Chapter 47

1317 Words

"SIR, nakahanda na ang meryenda sa loob. Dadalhin ko na rito?" "Hindi na, Manang. Ako na lang ang kukuha." Naiwan niya kasi ang cellphone sa kuwarto at balak na rin niyang kunin. Magkaakbay na naglakad na muna sila ni Yanah pabalik sa cottage na pinagtambayan nila kanina. Alas-kuwatro na niyon ng hapon kaya hindi na masyadong masakit sa balat ang araw. Pagkagising pa lang nila matapos umidlip ulit pagkatapos magpananghalian ay tinupad niya ang pangakong ipapasyal ito sa beach. And he loved seeing in Yanah's eyes how much she enjoyed the place. Siyempre, kasama ang kaniyang presensya. "Dito ka lang muna. Kukunin ko lang ang phone. Pati 'yong niluto ni Manang Estella." "Sige," anito nang makaupo na sa pahabang upuan. "Sandali lang ako." Awtomatikong parang naka-program sa sistema n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD