MABILIS lumipas ang mga araw. At sa mga araw na lumipas na 'yon, naging masaya at memorable ang mga nangyari sa buhay ni Yanah. Mas naging malapit sila ni Sir Li sa isa't isa at unti-unti na rin siyang nagiging komportable na kasama ito. Hindi na siya masyadong nangingiming magsalita at makipag-usap dito nang nakatingin sa mga mata nito. Nakakasakay na rin siya kapag nagbibiro ito. And they kept on making love a lot. Minsan, doon siya sa silid nito nakakatulog. Pero may isang bagay na iknatatakot si Yanah na itanong kay Sir Li. Kung... ano ba'ng klaseng relasyon ang mayroon sila? Parang kahit siya ay hindi maatim na matawag bilang nobya nito. Dahil totoo namang parang napaka-imposible. Tiyak na kung may makakaalam man niyon tungkol sa kanila, panigurado siya na pagtatawanan siya ng mg

