"B-BAKIT nandito po tayo?" tanong ni Yanah habang inililibot ang tingin sa paligid. Nasa tuktok na bahagi sila ng building, sa rooftap. Sa taas ng kinaroroonan nila ay kitang-kita niya ang buong Manila. Napakaganda pa lang magmasid doon dahil sa iba't ibang ilaw na nakikita niya sa ibaba. Pati ang buong traffic ay natatanaw niya. Pero bakit nga ba siya roon dinala ni Sir Li? Akala ba niya ay kakain sila? "Good evening, Sir!" Napalingon siya sa nagsalita. Dalawang naka-uniform na lalaki ang lumabas mula sa elevator at may dalang tray ang mga ito. Sa kabilang dulong bahagi ng rooftap ay saka niya lang napansin ang isang mesa na may dalawang upuan. May disenyo ang mesa na mga bula-bulaklak. May kandelabra pa ngunit imbes na totoong apoy ay lightbulb ang gamit. Pero kung pagmamasdan mong ma

