LUMABI si Charlotte nang lumipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin sumasagot si Scott sa huling mensaheng ipinadala niya rito. Anong tuwa niya kanina nang mabilis na sinagot nito ang mail niya. Lalo siyang natuwa nang yayain siya nito sa chat. Iyon ang unang pagkakataong hinayaan nitong makapag-usap sila nang ganoon. Hindi nga niya akalaing sasagot ito sa mail niya. Siguro ay nag-uumpisa na itong magsawa sa sitwasyon nila. Marahil ay hindi masamang umasa siya na isa sa mga araw na iyon ay makikilala na niya ang lalaki na naging malaking parte ng buhay niya kahit hindi pa niya ito nakikita. Napatingin na lang siya sa crush niya. Mukhang abala ito sa pakikinig sa sinasabi ng ka-date nito. Mabuti pa ito ay hinahayaan nito ang ka-date nitong magsalita, samantalang si Romeo ay hindi man

