WHILE waiting for Yanah, inihanda ni Stanli ang mga 'kailangan.' A bottle of champagne and two glasses. He also had two slices of cake prepared na nakalagay sa tag-isang platito. Kanina pa siya pabalik-balik sa loob. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas si Yanah. May problema kaya? But he wanted to give her a lot of time kaya naupo na lang siya sa upuan at naghintay. His phone rang later on. Agad niya iyong sinagot nang makita ang caller. "Mommy?" aniya sa kabilang linya. "Oh, iho, kumusta ka na? I'm sorry at ngayon lang ako ulit nakatawag. I've been so busy... Hmmm.. Alam mo na. Ito kasing si Dave. I really want to come and visit you kaya lang, gusto pa naming sulitin ang vacation namin. I hope you understand." "It's okay, Mommy. I understand. I-enjoy n'yo lang ang bakasyon

