OBP 24- Jacket

2158 Words
OBP 24 DANA Katatapos lang ng wedding entourage dance. Enjoy naman talaga. Atleast totoong si Mimah na ang partner ko. hehe. Naalala ko 'yong nag-iisang picture namin nung little bride siya kaya inaya ko siya sa photobooth. Angdaming wacky pics naman. Binigay ko sa kanya ang isang copy. "Oh atleast malinaw na sa alaala natin 'tong kasal." Biro ko sa kanya. "Naks, niligtas ulit kita Mimah. Dapat happy ka." "Next time sabihan mo ako para hindi ako magugulat." "Ang mga ganung plano dapat konti lang ng nakakaalam. Top secret. Huwag natin pag-usapan. Baka may makarinig." Binalikan ko na sina Gia pagkahatid ko kay Mimah sa table nila. Hindi pa tapos ang duty. Inaantok na ako! Hindi ko maiwasang humikab. Haha! "'Tol, konti na lang makakaalis na tayo." sabi ni Gia. "Tiis-tiis na muna." Tinanguan ko lang siya. Mahirap rin pala 'tong maging bodyguard. Mula kanina e nakatayo na kami. Lilibot-libot sa venue. Masakit sa binti. Buti sa kasal kanina nakarelak ako very slight. Pero isa pang problema, gutom na ako! Haha! Tanaw ko mula dito si Mimah. Mas okay na siya kaysa kanina sa bago magsimula ang ceremony. Very bright idea talaga ang LBM. Haha. At very nice din na may ilang grooms men na may galit din kay Sherwin. Sobrang piece of cake ang pang-uuto sa kanya ng ibang boys. Masama man ang ginawa namin, e sorry na. hehe. Ang importante naman e walang namatay! Hahaha! Slight LBM lang. --- Bandang 9:00 na nang makahayahay kami nina Gia. Napakasakit ng paa ko! My gosh! Tumuloy kami sa isang room na ni-reserve ni Tita Zai para sa amin. "Ano? Itutuloy mo pa ang pagpapa-enlist?" may halong pag-uusig na tanong ni Tita. "Kaya pa?" "Tita naman..." napahawak ako sa binti ko kumikirot e. "Pumayag ka bang magpa-enlist ako para makonsensya ako?" "Oo. At hindi lang 'yan ang aabutin mo Dana. Hindi lang ganyan ang trabaho ng mga agents kaya mag-isip-isip ka." Hindi na ako umimik. Nagpaalam kasi ako sa kanya na susubukan ko ang trabaho ng mga agents. Kahit yung pinakasimpleng duty lang. Nagkataon na ito ang pinakamalapi na schedule kaya pinalista niya ako agad. Gusto lang pala akong parusahan at bantayan! At sa sinabi kong bantayan hindi nakalusot ang pag-eksena ko kanina sa kasal. Hehe. Walang nakakalusot sa mga mata ni Tita Zai! Kanina pa nga niya ako pinapaamin e. "Tita, wala nga po. E alangan naman yaan ko siya maglakad dun mag-isa. Saka hindi pa naman ako full fledge agent kaya pwede ko 'yon gawin 'di ba?" hehehe. Ofcourse pati pagrarason ko planado na rin! Hihi. "Gia, Ella." Baling niya sa dalawa na parang mga lantang gulay rin. "May kinalaman kayo? Sagot." Pareho silang umiling. "Mapaparusahan po kami kung ginawa namin 'yon," sagot ni Gia. "Naunahan nga ako ni Abby kanina i-escortan ko sana si Sela e." May kumatok sa pinto naman. Pinagbuksan ni Tita. Si Miss Liam pala, asawa ni Miss JM. "Zai, bakit nandito 'tong tatlo? May bonfire party sa ibaba." "May pinag-uusapan lang kami." Sagot ni Tita. "My God Zai! Ipagpabukas mo na ang pagkastigo sa pamangkin mo. Let her enjoy the night naman. Maghapon nang nakatayo 'yan." Thank You Lord! May kakampi din! Humalukipkip si Tita saka humarap sa amin. "Malaman ko lang Dana na may kinalaman kayong tatlo talaga babawiin ko ang kotse mo." Deds! Sana walang makaalam talaga! Wala pa nga kaming isang buwan ni Ova babawiin agad. Huhu. "Wala naman talaga e." simangot ko na. Kailangan ko nang lakipan ng pagpapa-cute ang eksenang to. Dapat may mangiyak-ngiyak din mga mata. "Tita, ayoko naman ng gulo. Bakit ko gagawin 'yon?" "Zai, kawawa naman 'yang pamangkin mo. Balik na tayo sa ibaba. Hinahanap ka na ni Tito Brandon." Pinahit niya si Tita paharap sa pinto. "Oh kayo may bonfire para sa mga youngsters. Nandun na sina Jemimah. Tapos na duty niyo. Punta na kayo dun." "Okay po." Sagot ni Gia. "Maya-maya pa po. Masakit pa po binti namin." Nakalabas na sila pero maya-maya bumukas ulit ang pinto. Si Miss Liam. "Girls, huwag niyo nang uulitin ha? Ella, hindi mo nadeactivate ang cctv sa left wing. You need a lot of trainings pa." Napatakip sa mukha si Ella. Naku! Sabi na e! Parang iba pakiramdam kagabi. Haha! "Halla Miss. Paano 'yan?" worried na tanong ni Ella. "I had it tapped na. Don't worry." Lord, hindi na po kami uulit baka sa susunod mahuhuli na kami. Hahaha! --- Kaybagal kong maglakad. Itong kasing dalawa banat na sa training kaya hayan parang normal na lang. pero hindi normal ang holding hands 'di ba? Haha! Kaya pumagitna ako sa kanina. "Hoy bakit may HHWW pa? Anong meron?" "'Tol akay niya ako, akay ko siya. Mag-akayan kaming dalawa kasi pagod kami sa duty. Duh!" "De mag-akayan tayong tatlo! Hahaha!" holding hands kami siyempre. Hindi kami lumapit sa grupo nina Mimah. Mga bagets na yayamanin kasi ang nagbobonfire. Kaya chill-chill lang dito may ilalim ng puno ng niyog. May bitbit din kaming drinks siyempre! Haha. Papahuli ba kami? Bumili na kami baka biglang mag-lbm din kami e. haha. Takot sa sariling multo! "Angtanga ko talaga sa cctv." Frustrated na sabi ni Ella. "Buti hindi tayo nahuli." "Okay lang 'yan. Kung nahuli man tayo de reho-reho tayong mapaparusahan. Hehe." Pinagbuksan siya ni Gia ng coke-in-can. "Bawal sayo alak. Kawawa ka naman oh coke na lang." Kitang-kita ang frustrations ni Ella. Tsk tsk. "Hayaan mo na. huwag na nating pag-usapan. Chill na lang tayo dito." Inabutan din ako ni Gia ng beer. Nag-cheers kami. "Para sa una at huling mission sa ngayon!" Hay! Sarap ng hayahay lang! "Uy Danababe, sa Wed na pala alis nina Jemimah. Nakita ko lang sa skeds ng mga agents e. Kasama siyang dalawa kasi." "Naghack ka na naman? 'Di ba last time nahuli ka?" sabi ni Gia dito. "Ella mag-iingat ka nga sa kaka-hack mo." "Hindi no. hindi ko na sinubukang i-hack ang Brightside. Nakita ko lang sa sked basta. Matalim kasi paningin ko." "Wala pala ang labs mo ng ilang linggo 'Tol. Kawawa ka naman.hahaha!" "Labs? Ikaw Gia, kung ano-ano lumalabas sa bibig mo." Tinawanan nila ako. "Malay mo naman 'tol. Maging kupido kami ni Ella 'di ba? Malay mo lang naman sa futute magkatotoo yung little bride at little groom. Kilig!" "Oo nga. Walang impossible 'no." "Alam niyo bakit impossible? Kasi solid magkaibigan turing ko sa kanya. Kayo lang nagbigay kulay e." Walanghiya 'tong dalawang 'to. Nagcheers sila na parang walang narinig. "Hindi mo ba nami-miss makibonding sa kanila?" tanong ni Gia kay Ella. "Hindi. Mas okay ang ganito. Bakit ganyan ka tumingin? Para kang tanga." Nailing si Gia. "Wala naman. Naisip ko lang kasi baka sanay ka na kasama sila tapos magpapa-enlist ka sa Brightside. Malaking adjustment." "Hindi naman. Pangarap ko kasi 'to. And mas mapoprotektahan ko sina Sela kapag nasa Brightside na ako." "Sa bagay. Saka mas mapapalapit tayo sa isa't-isa. Mas ayos! Hahaha!" "Naku Gia. Sinasabi ko sayo, no emotions attach. Hindi tayo pwedeng pumasok sa agency na may something kaya pigil. Pigilan mo 'yan." "Pero pwedeng pumasok yung may syota sa labas?" Tumango si Ella. "E huwag na akong magpa-enlist. Syotain mo na ako." Muntik ko nang maibuga ang ininom ko. Gago talaga 'tong si Gia. Haha! "Hirap naman kasi." Hinilot-hilot pa ni Gia ang noo niya. "Pangarap ko maging agent, pangarap din kita. Paano na?" "Pagod lang 'yan." Pambabara ni Ella sa kanya. "Malay mo next month, next next month, hindi na ako ang gusto mo." Grabe silang dalawa. Parang angkaswal lang na usapan. Kabilib naman! Hay! Grabe 'yong lamig dito sa dalampasigan. Tagos sa tenga kahit nakasuot na ang hood ko. Grrrr! Dumating si Empire. May dalawa pa siyang foods. "Bakit kayo nandito? Dun ang party." "Okay na kami dito." Sagot ko naman. "Papaantok lang naman kami." "Para ka ngang matutulog na. Balot na balot na e." tatawa-tawa niyang sabi. "Jem!" Naman! Kinaway-kawayan pa niya sina Jem. Saka kami tinuro. "Bueset ka talaga Empire!" inis ko sabi dito. Tatawa-tawa siya dahil palapit na si Mimah sa amin. Sisibat na ako! Bueset! Tatayo na ako e. humarang sa dadaanan ko si Empire. Nakakaloko pa ang ngiti niya. "Where do you think you're going?" Nilingon ko na si Mimah. Tumayo na rin sina Gia at Ella. "Babali sa room. Inaantok na ako e." humikab ako pero eke siyempre. Haha. "Chill lang dito."sabad ni Gia. "Pagod sa duty e." "Kung pagod, bakit kayo nandito? Bakit hindi na lang kayo magpahinga?" "Dahil..." isip dana! Isip ng rason naman! "Dahil aalis ka na sa Wednesday." Humagalpak ng tawa si Gia. "Tangina 'tol. Lutang ka na. hahaha!" Nainom ko lahat ang laman ng beer. Ano ba 'yong sagot ko? Anglutang ko na talaga. Wala na kaming choice kaya naki-join na kami sa bonfire party. Sumasakit ang ulo ko sa pag-uusap nilang conyo. "Jemimah kailan ka pala pupuntang Kingfisher? Will you enroll there?" tanong ng isa sa mga conyo boys sa kanya. "I don't know. Depends on situations." "Ano ba kayo guys, only child si Jem, hindi na 'yan papayagan nina Tita na mag-K.U." sabad ni Gabb. "Huwag muna nating pag-usapan ang future guys. Enjoy muna natin ang gabi!" Anggaling ng mga nagpo-poi dancing. Gusto ko rin matuto ng ganyan. Hindi kaya nakakapaso 'yan? Haha. Masubukan nga kapag may free time. Pinagkikis-kisan ni Mimah ang mga palad niya. Nilalamig na siguro 'to. Pinahawak ko sa kanya ang drinks ko. "Bakit?" "Sa'yo na muna 'tong jacket ko." akmang tatanggalin ko ang jacket ko pero pinigil niya ako. "Huwag na. Okay lang." "E nilalamig ka na." "Okay lang talaga." Binalik niya sa akin ang inumin ko. "Oh don't worry." Sinuot pa niya ang hood sa ulo ko saka itinali ang cord. "Cocoon." Tawa pa niya. Kantahan na. Si Gabb at Coleen ang kumakanta. Slow song ang kinakanta nila. Hindi nagpahuli sina Abby at Sela. Moment na naman nila. Si Gia iba ang kasayaw niya! Haha! Tulog na kasi si Ella. Nakasandal siya kay Empire. Haha. Kawawang Empire hindi makasayaw. Lumapit 'yong lalaking nagtanong kay Mimah kung mag-eenroll siya sa Kingfisher. "Dance, tayo Jem." Pumayag naman si Mimah. Ah baka friends naman sila. "Cheers tayo Dana. " matamlay na sabi ni Empire. "Sobrang enjoy ko ang gabing 'to." Hahaha! Kawawa naman talaga siya. Paano siya makakapag-enjoy si kargo de konsensya niya si Ella na mahimbing na ang tulog sa balikat niya. Haha. "Smooth talaga 'yan si Axis." Sabi nito. Nakatingin siya kena Mimah. "Kababata rin namin siya pero mas maaga siyang pumunta sa US para makapag-enroll sa K.U." Ah kaya pala nagtatanong kanina. "Player rin ng badminton yan si Axis. He stopped dahil sa parents niya. Kaya natuon na lang ang oras niya sa pag-aaral at sa business." "Teammates kayo?" Tumango si Empire. "Badass yan sa court. Ka-mixed doubles ni Jem noong high school." Ito na lang ang magagawa ko para kay Empire, ang makinig sa mga kwento niya. Haha. Naawa pa rin ako dahil hindi talaga niya maenjoy ang gabi! Haha. "Alam mo ba kung bakit hindi pwede si Jem sa K.U?" "Hindi. Bakit nga ba? Sa pagkakaalam ko kasi magandang school naman 'yon." "Kasi only child siya. Ang ipapadala sa K.U. ay 'yong magiging boyfriend niya." "Parang 'yong ginawa kay Sherwin?" Tumango siya. "May dalawang dahilan kung napupuntang K.U. magiging agent ka o jowa ka ng Reyes." Alam ko naman ang part na 'yan. Nakwento na ni Ella e. Si Miss Liam ang halimbawa. Dalawang taon mahigit na hindi siya nagpakita kay Miss JM dahil inenroll siya ng parents ni Miss JM sa Kingfisher University daw. Anghirap siguro nun. Haha. Imagine? Hindi ka sigurado kung may babalikan ka pa. "And here's another thing. Jemimah was supposed to be in a fixed marriage with Axis. But they called it quits. Mutual decision nina Axis at Jemimah." "Oh?" "Dude, iba mag-isip ang dalawang 'yan. Match na match. Big deal sana sa business world. Pero they're just too independent individuals na kayang-kayang panindigan ang mga desisyon nila. I just wish kaya ko rin." "Cheers na lang Bro. Ramdam ko ang hinagpis mo." Natawa siya sa sinabi ko. Hindi mo nga naman makukuha lahat. Naging reggae na ang tugtugan. Papalapit na sina Mimah kaya stop na ang chikahan. Bago umalis si Axis ay pinasuot niya kay Mimah ang jacket niya. "See you in Singapore. I'll support your team gang finals just like last year." "Thanks. Message ka na lang pag nandun ka na rin." Heto ha? Hindi naman sa nakakainis pero parang ganun na rin. Kanina inooffer ko ang jacket ko ayaw niya? Tapos...tapos..ah ewan. Bahala ka nga Jemimah. Na-hurt ang pride ko ha. Hindi pa kontento si Axis sa sayaw-sayaw e. Lumapit pa may dalang barbeque. Kwentuhan sila ni Mimah. Napagod rin si Gia sa wakas! Inaya ko na siyang bumalik sa kwarto. "Mamaya pa 'tol. Ienjoy pa ako e." "Inaantok na ako." Mariin kong sagot. "Tulog na nga si Ella oh. Uunahin mo pa yang pagsasaya mo." "Wait lang. Bakit na pakainit ng ulo mo. May regla ka?" Hindi ko siya sinagot. "Empire pabuhat si Ella." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD