Chapter 46

1745 Words

"LET'S go, Yanah." Pagbukas ni Stanli ng pinto ay nakalahad na ang kamay nito para abutin ni Yanah. Pero ilang segundo muna siyang tila hindi ito nakikita dahil patuloy na lumilibot ang mga mata niya sa paligid. Sa ubod nang laking bahay -- mansyon -- na nakatirik sa harapan nila. Sa malawak nitong hardin at sa asul na asul na karagatang natatanaw niya sa 'di kalayuan. Inabot sila ng halos apat oras na biyahe na hindi niya alam ang kanilang pupuntahan dahil hindi sinasabi sa kaniya ni Stanli. Ang tangi lang nitong bukambibig ay magugustuhan daw niya iyon. Madaling araw silang umalis sa bahay nito sa Maynila at dahil madilim pa ang buong paligid, hindi siya nagka-idea kung saan ang tungo nila. Tatawagan na lang daw nito si Melissa para ipaalam dito na umalis sila ng bahay. May emergency

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD