Chapter 25

1616 Words
Nang umalis siya ay nagpatuloy lang ako sa pagtingin ng mga nakasabit na frame na nandito. Puro family frame lang nila ang nandito hanggang sa matigil ako sa paglalakad dahil may pamilyar akong nakita. Nang tingnan ko ito nang mabuti ay nanlaki ang aking mga mata. It's our family frame with the twins... Napangiti ako nang makita ko na hawak-hawak ko si Heino samantalang nakaakbay sa akin si Lance habang si Lawrence naman ay nakahawak sa aking kamay. Sina Mom, Dad, Tito, and Tita ay nasa likod namin. Hindi ko na matandaan kung kailan kami kinuhaan ng ganitong litrato dahil mukhang 3 years old pa lang ako rito. I remembered everything... "Heina, right?" tawag sa akin ng kung sino. Pagtingin ko ay si Tita Maisy pala. "Yes po. Why, Tita?" I asked politely. She looked at me with those gross stares. "Yikes! Don't call me Tita," she said. "Then, what do you want me to call you?" I asked. "Tsk. You don't have manners!" she shouted. Nanlaki ang aking mga mata. Ayaw niyang tawagin ko siyang Tita tapos tatawagin ako na walang galang?! "But you said that I shouldn't call you Tita?" naguguluhan na taong ko rito. "Anyway, no matter what happen, being an heir doesn't suit you," she said and faced her back to me. I sighed. Bumaba na lang ako sa sala at nakita ko sila na naroroon. Si Brix na nagbabasa na naman ng libro habang suot-suot ang salamin niya. Si Leo na nagbabasa ng newspaper. Si Gyu at Cy na naglalaro ng chess habang si Lance at Lawrence ay nag-aaway na naman. "Akin 'yan!" sigaw ni Lance. "Anong sa 'yo?! Ako ang nauna rito!" sigaw din ni Lawrence. Bumuntong hininga ako. Lumapit ako kay Lawrence at kinuha ang isang mansanas at saka kinagatan ito. "Sa amin 'yan!" sigaw nilang dalawa. "Oh, e 'di nagkasundo rin kayo?!" sarkastikong saad ko sa kanila at tumalikod. Umupo ako sa tabi ni Brix kaya agad naman itong napatingin sa akin. "Sorry, did I interrupted you?" I asked. "No, it's fine." Kinuha niya rin ang mansanas at kinagatan ito. "Pwede ka naman kumuha roon sa kusina kung gusto mo kumain nito," sabi ko sa kaniya ngunit nagpatuloy na siya sa pagbabasa. "Hindi ka ba nahihilo kapag binabasa 'yan?" tanong ko rito. Hindi ko kasi matagalan ang tahimik na paligid kaya hangga't maaari ay gusto ko ng kausap. Ang kambal kasi ay nandoon sa kusina at kumakain na naman. Umiling siya. "You will get used to these if you always read," sabi niya. Tumango-tango na lang ako. "Kahit anong basa ko, wala talaga akong maintindihan," saad ko rito. He giggled. "Let's go," he said. "Huh?" I confusedly asked. "I'll teach you some. We will start from easy step, so that you can proceed to another step. I'll teach you step by step," he said and laid his hand. I accepted it and we both went upstairs. Nang buksan niya ang kaniyang kwarto ay nanlaki ang mata ko. Puno ito ng koleksyon ng iba't ibang libro. "Do you like collecting them?" I asked out of shocked. "Not really. I already read all of them but I don't know where to put them so I just put it there," he said. Sinara niya ang pinto at ako naman ay naupo sa kama niya. Amoy na amoy ang pabango niya kahit sa pagpasok pa lang ng kwarto. May kinuha siyang maliit na libro ngunit makapal ito. "You will read this," he said.. "Lahat 'yan?!" gulat na tanong ko rito. He nodded. "You will read this for one day." I looked at him unbelievably. "Luh? Baka mag-pass out ako niyan," biro ko rito. Umiling-iling naman siya at tumawa. "Just kidding." Umupo rin siya sa kama at nagsimula na magbuklat ng libro. "Hindi ko pa binabasa pero nahihilo na agad ako," sabi ko sa kaniya. He putted his index finger to my forehead and shook his head. "Let's start?" he asked and I nodded. Sa loob ng isang oras na pagbabasa namin ay marami na agad akong natutunan. Hindi naman ito gaano kahirap intindihin gaya ng binabasa niya kanina. "Let's take a break," saad nito. "Finally!" sigaw ko at nag-stretch ng katawan. "Hindi lang pala utak ang sumakit sa akin, pati rin katawan," saad ko. Tumawa lamang ito. Tumalon siya mula sa kama at may kinuhang tray sa study table niya. "Eat this," aniya. "Baka may lason iyan, ha," pagbibiro ko. "Nagpakuha ako ng pagkain kanina sa maid. Hindi ko naman alam ang paborito mo kaya tinanong ko kay Lance," sabi nito at binigay sa akin ang strawberry at fresh milk. "Thank you—Uh? How about you? Anong kakainin mo?" tanong ko rito. "I'm full." Tumaas ang aking kilay. "Ay, sus! Ito, sa 'yo na 'yan." Binigay ko sa kaniya ang ibang strawberry. "But you need to eat this," aniya. "Sa tingin mo ba ay kaya ko 'yan ubusin lahat? At saka, kailangan mo rin kumain nito. Kailangan malakas at malusog tayo sa lahat ng oras," saad ko at umakto pa na nagbubuhat ng dumbbell. Ngumiti na lamang ito at saka kumain na rin. Tahimik kaming kumakain hanggang sa nagsalita si Brix. "Did Grandma already told you about that?" he asked. I suddenly stopped drinking and swallowed it. I know what he meant... "Ah, yeah..." "What do you think about it?" tanong nito. Tumingin ako sa kaniya. "Hindi ko alam. Marami pa rin akong katanungan sa aking isipan," saad ko sa kaniya. "Tell it to me then. We will solve that question," he said and smiled. I smiled at him too and leaned on his lap while he's leaning on the bed's headboard. "Why me?" pasimula kong tanong sa kaniya. "Why you? There's a reason for it and I know, even Grandma still didn't say the reason to us... I know that you really deserve that," he said and started patting my head. When he looked at me, he giggled. "Why?" tanong ko sa kaniya. Nagulat ako nang nilagay niya ang kaniyang hinlalaki sa dulo ng aking labi. "You have milk on your face," he said. Hinawakan ko naman ito. "Mayroon pa ba?" tanong ko sa kaniya. He shook his head. "I already removed it. You can start telling me your question again," he said. I took a deep sighed. "Kaya ba nila ako laging hinahabol dahil gusto lang nila na ako ang maghawak ng kumpanya?" tanong ko rito. He continued patting my head. "Of course not and it will never be. Grandma wanted us to be together, so that we won't be awkward and we can bond with each other," he said. "I hope that's the real reason..." "Look at me, Heina," he said. I followed his command and looked at him. "We love you no matter what happens. And if you're having a hard time dealing with your problems, you can share it with me. So, we can deal with it together," he seriously said. I giggled. "Salamat, Brix." "Let's continue reading later or tomorrow. You need to relax your brain so it won't be overwhelming," he said. I nodded. Nagkwentuhan pa kami ng kung anu-ano at hindi na napansin ang oras. Hanggang sa makatulog kami. Lance POV; "Nasaan si Brix at Heina?" tanong ko sa kanila. Pagkatapos kasi namin magtalo at kumain ni kambal ay bigla silang nawala sa sala. "I don't know," Gyu said. "Just check the house, dude," Cy said. I glared at him. "Hoy, ikaw na ibon ka! Sa tingin mo ba ay kaya ko ito libutin ng isang araw?!" I shouted at him. Natigil siya sa paglalaro at saka tumingin ng masama sa akin. "Aba—" "Dude, malapit ka ng matalo," saad ni kambal sa kaniya kaya hindi naituloy ang rant niya sa akin. Nag-apir kaming dalawa ni kambal. Lumapit ako kay Leo at saka nagtanong, "Leo, nasa—" "Upstairs, Brix's room," he said coldly. "Salamat," sagot ko rito. Umiling-iling na lang ako. Kahit papaano ay nasanay na rin naman kasi kami na ganiyan ang akto niya. Nang mag-process sa akin ang sinabi niya ay agad akong tumakbo papuntang kwarto ni Brix. Agad ko itong binuksan at sa kung anong dahilan ay agad nag-init ang aking mukha. Nakita ko si Heina at Brix na tulog habag magkayakap... Normal naman ito dahil mahilig naman talaga sa yakap si Heina pero naiinis ako at hindi ko alam ang dahilan. Hindi ko naman pwedeng gisingin si Brix dahil pwedeng magising si Heina kaya dahan-dahan kong sinara ang pinto at saka nagsusuntok sa hangin pagkasara nito. "Jealousy," I heard my twin said. I glared at him. He shook his head and entered his room. I also entered mine and shouted... Hindi naman ako nag-aalala na marinig nila iyon dahil lahat ng kwarto rito ay soundproof. Napagigitnaan din ng kwarto namin ang kwarto ni Heina at sa tapat nito ang kwarto ni Brix. Katabi naman ng kwarto ni Brix ay kina Leo, Cy, at Gyu. Ako ang nag-request kay Grandma na tabi na lang kami ng kwarto ni Heina. Noong una ay ayaw niya ngunit napapayag ko rin naman ito. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Leo. "Anong kailangan mo?" tanong ko rito. Bumuntong hininga ako at saka inayos ang buhok at damit ko. Sumandal siya sa pinto at ngumisi. "You know you can't, Lance. Get out of that sh*t imagination." I glared at him too. "Let me love her until my feelings finally fade away." Umiling-iling ito at saka pumasok na sa kwarto niya. Sinara ko ang pinto at ni-lock ito. Tumalon ako sa kama at bumuntong hininga. I know loving her is a sin but I can't help it... I'll be the greatest sinner until my own angel finds me...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD