"DITO.." Narinig niyang wika ni Stanli bago nito inihinto ang sasakyan. Luminga-linga ito sa paligid at nang may makitang mapagpa-park-ingan ay i-p-in-ark nito ang sasakyan. "H-Hindi pa tayo uuwi?" nagtatakang tanong ni Yanah. Pinatay na muna ni Stanli ang makina ng sasakyan bago nakangiting tumingin sa kaniya. "Masyado pang maaga." Bumaba na ito. Agad itong gumilid para sana pagbuksan siya. Ngunit bago pa ito makarating sa tapat niya ay nabuksana na niya ang pinto. "Come," sabi na lang ni Stanli saka naglahad ng kamay sa harap niya. And once again, Yanah felt like a princess nang alalayan nitong makababa hanggang sa igaya nito ang kamay niya upang ikawit sa braso nito. "A-Ano ba'ng lugar 'to?" maang pa rin niyang tanong habang naglilikot ang mga mata sa paligid. Parang parke ang

