Lahat kami ay nandito sa sala dahil aalis daw kami. Nagising ako kasi may malakas na katok ang bumulabog sa kwarto ni Brix.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Gyu dahil siya ang katabi ko ngayon.
"Hindi ko rin alam pero roon na lang tayo sa van maghintay," bulong din niya.
Para kaming baliw dito na nagbubulungan kahit na rinig na rinig naman nila.
"Baka magalit sila," saad ko.
"Hindi 'yan. Ako ang bahala sa 'yo," sabi nito.
Tumango lamang ako.
"Kapag bumilang ako ng tatlo, takbo ka na, ha?" saad niya at tumango na lang ulit ako.
"Isa..." Tumingin ang lahat sa kaniya sa biglaang pagbibilang niya.
"Bakit ka nagbibilang, bro?" tanong ni Lawrence ngunit hindi niya ito pinansin.
"Dalawa!" Nagulat ako nang bigla niyang hinila ang aking kamay at saka tumakbo kaya nasabay din ako sa pagtakbo niya.
Nakita ko naman na tumakbo na rin ang iba ko pang pinsan bukod kanila Brix at Leo.
"Saan kayo pupunta?!" sigaw sa amin ni Lance ngunit patuloy sa pagtakbo pa rin itong si Gyu.
Nang makarating kami sa van ay agad niya akong tinulak upang makapasok at sinara ang pinto.
"Buksan niyo 'to!" rinig kong sigaw sa labas ni Cy.
Tumatawang tinitignan naman ito ni Gyu at inaasar-asar pa ito gamit ang kaniyang mukha kaya hindi na iwasan na mapatawa rin ako.
Hindi naman kasi nila kita ang nasa loob gawa ng tinted ang sasakyan na ito.
Natigil kami sa pagtawa nang may tumikhim. Pagtingin namin sa driver sit ay agad kaming umayos ng upo at saka inayos din ang itsura.
Nagulat kami nang si Manong driver naman ang tumawa.
"Manong, don't tell to them what we did, ha?" pagmamakaawa ni Gyu.
Tumango na lamang ito.
Ako naman ay taas-kilay na nakatingin kay Gyu.
"Why so conyo?" tanong ko rito.
Umiling-iling na lang siya habang tumatawa.
Nang bubuksan na ni Manong driver ang pinto dahil parating na rin si Grandma ay umusod kami sa bandang likuran at ako ang nasa tabi ng bintana habang nasa tabi ko naman siya.
Bumungad sa amin ang inis na inis na mukha nila kaya lihim kaming napatawa.
"Argh! D*mn you, Gyu! Tignan mo, nagkapawis na tuloy ako," saad sa kaniya ni Cy.
"Aba, may sinabi ba ako na sundan niyo kami?" sagot naman nito sa kaniya.
"Malay ba namin kung saan kayo pupunta kaya sinundan namin kayo," sabi ni Lawrence.
"Uy! Curious din sila," pang-aasar ko sa kanila at tinuturo sila.
Umiling na lang ang mga ito.
Naupo si Grandma sa unahan katabi ni Leo at ni Brix. Si Lance, Lawrence, at Cy naman ay nasa unahan namin.
Tahimik ang byahe namin at saka walang nagtangkang magsalita o magtanong kahit na lahat naman ng nandito ay naguguluhan kung saan pupunta.
Maaga kasi kaming binulabog ng mga maids dahil may pupuntahan daw kami.
"Tita Maisy said that she won't come with us. We just wasted our time on her," Leo said.
"Wait—what?! I thought she's taking her time to make-up herself that's why she was taking too long," Lawrence said.
Kaming dalawa ni Gyu ay nanatiling tahimik sa likod. Nang tignan ko ito ay nakatulog pala kaya napatampal na lang ako sa noo. Sinandal ko ang kaniyang ulo sa aking balikat upang hindi ito mangalay.
Kinuha ko rin ang isang headset sa tainga niya.
"When she went down, she just woke up," Leo said to him.
"La! Ginising mo kami ng maaga tapos late rin naman pala tayo makakapunta dahil kay Tita Maisy," maktol ni Cy kay Grandma.
Halata mo talaga na antok pa ang mga ito dahil sa mapupungay na mga mata.
Si Brix naman ay nanatiling tahimik habang hawak-hawak ang libro niya at may nakakabit din na headset sa kaniyang tainga.
Hindi ba sila aware na nandito sa loob ng sasakyan si Brix para pagsalitaan ng ganoon si Tita Maisy o baka normal lang sa kanila ang ganito...?
"Nasaan si Heina?" biglang tanong ni Grandma.
"Bakit po?" tanong ko.
Lahat naman ng mata ay nakatingin sa akin kaya medyo na-awkward-an naman ako ngunit nalipat ang mata nila sa natutulog na si Gyu sa aking balikat.
"Nagpuyat na naman ba si Gyu?" tanong ni Grandma.
Nakita kong ngumisi si Cy. "Lagi naman. Hindi ka pa ba nasanay, La?" tanong nito sa kaniya.
Umiling-iling na lang si Grandma, "Hindi ka ba naiinitan diyan, apo?" tanong sa akin nito.
"Hindi naman po. Huwag na po kayong mag-alala," saad ko rito.
Tumango ito at nanahimik na naman ang sasakyan.
Nakita ko na pasulyap-sulyap si Lance sa rear mirror kaya hindi ko naiwasan na tanungin ito.
"May problema ba, Lance?"
Umiling ito.
Nakita ko na napatingin sa amin si Leo at Lawrence ngunit hindi ko na lang ito pinansin.
Naghikab ako at saka sumandal sa ulo ni Gyu para makatulog din.
Nagising ako nang may mahinang sumasampal-sampal sa aking pisngi.
Pagtingin ko ay si Gyu pala ito. Sa pagkakataong ito ay ako na ang nakasandal sa balikat niya.
"Bangon na. Lumabas na silang lahat," saad nito.
Inalalayan naman niya ako makababa ng van dahil kagigising ko lang.
Tila pati kaluluwa ko ay nagising nang makitang nasa airport kami.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya dahil nauna ng naglakad sila.
"Hindi ko rin alam pero may naisip akong mas maganda ideya," sabi niya at tinaas-baba ang kilay.
Ngumisi ako. "I love your idea!" saad ko rito.
Ngumisi rin siya at naghawak kamay kami at saka sabay na tumakbo. Nakita ko ang gulat na gulat na ekspresiyon nila lalo na si Lola nang makitang tumatakbo kami.
Dahan-dahan at inalalayan niya ulit ako pag-akyat sa eroplano.
"Bakit tayo lang ang pasahero rito?" takang tanong ko.
He chuckled. "Private plane natin 'to," he said.
I nodded.
Pareho kaming naupo sa unahan. Tumabi ulit siya sa akin kahit na may iba pa namang puwesto.
"Pwede ka naman doon, oh?" Tinuro ko ang katapat kong upuan.
"Ayoko. Mas masarap matulog sa balikat mo," saad nito.
Umiling-iling na lang ako at nilabas ang cellphone.
"Tara, picture tayo!" anyaya ko sa kaniya.
Iba't ibang poses ang ginawa namin kaya naparami rin ang litrato. Natigil lang kami sa pag-picture nang mag-pop up ang message ni Uno.
"Who's Uno?" tanong nito sa akin.
Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kaniya dahil ang titig nito ay parang tumatagos sa kaluluwa ko.
"Ah, f-friend of mine," saad ko.
Tumaas ang kilay niya. "Do friends reply ‘don't chat with me anymore. You're disturbing me’, huh? Do friends do that?"
Natigil ako dahil sa tanong niya. Nakita niya pala 'yon...
Tahimik kaming dalawa nang pumasok sila sa eroplano ngunit magkatabi pa rin kami.
"Oh, bakit ang tahimik niyo yata?" tanong ni Lola ngunit walang sumagot.
Nakatingin lang ako sa bintana habang siya ay nakasandal sa balikat ko.
"Where are we going?" Brix asked.
"Palawan. You all can sleep if you want. The trip might take half a day," she said.
Tumango na lamang si Brix.
Ako naman ay nagulat nang sabihin niya iyon. Hindi ko inaasahan iyon dahil akala ko ay malapit lang ang pupuntahan namin. Kaya naman pala kami ginising ng kaaga-aga. Pero ang tanong ay ano ang gagawin namin doon...?
Sumandal ulit ako sa ulo ni Gyu dahil medyo nangangalay na ako.
Bumulong ito. "Ayokong mangiilam kung ano ang mayroon sa inyong dalawa ng Uno na 'yan pero ayokong naghahabol ka sa taong hindi ka naman gusto. Tao ka, Heina... hindi ka aso," saad nito.
Lahat ng sinabi niya ay tila tumagos sa aking kaluluwa. Tama naman talaga ang lahat ng sinabi niya...
Nagmumukha na akong aso sa paghahabol sa taong tinulungan ko at tinalikuran din ako...
Binuksan ko ang cellphone ko at binasa ang message niya. Alam kong nababasa ni Gyu ang lahat ng messages ko ngayon kay Uno dahil alam kong hindi naman siya tulog.
Tama nga si Gyu. Iyon nga ang sinabi ni Uno...
I typed, 'fine. Thank you for happy memories,' and after that, I sent it to him.
I murmured, "This is the last time that I will look st*pid to him."
"Yes, that's my cousin," Gyu proudly said.
"Hindi ako makatulog sa bulungan niyo!" sigaw sa amin ni Lawrence.
"E 'di, huwag ka matulog," sabay sa sabi namin ni Gyu kaya nagkatinginan naman kami at sabay na tumawa.
"Mga apo, ayos lang ba kayo riyan?" tanong sa amin ni Lola.
"Yes po," sagot namin ni Gyu.
"Hindi, La. Gusto ko rin matulog sa balikat ni Heina," pagmamaktol ni Cy.
Umiling na lang si Lola ganoon din si Leo.
"What does it feel sleeping with Heinas' shoulder?" Grandma's sarcastic question.
"It felt like you're in the clouds. I want to sleep here forever," Gyu said. You can hear in his voice that he wants to tease the others.
"Lola, oh!" sigaw ni Cy at nagmamaktol.
Nakita ko naman ang kambal na kumakain na naman kaya napailing-iling ako.
'Yan kasi ang bonding nilang dalawa. Ang kumain nang kumain.
Tumayo ako kaya napatingin naman sa akin si Gyu.
"Why?" tanong nito.
"Lipat tayo roon." Tinuro ko ang nasa kanan na bahagi kung saan may tatlong upuan.
Sinunod naman niya ang sinabi ko. Sa pagkakataong ito ay siya na mismo ang pinaupo ko sa may bintana.
"Cy, come here!" tawag ko rito.
Agad nagliwanag ang mukha niya at tumakbong lumapit sa amin. Tumabi siya sa akin kaya dalawa na silang nakasandal sa aking balikat.
"Why did you let him lean on your shoulder?" pagmamaktol naman ni Gyu.
Tumawa na lang ako. "Just let him."
"Hey! Hindi naman ikaw si Heina, ah? Ano ka? Desisyon?" sabat naman ni Cy.
"Hindi lang desisyon. Batas ako!" sigaw naman nito.
"Aba—"
"Tigil na, guys. Kung ayaw niyong lumipat ako ng upuan. At saka may natutulog," saad ko sa kanila.
Agad naman silang nanahimik at sumandal na ulit sa balikat ko.
Parehas kong tinapik ang kanilang ulo.
Kung tutuusin ay si Cy ang bunso sa aming magpipinsan na lalaki at si Gyu naman ang sumunod sa kaniya ngunit sa pangkalahatan ay ako talaga ang bunso.
Gusto ko sila i-spoil sa kahit anong gusto nila dahil alam kong nasanay na sila sa ganoon bago pa man ako dumating sa buhay nila.
"Lance, pwede pakiabot noong headphones?" tanong ko rito.
Siya kasi ang nasa unahan ng upuan namin at saka naiwan ko ang headphones sa inupuan namin ni Gyu. Hindi naman ako pwedeng tumayo dahil baka magising itong dalawa.
Agad siyang tumayo at binigay ito sa akin. Nang makita na nahihirapan akong isuot ito ay siya na rin mismo ang nagsuot sa akin nito.
"Salamat," saad ko sa kaniya.
"No problem." Bumalik siya sa kaniyang upuan at saka sumandal ulit.
Ako naman ay nagpatugtog ng kanta at hindi nagtagal ay nakatulog na ako.
Nagising ako nang may parang flash ng ilaw ang tumama sa aking mukha. Samahan mo pa ng tunog ng camera.
Pagmulat ko ng mata ay nakita ko ang kambal na nakangiti ng awkward.
"Bakit?" tanong ko sa kanila.
"Ah, wala. Pasensya na kung nagising ka namin," sabi ni Lawrence.
Tumango na lang ako.
Sumandal ako sa ulo ni Cy ngunit kahit anong balak kong ibalik ang antok ko ay hindi ko na magawa.
Kumuha ako ng pagkain na nasa tapat lang namin kaya hindi ako nahirapan na abutin ito.
Isa itong strawberry cake.
Nagulat ako nang biglang bumangon si Gyu.
"Pasensya na. Nagising ba kita?" tanong ko rito.
"Hindi naman," saad nito. Binuka niya ang kaniyang bibig at umakto na gusto niya rin ng cake kaya kinuha ko naman ang isa pang kutsara at iyon ang ginamit pang subo sa kaniya.
Pagkatapos niyang lunukin ito ay sumandal ulit siya sa aking balikat at natulog.
Nagulat man ako ngunit umiling-iling na lang. Pagkatapos kumain ay binuksan ko ang cellphone.
Bubuksan ko sana ang data ngunit naalala ko na naka-airplane mode nga pala ito.
Kumuha na lang ulit ako ng litrato sa ulap at saka litrato naming tatlo habang tulog silang dalawa.
Nakarami pa ako ng kuha ng litrato kaya natatawa ako habang tinitignan ang mga ito. Ang epic kasi ng itsura nila ngunit pogi pa rin.
"Naks! Pogi ko pala matulog," saad ni Cy.
Napahawak naman ako sa dibdib dahil sa biglaang pagsasalita niya.
Tumawa siya.
I hushed. "Huwag kang maingay. Natutulog si Gyu."
Sinunod naman niya ang sinabi ko at kumain din siya. Kinuhaan ko pa siya ng litrato habang kumakain. Nag-picture rin kaming dalawa.
Siya naman ay ni-picture ang buong eroplano dahil sa hiling ko. Naka-ilang kuha pa ito bago bumalik sa upuan niya.
Natatawa siyang tinignan ang picture.
"Patingin nga," saad ko rito.
Binigay niya sa akin ang cellphone at ganoon na lang ang impit na tawa ko nang makita na nakuhaan ng epic na litrato si Lance at Lawrence.
Si Cy naman ay hindi na napigilan tumawa nang malakas.
"Shh!" sigaw ni Lola kaya natigil kami sa pagtawa.
Ngunit nang magkatinginan kami ay bumalik na naman ang tawa namin ngunit impit na tawa na lamang ito.