkol sa nangyari kaga—" "It's okay." He cutted my words and spoke with a cold voice... to me. Why all of a sudden? What was his problem? Why is he like that? Hindi na ako nagtanong pa dahil ramdam ko rin naman na ayaw niya ako kausapin. Ayaw ko rin lumapit dahil baka katawan ko na ang ibato niya sa susunod... Nagluto ako ng agahan at inihanda ito sa lamesa. "Uno, kain na," saad ko sa kaniya. "Eat by yourself," sabi naman nito. I sighed and smiled after that. Tita Thina said that I should keep a smile on my face. "Oo nga pala, lalabhan ko si Heino. Ayos lang ba sa 'yo?" tanong ko sa kaniya habang kumakain. Hindi siya sumagot at nang tingnan ko ito ay nakatingin lamang siya sa kaniyang cellphone. Nakita ko naman si Heino na nasa kabilang sofa. Ang weird naman niya. Kadalasan kasi ay lagi niyang katabi si Heino kahit na saan man siya magpunta pero ngayon tila nilalayuan niya na ito. Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta na sa bathroom para maligo. Pagkalabas ko ay agad kong tinignan ang kusina ngunit hindi niya pa rin kinakain ang niluto ko sa kaniya. "Bakit hindi mo pa kinakain 'yong agahan mo? Lalamig na 'yon," ani ko sa kaniya ngunit wala itong tugon. Nilapitan ko siya at ginulo ang buhok niya. "What the f*ck?!" singhal niya. Nagulat ako sa naging akto nito. Alam kong gustong-gusto niya iyon sa tuwing ginugulo ko ang buhok niya. "Kumain ka na," saad ko rito at nagkunwari na hindi narinig ang sinabi niya. "You shouldn't care when I will eat," aniya. Nangunot ang noo ko. Kitang-kita ko rin ang matatalim na titig niya sa akin. Minsan talaga hindi ko maintindihan si Uno... "Bakit naman?" Taas kilay kong tanong. He smirked. "Remember, you're not my relatives nor wife to command me. You're nothing compared to maids—" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang isang malakas na sampal ang dumapo sa kaniyang pisngi. Nagsimula na rin tumulo ang luha ko. So, all this time? All this f*cking time! He just thought of me as a maid? What the f*ck! "If I'm nothing compared to a maid then, remember this, Uno, you're nothing compared to an a*shole!" sigaw ko sa kaniya at dire-diretso na lumabas papuntang trabaho. Habang nasa taxi ay inayos ko ang gulo-gulo kong buhok ngunit kahit anong pagpunas ko ng luha ko ay tuloy-tuloy pa rin ito sa pag-agos. "Ma'am, ayos lang po ba kayo?" tanong sa akin ni Manong driver. "Ah, opo," saad ko kahit na patuloy pa rin ang pagbuhos ng aking mga luha. Nag-inhale at exhale ako upang pakalmahin ang sarili. Uminom rin ako tubig. Nang mahimasmasan ay pinunasan ang luha at ngumiti ulit na parang walang nangyari. Smiling hid everything... Nang makarating ako sa kumpanya ay nagtaka ako dahil walang pakalat-kalat na empleyado sa corridor kahit na maaga pa lang naman. Bago ako makapasok sa elevator ay nahulog pa ang lipstick ng kasabay ko kaya agad ko naman itong pinulot. Pag-angat ko ng aking tingin ay nagulat ako dahil nagtama ang paningin namin ni Ma'am Thina. "Ma'am Thina, good morning," bati ko rito at saka ngumiti. Ngumiti rin ito sa akin. "Good morning." Pumasok ako sa elevator at saka sumiksik sa may gilid. Paano ba naman kasi ay mga bodyguards at si Ma'am Thina lang ang nasa loob ng elevator, kasama na ako roon. Tumikhim muna ako bago magsalita. "Is this yours, Ma'am?" tanong ko. "Oh, yeah. Thank you." Agad niya kinuha iyon sa kamay ko. Hindi naman naiwasan na magdampi ang kamay namin at kahit saglit lang iyon ay ramdam ko ang malambot niyang kamay. Malapit na kami sa 5th floor kung saan ang office ng head departments at office ng CEO nang tumawa si Ma'am kaya nagtataka naman akong tumingin sa kaniya. "Don't pressure yourself, sweetie," aniya. Tinignan ko naman siya ng may pagtataka sa mata. She giggled. "Look at your hands," saad nito. Nang tignan ko ang kamay ko ay nanginginig nga ito. Kaya agad ko inilagay ito sa pagitan ng hita ko. Lupa lamunin mo na ako ngayon! Grabe ang kahihiyan ko... "It's okay." She took it and touched it with her hands that made my hand calm. "T-thank you," I shyly said. Nang makarating kami sa 5th floor ay nahiya ako na tanggalin ang kamay niya sa kamay ko kaya nang makarating kami sa pinto ng office ay nagsalita na ako. "Ma'am, can I take my hands now? Hehe. Papasok na po ako," nahihiyang sabi ko rito. She just smiled at me and swiped her card that made the office door open. All head departments are looking at us surprisingly. When their eyes laid at me, I could see the confusion in their eyes. Even Ms. Del Valgon, I can see the shock in her eyes. "I'll borrow Ms. Curtis for a while," she said. Pagkatapos noon ay hinila niya ako papunta sa elevator ulit. Nang makapasok na kami sa elevator ay tinignan ko siya ng nagtataka. Hindi niya pa rin kasi binibitawan ang kamay ko at wala naman siyang sinabi na hihiramin niya ako. "Ma'am, ano po ang ibig niyong sabihin?" tanong ko rito. "We will have a bond together." She looked at me and smiled afterwards. Hinayaan ko na lang na hilahin niya ako hanggang sa makarating kami sa parking lot. Mayroon doong van na naghihintay para kay Tita Thina. Nang buksan iyon ng guwardiya ay mayroon pang dalawang guwardiya sa loob at mayroon ding personal driver. Pinauna niya ako papasukin bago siya pumasok. "Saan po tayo pupunta, Tita?" tanong ko. Ngumiti ulit siya sa akin. "You can take a nap since it will take 5-6 hours before we get our destination." Nagulat naman ako sa kaniyang sinabi. "Hala! Ma'am, saan po ba talaga tayo pupunta at saka anong gagawin natin doon?" kinakabahan na tanong ko. Nagmumukha siya ritong magandang kidnapper, eh... She laughed at me again. "Don't be nervous. We will only have a 3 nights and 2 days vacation in our rest house in Quezon," aniya. Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. Q-Quezon? Hindi ba't malayo 'yon? Baka mag-aalala si Uno kapag hindi ako umuwi. "Why didn't you informed me first, Tita? At least nakapag-paalam ako kay Uno," sabi ko rito. "Oh, sorry about that. Ganoon na ba kayo ka-close ni Uno para mag-alala ka sa kaniya ng ganiyan?" tanong nito. Nahihiya naman akong tumingin sa kaniya. "Hindi naman po sa ganoon, hehe..." "You're shy," she said and giggled. "It's okay." "Paano naman po 'yong damit na susuotin ko?" "Don't worry about that. May nakahanda na roon para sa ating lahat. Lahat ng kailangan natin ay nandoon na," aniya. Wow. Hindi naman halata na pinaghandaan... "Pwede ka matulog kung gusto mo," aniya. "Ah, sige po. Magse-send lang po ako ng message para kay Uno," saad ko at tumango lamang siya bilang sagot. "Uno, hindi ako uuwi riyan hanggang sa linggo. Huwag mong kalimutan kumain at huwag ka lalabas ng bahay, baka mapahamak ka pa. 'Wag ka rin magpapasok ng kung sino." Pagkatapos ko iyon i-type ay agad ko naman iyon ni-send sa kaniya. Wala pang limang minutos ay nag-reply na siya. Nang makita ko ito ay tila nadismaya ako... "K." Iyan lamang ang sinabi niya. Akala ko magtatanong siya kung bakit hindi ako uuwi. Nadagdagan ang inis na nararamdaman ko sa kaniya dahil una, 'yong sinabi niya kaninag umaga at pangalawa, sa hinaba-haba ng sinabi ko, ito lang ang ire-reply niya?! Kapal naman ng mukha mo, Uno. "Is there anything problem, Hija?" tanong ni Tita. I smiled at her. "Ah, wala po. Sige ho, matutulog lang muna ako." Hindi pa ako tuluyang nakakatulog ay naramdaman ko na nilagay ni Tita ang ulo ko sa balikat niya. She's really kind... Hindi maiwasan na maamoy ko siya at sa pagtataka ko ay gaya rin ito ng amoy ni Uno. Alam na alam ko dahil saulo ko na ang amoy ni Uno. Amoy pang mayaman. Tita Thina somehow reminds me of Uno... now, I'm thinking if they're related to each other, but it's kinda impossible because Tita Thina has only one child, as far as I know... Dahil sa lamig ng aircon at sa balikat ni Tita ay tuluyan na nga akong kinain ng dilim. Thina's POV; Nang maramdaman ko na bumigat na ang kaniyang katawan ay saka ko na hinaplos-haplos ang kaniyang buhok. Gusto ko pa 'to haplusin kanina pa ngunit kailangan ko maghintay makatulog siya dahil ayaw ko naman na magalit siya sa akin. "Did you all already find him?" tanong ko sa mga bodyguards ko. "Not yet, Ma'am. We can't see any information that will help us to find him," aniya. I sighed. "It's been weeks. I'm worried..." "Don't stress yourself about that, Ma'am. He will comeback," saad ng isa ko pang bodyguard. "I hope too..." "As far as I know, Master Zheon always loves to travel. What if he's just traveling? Don't think that he's hiding. Think positive, Ma'am," sabi ng driver ko. "Yeah, you have a point too. But what if he left because he doesn't want to engage with the other woman?" tanong ko sa kanila. Narinig ko naman na bumuntong hininga sila. "I mean, everybody would really be mad if they're suddenly arrange marriage with someone they didn't like at the first place," ani Berto. Siya ang driver ko. Hindi maiwasan na malungkot ako dahil doon. Tama siya. Nalulungkot ako dahil nagu-guilty ako sa ginawa ko. Siya na nga lang ang anak ko tapos mawawala pa siya dahil sa dahilan na iyon. "Thina, you know what will be good for your son because you're a mother. You should know that," saad pa nito. I sighed. Mang Berto has been doing service to me since I was a kid. And now, he's still my driver. "But isn't it cute? Marrying the person you don't know and they will grow knowing each other. Just like me and my husband. You know that, Mang Berto." Hindi na nagsalita pa si Mang Berto pagkatapos ko iyon sabihin dahil alam niyang wala naman na siyang magagawa pa. Sorry, Zheon. I'm really sorry, my son. Hindi ko na alam kung sino ang susundin sa mga sinabi nila sa akin. Hindi ko alam kung nakatulong nga ba iyon. Kung nandito lang sana siya. Kung buhay pa sana siya ay alam niya kung ano ang mas tama at mali sa mga gagawin kong desisyon... "Ma'am, hindi po ako nangingialam sa buhay niyo pero suhestiyon ko po na ipakilala niyo na muna sila sa isa't isa bago ikasal sila," saad ng aking guwardiya. "Iyan nga ang plano ko ngunit bigla naman siyang nawala..." "Kilala na po ba siya ng bride?" tanong ulit nito. Tumango ako. "Oo, pinakita ko ang mga pictures ni Zheon sa kaniya para kung sakaling makita niya ito ay makilala niya at dadalhin sa akin," sabi ko. "Isn't it too much? You're doing anything you like but it's your son's dislike. You're giving him away to another person," saad ni Mang Berto. Napayuko na lamang ako dahil sa kaniyang sinabi. Simula nang mawala ang aking mga magulang ay si Mang Berto na ang tumayong magulang ko. "But—" "Gusto ni Zheon ng pagmamahal ng isang Ina, hindi ang pagmamahal ng ibang tao. Hindi na ikaw ang Thina na nakilala ko. Ibang-iba ka na..." aniya. Doon ako mas lalong napayuko. Tama ang mga sinabi niya ngunit ayaw ko rin naman na tumandang binata ang anak ko dahil sa pagka-ayaw niya sa babae. Since he was a kid, he's such a woman's hater because of his childhood friend. Not typically a woman's hater but when he's not in the mood, expect that every woman that he will see, will get hurt because of him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD