Blennise POV
Its been two weeks since the day na tumakas ako palabas ng kwarto niya sa office niya. Hindi na ako bumalik pang muli sa kompanya niya. Hanggang ngayon ay labis parin ang galit ko dahil sa ginawa niya saakin at ni hindi man lang niya pinagsisihan ang ginawa niya sakin.
Pagkalabas ko nang kwarto ay nabungaran ko si Rogue na nakaupo sa upuan sa loob ng bahay.
"Oh ikaw pala may kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya at pansin ko na bihis na bihis ito.
Ngumiti muna ito saakin bago magsalita "Gusto lang sana kitang ayaing mamasyal namiss kita eh" saad niya na halatang nahihiya pa dahil napapakamot ito sa may batok niya.
Napangiti naman ako kasi namiss ko rin siya "sige ba gusto ko ring maglibot libot dito sa probinsya natin. Gusto ko rin makasamyo ng sariwang hangin kasi doon sa syudad ay masyadong mausok" saad ko kaya napangiti rin ito.
Nagpaalam ako sa kanya na maliligo muna ako at mag aayos.
Halos mga 30 minutes inabot ang pagligo at pag ayos ko ng sarili ko. Nang lumabas na ako ng kwarto ay kaagad kaming gumayak ni Rogue.
Umakbay pa ito saakin na kadalasan naman talaga niyang ginagawa nung mga panahong di pa ako pumupunta ng syudad at namiss ko rin ang kakulitan ng lalaking ito.
"Alam mo ba kahapon lang ay pinag awayan ako nina Blaire at Sanya" pagkekwento niya saakin tungkol sa mga katrabaho niya sa pinapasukan niyang Call Center. Actually gwapo naman kasi itong si Rogue at masasabi kong habulin talaga ito ng chicks....kaya hindi na ako nagulat na pag awayan siya ng mga kababaihan.
"Ang yabang ah" sabi ko na lamang na may halong pang aasar sa kanya.
Ginulo naman ang buhok ko nito sabay sabing "Ah ganon ah"
Nang makarating kami sa bayan ay marami kaming pinuntahan ni Rogue matao dito sa bayan namin at masasabi kong maliit lamang ito kaysa sa syudad pero mas maganda dito.
Sumakay kami ng mga rides doon sa peryahan at kumain kami ng street foods dahil namiss kong kumain nito si Rogue lahat ang gumasto. Kaya pala galante dahil bahong sweldo ang mokong. Binilhan niya pa nga ko ng damit na kaparehas ng sa kanya para ngang couple shirt eh.
"Oh ayan sayo bagay na bagay sayo iyan mas lalo kang gumaganda" saad niya pero hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi dahil parang bulong na lang ito gayunpaman ay hindi ko na ito inusisa pa at binayaran na niya ang damit namin.
Pumunta din kami sa mall at naglaro at nagselfie selfie kami at naglaro kami ng mga games sa mall at halos lahat ng nadadaanan namin ay napapatingin sa kasama ko dahil gwapo ito.
Ang huli naming ginawa ay nanood ng sine at labis ang drama ko dun halos magusot at mabasa na nga ang damit ni Rogue dahil sa pagpupunas ko ng luha.
Kumain kami sa karinderya bago niya ako hinatid sa bahay "Salamat Rogue ha dahil pinasaya mo ako ngayon" saad ko sa kanya habang nakangiti at nakita ko naman siyang napangiti rin.
"Ano ka ba naman syempre gusto ko lagi kang masaya ang ganda mo kaya pagnakangiti" iyan na naman ang sinaad niya na hindi ko narinig ang sinabi niya sa hulihan.
"Ha ano yung huli mong sinabi?" tanong ko sa kanya at nakita kong medyo namula ang tenga niya at napakamot siya sa kilay niya.
"W-wala sabi ko magpahinga kana kita nalang tayo bukas ha" saad niya at ginulo pa ang buhok ko hindi ko alam pero yinakap ko siya ng mga oras na iyon. Alam kong nabigla rin siya sa pagyakap ko pero kaagad naman niya akong yinakap pabalik. Siguro dahil ngayon ko lang ulit naranasan maging masaya at dahil iyon sa kanya.
Nang kumalas na kami sa pagkakayakap ay ako naman ang nabigla dahil hinalikan niya ang noo ko kaya medyo naestatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagkabigla sa ginawa niya.
Nakabalik lamang ako sa huwisyo ng magpaalam na ito at bukas daw ay pumunta ako sa bahay nila ni lola pasing dahil tiyak daw na miss na miss na ako niyon.
Nang makaalis si Rogue ay papasok na sana ako nang marinig ko ang isang boses sa aking likuran na nagpatindig ng balahibo ko "so kaya pala bigla kana lang nawala dahil may lalaki ka nang iba" saad ng malalim na boses sa aking likuran na halatang nakainom ito dahil sa pananalita nito.
Humarap naman ako sa kanya at kitang kita ko ang sabog niyang buhok at lukot lukot na long sleeves at nakabukas pa ang tatlong butones sa itaas.
Kahit natatakot ako dahil sa presensya niya ay naglakas loob akong magsalita "Bakit ka nandito? Ano pa bang kailangan mo at tsaka wala akong alam sa pinagsasabi mo?" mahinahon kong tanong sa kanya.
Napaatras ako ng masuray suray itong lumapit saakin pero nang wala na akong maatrasan ay nakorner na niya ako. Langhap na langhap ko ang amoy ng wine sa kanya pero hindi ito nasapawan ang mabango niyang amoy.
Kitang kita ko sa mga mata niya na nahihirapan ang kalooban niya pero bakit? ano ba talaga ang problema niya at pati dito sa probinsya namin ay natunton niya akot nahanap.
Napasinghap ako ng hawakan niya ang braso ko kaya agad akong nagpumiglas dahil naalala ko na naman ang ginawa niya saakin kaya awtomatikong naglandas ang mga luha sa aking pisngi at naghihikbi ako.
Pinatahan naman niya ako pero hindi parin ako tumatahan dahil palagi akong binabagabag ng ginawa niya saakin nq hindi ko matanggap kong bakit niya iyon nagawa saakin at hindi ko malaman ang rason niya para magawa niya ang ganon saakin.
"Sssshhhhh I'm so sorry if I'm being an asshole to you even If I treadle your pride by making those shits. I can't handle my emotions that time. I'm very timid especially when I see you with Matt. I dont want him to go near with you because I know he like you and he might gonna take you away from me. So nagawa ko iyon because thats the only option that pop out in my head. All I want you is for myself" saad niya at dun ko nakita na sobrang sincere ng dati'y malalamig niyang mga mata at dun ko lang din nakita na lumuha ang parang pusong bato naming boss.
Hindi agad ako nakaimik bagamat hindi ko masyadong maintindihan ang sinabi niya dahil nasa analyzing state pa ako.
Naramdaman ko na lamang ang yakap niya saakin hindi alam pero that time ay hindi takot ang naramdaman ko sa pagyakap niya kundi safety. Pakiramdam ko safe ako sa mga yakap niya.
"Please dont hate me that much because I cant stand to be hate by special someone I adored the most" saad niya na mas lalong nagpaconfused saakin kasi aminin ko man sa hindi ay affected ako sa mga sinabi niya and Its kinda confusing for me.
Naramdaman ko na lamang ang pagbigat ng katawan niyang makayakap saakin "Haiiissstttt tinulugan pa ako ng damuho" saad ko kaya kahit hirap na hirap at bigat na bigat ako sa kanya ay inakay ko siya sa loob ng bahay ko at inasikaso.
Tomorrow we will gonna clear this things out coz for now its a tiring day saad ko sa sa isip ko at nahiga na sa katabi niya at agad naman akong nakatulog dahil sa pagod.