I DON’T believe this! He’s freakin’ late! Ngitngit na ngitngit si Charlotte habang nasa isang restaurant. Hindi niya akalaing latecomer ang kanyang date. Minus one thousand pogi points ito sa kanya. Kahit hindi pa niya ito nakikita, na-turn off na siya rito. Babae lamang ang may karapatang ma-late sa isang date. Nagugutom na rin siya ngunit hindi siya maka-order dahil wala pa ang date niya. Sana ay dumating na ang lalaking iyon bago pa siya malipasan ng gutom. Luminga siya sa paligid. Maganda ang restaurant na napili ng mga magulang nila ng ka-date niya. Tahimik at maganda ang ambiance doon. Napabuga siya ng hangin. Nababagot na talaga siya. Nagsisisi na siya kung bakit siya pumayag sa blind date na iyon. She knew it was a bad idea from the very beginning. Kung bakit kasi pumasok iyon

