NANG magising si Stanli ay naramdaman niya ang mainit na brasong nakapulupot sa kaniyang katawan. Bahagya pa siyang nasilaw nang tumama ang sikat ng araw mula sa bintana kaya muli siyang napapikit. Pagkuwa'y naramdaman niya na gumalaw ang brasong nakayakap sa kaniya. Mas humigpit ang pagkakayakap niyon kaya lalong naharang ang kaniyang akmang paggalaw. Yanah... Dito pala siya sa silid nito nakatulog. Sa sobrang pagod niya kagabi, nawala na isip niya ang lumipat sa kaniyang kuwarto matapos ang mga nangyari. Hindi sila nakatulog agad noong una, dahil nasundan pa iyon. Hanggang abutin ng madaling araw. Kapwa pa rin sila nakahubad sa ilalim ng kumot. Nang tumagilid siya upang humarap kay Yanah, hindi sinasadyang nahila ang bahaging tumatakip sa katawan nito. And there he saw her fully naked

