"Nasaan tayo?" tanong ko sa kanila.
Pagkatapos kasi lumapag ng eroplano sa palawan, gumamit pa kami ng helicopter tapos nilapag na lang kami nito sa isang Isla.
"This is our private island. Let's go," Grandma said and led our way.
Pagkatapos ng ilang minutos na tahimik na paglalakad ay narating namin ang mansyon...?
Pati ba naman sa isla na ito ay may mansyon sila?
"Mamaya ko na i-explain sa inyo ang mangyayari. Magpahinga na muna kayo at mamaya kakain na tayo ng dinner," saad nito at nauna nang pumasok.
Sumunod naman si Leo at Brix samantalang kaming anim ay sabay-sabay na naglalakad.
"Tayo lang ba sa isla na ito?" tanong ko.
"Malamang. Kaya nga private island, eh," sarkastikong saad ni Cy.
I rolled my eyes at him.
"Malapit na mag-gabi. Sino gusto sumama sa akin tignan ang palubog na araw?" tanong ni Gyu.
"Ako!" sabay-sabay na sagot namin.
Sabay-sabay din kaming pumasok. Hindi naman iyon problema dahil malaki naman ang pinto.
"Nandoon na po sa itaas ang mga gamit ninyo, señorita, señorito," sabi sa amin ng butler bago magpaalam na umalis.
"Magbihis kayo tapos sabay-sabay tayong pupunta sa sikretong taguan ko, ayos ba?" saad ni Gyu.
Tumingin naman ako sa kaniya at tinaas-baba niya ang kilay sa akin. Napailing-iling na lang ako.
Hindi ko alam kung may plano na naman ba siya sa kanila pero alam kong mag-e-enjoy kami.
Tumango na lang sila at kasama na ako roon. Diretso kwarto at saka nagpahinga ng kaunti. Hindi naman kasi pwede na agad-agad akong maligo.
Pagkatapos ng 10 minutos na pagpapahinga ay naligo na ako. Ni-blower ko ang aking buhok dahil ayaw ko na tumutulo ang tubig sa aking damit.
Simpleng white mini dress at sandals lang ang sinuot ko. Hindi naman kailangan na maging elegante ako dahil nasa Isla naman kami.
Pagbaba ko ng hagdan ay kumpleto na silang naghihintay sa sala.
"Ang tagal mo naman!" sigaw sa akin ni Cy.
"E 'di sana nauna ka na," saad ko.
"Burn!" sigawan nila.
Ngumuso na lang si Cy na ikinailing ko. Mahilig siyang mang-asar ngunit asar-talo naman.
Pagbaba ko ay umupo ako sa gitna ni Gyu at Lance.
"Tara na?" tanong ko sa kanila.
"Where are y'all going?" Leo asked.
Nasa harapan namin siya ngunit nasa visitor sala siya. Magkatapat lang kasi ang family living room at saka visitor sala.
Napataas ang aking kilay nang mapansin na may katabi siyang limang lalaki. Prente ang pagkakaupo nito at halata mong may kaya rin sila sa buhay.
Isa-isa ko silang pinagmasdan ngunit natigil ang aking paningin sa lalaking katabi ni Leo. Sa akin din nakatuon ang pansin nito na animo'y tinitignan ang aking kaluluwa.
Siya 'yon...
"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kaniya.
Nangunot naman si Leo ganoon din ang iba ko pang pinsan. Alam kong alam niya na siya ang tinutukoy ko. Wala ni-isa sa amin ang nagputol ng tingin na iyon at hindi niya rin sinagot ang aking tanong.
"Bakit nandito sila?" tanong ni Cy kay Leo.
"Pinapunta rin sila rito ni Grandma," malamig na tonong saad nito.
"Saan kayo ulit pupunta?" tanong naman ni Brix na nakataas kilay kaya nabaling ang paningin ko sa kaniya.
Tumingin muna ako kay Gyu bago sumagot, tinignan ako nito sa aking mata at sinasabi na 'huwag mong sasabihin'. Tumango lang ako.
"Wala—"
"Sasama kami," saad ng lalaking katabi ni Leo.
Nataas ang aking kilay. "Bakit naman? Hindi nga namin kayo kilala, eh," sabi ko.
"Namin? Correction... mo. Ikaw lang ang hindi sila kilala, Heina," saad ni Lawrence.
Napanguso naman ako. "E 'di ako lang."
"Sama rin ako," sabi ni Brix.
Napatingin ako kay Gyu na animo'y hindi matutuloy ang binabalak niya dahil kita mo sa kaniyang mukha ang pagkadismaya. Iling-iling na lang akong napatawa.
"Saan 'yong best view kapag manonood ng sunset?" tanong ko kay Brix.
"Sa dalampasigan. Hindi naman 'yon malayo sa mansyon kaya sasama na rin ako," sabi niya.
Tumango na lang ako at sabay-sabay na kaming lumabas.
Nauna kaming maglakad ni Cy at Gyu at sa inaasahan ay parang tuko na naman sila kung makakapit sa akin kaya napangiti na lang ako.
Sinadya ko na mauna kami para hindi nila marinig ang aming pag-uusapan.
Nakangisi akong tumingin kay Gyu. "Sa dalampasigan pala 'yong secret place mo," sarkastikong saad ko.
"Hoy, hindi kaya! Kung wala lang sila Leo baka naturo ko na sa 'yo," sabi nito sa malungkot na tono kaya ginulo ko na lang ang kaniyang buhok.
Si Leo kasi ang pinakamatanda sa amin at magkakasunuran lang kami nina Cy at Gyu samantalang ang kambal ay mas matanda sa amin ng dalawang taon. Ngunit kahit na mas matanda sila sa amin ay ayaw nilang tinatawag silang kuya. Well, mas gusto ko rin naman iyon.
Lahat kami ay nakatayo sa dalampasigan ngunit medyo lumayo-layo ako ng kaunti at hinila si Gyu.
"Bakit ka lumayo?" bulong nito.
"Anong pangalan no'ng katabi kanina ni Leo?" tanong ko.
"Ay! Akala ko gusto mong malaman ang secret place ko," sabi niya, "siya si Giovanni Sycher."
"Ah..." Tango-tango na tugon ko.
"Nagbubulungan pa kayo, eh rinig na rinig naman namin."
Napatalon kami sa gulat nang may magsalita sa likod namin, si Giovanni...
Awkward akong ngumiti rito.
"Heina, doon tayo, oh? Para hindi ka mangalay." Turo ni Lance sa cottage.
Tumango naman ako at sumunod sa kaniya. Bumagsak ang aking balikat nang mapansin na sumusunod din sila sa amin.
Malaki naman itong cottage kaya walang problema.
Sa pinakadulo ako umupo habang ang iba ay sa gilid naman.
Nakangiti akong pinagmamasdan ang papalubog na araw. Kahit na ito ang huling alaala ko kay Tita Thina, marami pa rin akong naging magandang alaala dahil dito.
Napansin ko naman na may mga matang nakatingin sa akin kaya tinignan ko iyon.
Sa pangalawang pagkakataon ay nagtama na naman ang aming paningin...
Sa pagkakataong ito ay wala ni-isang nagputol ng aming tinginan kahit na paangat na ang buwan.
Naputol lang iyon nang tawagin kami ng butler upang kumain ng gabihan.
"Mag-ingat ka, Heina. Baka may matapakan k—"
"OMY!"
Naputol ang sasabihin ni Brix nang muntik na akong matalisod.
Agad naman silang lumapit sa akin at isang tingin at nakakalokong ngisi ang bumungad sa kanila.
"Joke lang!" Tinuturo ko pa sila at inasar-asar.
Aktong hahabulin ako ni Cy at Gyu kaya tumakbo ako papasok ng bahay.
"Oh, hija? May nangyari ba?" tanong ni Grandma.
"Wala naman po," saad ko.
Umupo na ako at sabay-sabay kaming kumain. Nasa kaliwa ko si Leo at nasa kanan naman ni Grandma. Katapat ko naman itong si Giovanni.
Para silang the wonder pets ngunit sosyal version.
Napatawa ako dahil sa aking naisip. Nagulat na lang ako nang makitang nakatingin lahat sila sa akin, ganoon na rin ang mga kasambahay.
"Delikado ka na!" Iling-iling na saad ni Lawrence.
"Ganiyan pala kapag na-sobrahan sa kilig," sabi naman ni Cy.
Biglang tumaas ang aking kilay sa kaniyang sinabi ngunit hindi na lang pinagtuunan ng pansin.
Pagkatapos ng appetizer ay desert na ang kinain namin. Tawa nga sila nang tawa sa akin dahil hindi raw kinakain 'yong dahon. Ano 'yon display lang?
"Busog na ako!" sigaw ni Gyu habang nagpapahinga sa sala.
"Ako rin," sabi ko.
Lahat sila ay nag-umpisa ng humawak ng kani-kanilang gadgets. Si Grandma naman ay umakyat dahil may importanteng tawag daw na kailangan sagutin.
Sa ngayon ay hindi pa rin namin alam ang dahilan kung bakit naririto kami ngunit kahit ano pa iyon, ang mahalaga ay nag-e-enjoy kami.
Binuksan ko ang iPad na ibinigay sa akin ni Brix kanina at saka in-open doon ang Share Your Life account ko.
Ni-post ko ang picture namin kanina, at saka 'yong stolen picture ko kay Gyu at Cy habang tulog sila. Nilagyan ko ng caption na 'my lil babies'.
Pagkatapos ko iyon i-post ay nakita ko na ni-follow na pala nila ako kaya ni-follow back ko silang lahat.
Nagsimula na rin dumami ang followers ko. Siguro ay nagtataka sila dahil ni-follow ako ng mga sikat na models. Paano ba naman kasi ay lahat sila may verified badge sa SYL...
Tinignan ko ang messages ko at ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang mga messages request...
Pagkatapos iyong pinost ko ay umabot kaagad ng 100 thousands like ng wala pang sampung minuto.
Binasa ko rin ang comment section at halata mong curious talaga sila.
"Babies? Who are you, huh?!"
"Wait, OMG?! She took photos with our Cy and Gyu!"
"I don't care what you all say, guys. But I prefer her than Gyu and Cy. She's pretty. I like her!"
And many more comments. Marami pa akong nabasa ngunit pare-parehas lang naman ito. May nagtataka, may naguguluhan, may nagagalit, at nagseselos at saka marami pang iba.
"Bakit si Gyu at Cy lang ang ni-post mo?!" nagtatampong tanong sa akin ni Lawrence.
Iling-iling na lang akong tumawa.
"Hindi mo 'ko roon ni-tag," saad ni Gyu.
"Okay," sabi ko.
Ni-mention ko sila sa comment section na pinagsisihan ko. Paano ba naman kasi ay nag-comment sila ng kung anu-ano.
"Naks! Ang gwapo ko pa rin talaga kahit tulog. Salamat, Heina babe!" saad ni Gyu sa kaniyang comment.
"Anong babe? Hoy! Sa akin si Heina 'no!" sabi naman ni Cy at nagpatuloy na silang magtalo sa comment section.
Napatampal na lang ako sa noo.
Nakita kong ni-follow din ako ng mga kaibigan ni Leo. Si Tyler, Matthew, Calvin, at Chester. So, iyon pala ang mga pangalan nila...
Lahat sila ay naka-verified badge rin. Maya-maya ay may nag-pop up na follow request.
Si Giovanni... ni-stalk ko siya at nagulat nang makitang ako lang pala ang nag-iisang nasa following list niya kaya ni-follow back ko siya dahil nakakahiya naman kung hindi, baka sabihin pilingera ako...
Nangunot ang aking noo nang may nag-pop up ulit ngunit tag na ito. Ni-tag ako ni Cy sa kaniyang ni-post.
Ang caption ay "the moon is admiring the sun" at nang pagtingin ko sa picture ay nanlaki ang mata ko dahil picture namin ito ni Giovanni habang nagtititigan kami kanina.
Sakto naman na sa pwesto ko ay may araw at sa pwesto ni Giovanni ay lilim...
The moon is admiring the sun...
Paulit-ulit na nag-e-echo sa aking isip.
Tinignan ko ng masama si Cy at umakto siya na sumusuko at tinaas niya ang kaniyang dalawang kamay ngunit makikita mo pa rin ang mapaglarong ngisi nito.
Umabot agad ito nang milyong-milyong likes at comment sa loob ng 30 minutos kaya napailing-iling na lang ako.
Here we are. Issue is near me...
"May chemistry kayong dalawa," saad ng matangkad na lalaki.
"Hoy, anong chemistry? Baka gusto mong tuktukan kita riyan, Matthew!" sigaw sa kaniya ni Lance.
Si Matthew pala siya...
"They're not science, dude. They're human," Brix said.
Napataas ang aking kilay. These days, they're getting weirder and weirder...
Nakita ko na napatingin sa amin si Leo ngunit nang makitang nakatingin ako sa kaniya ay bumalik siya sa pagbabasa.
Binuksan ko ang gallery ng iPad at tinignan ang downloaded photos. Pinasa ko kasi lahat ng pictures namin kanina sa eroplano rito bago iyon ma-lowbat.
Bigla na lang ako humagalpak ng tawa na pinagtaka ng lahat.
"Dahan-dahan lang sa pagtawa. Baka mamaya atakihin ka ng hika," seryosong saad ni Lawrence ngunit hindi ko ito pinansin.
Nang tumingin ako sa kambal ay mas lalo pa akong natawa na lalo nilang pinagtaka.
Binigay ko ang iPad kay Cy at ganoon na lang din ang hagalpak ng tawa niya nang makita ang litrato.
Ito 'yong litrato na nakuhaan ng epic pictures ang kambal nang ni-litratuhan ni Cy 'yong buong eroplano.
Nang ipakita ito ni Cy sa kanila ay hindi na rin nila naiwasan na tumawa, kahit na si Leo ay hindi na rin ito napigilan.
Akmang kikilitiin nila ako nang bigla akong tumakbo paakyat sa aking kwarto.
"Better luck next time, twins!" sigaw ko sa kanila.
Kinalma ko muna ang aking sarili. Dumiretso ako sa veranda ng aking kwarto at saka pinagmasdan ang buwan.
Everytime I look at the moon, I always remember what my Mom said...
"When you feel lonely, just look at the moon. Someone, somewhere is looking at it too."
I'm hoping that he's staring at the moon, right now. Even though, he hurt me for what he texted, I still need an explanation. Because I'm hoping that if he explained it to me, my feelings would fade away immediately...
Hindi ko na namalayan ang oras at inabot na ako ng 3 oras na nakatitig ako sa buwan. 11 o'clock pa lang naman kaya napagpasyahan ko na lumabas dahil gusto ko tignan ito ng malapitan.
Sa back door, sa may kusina ako dumaan dahil alam kong wala naman ng kasambahay roon, at tama nga ako dahil madali lang akong nakalabas.
Saglit ko lang naman pagmamasdan ang buwan ng malapitan at babalik na rin sa mansyon upang hindi sila mag-alala.
Nang makarating ako sa dalampasigan ay diretso ako sa secret place ni Gyu. Tinuro niya ito sa akin kanina habang nanonood ng paglubog na araw.
"Sh*t!" singhal ko.
Muntik na kasi akong madulas. Hindi naman niya kasi sinabi na puro bato pala ang nandito. Gusto ko umakyat sa pinakamataas na bato upang mas maganda ang view ko mula sa buwan.
Sinubukan ko ulit tumapak sa isang bato at naging successful naman ito ngunit nadulas ang aking kamay sa pinaghahawakan kong isa pang bato.
Pumikit ako at inasahan na mahuhulog ngunit inabot ng ilang minuto ay tanging dampi lamang ng hangin ang aking nadarama.
Pagmulat ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang kulay berde nitong mga mata at sa likod nito ay buwan na nagniningning na nagbibigay liwanag sa aming dalawa.
"Be careful," aniya.
Amoy na amoy ko ang fresh menthol sa bibig nito. Nagtaasan din ang balahibo ko dahil sa baritong boses niya at bukod pa roon ay halos hininga na lang namin ang tanging pagitan sa amin.
Dahan-dahan niya akong tinayo sa bato at saka inalalayan ako makaupo kung saan ang pwesto na gusto ko. Umupo rin siya sa tabi ko.
"So, why are you here?"