OBP 25- Send Off

2827 Words
OBP 25 JEMIMAH What's wrong with her? Hindi namamansin. Si Gia ang nagmaneho pauwi samantalang siya nasa likuran. Sumiksik kay Abby at Sela. Pumagitna pa sa dalawa. Nakayakap siya kay Abby. Seriously? Aalis na naman siya. "Where are you going? Kakauwi lang natin." "Work," sagot niya. "Gia, hindi ako magla-lunch dito. Kita na lang sa training mamaya. Padala ng raketa." Then she left. Damn? Anong problema niya? "Napagalitan ba siya ni Ate Zai?" tanong ko kay Gia. She shrugged her shoulders. "Baka may regla. PMS ba 'yon? Arte naman ni 'Tol natututo na ng PMS." Tawa pa niya. PMS huh? PMS my ass. Wednesday na pala ang flight namin. Hindi ako papasok sa mga klase ngayon. Uuwi ako para mag-empake. Pumasok muna ako sa kwarto ko. Inaantok pa ako. Madaling araw na rin kami natapos sa bonfire kagabi. Magliligpit na muna ako dito. Mami-miss ko rin 'tong room ko. For the past years na umaalis ako for tournaments, ngayon ako medyo nalulungkot. Living with these crazy people in a short span of time made a big impact in me. Mami-miss ko ang ingay niya. There are rumors kasi na after ng Singapore, baka deretso kami sa Thailand for another tournament. Hay! 'Yong binigay ni Dana na flowers itinabi ko sa mga stuff toys. Tuyo na 'to pagbalik ko. 'Yung picture naman hindi ko pa alam. Uhh, kinuha ko ang shoebox ng sapatos na binili namin nung birthday ko. Dito ka na muna. Mapupuno kaya 'ito? I hope so. Itabi ko na rin ang shoebox sa mga stuff toys. "Jem." Gia shouted while knocking at the door. "May klase ako. Pwedeng favor?" Pinagbuksan ko siya ng pinto. "Naiwan ni Dana ang phone niya. Pakibigay naman oh. Hindi ko siya makontak mamaya nito." "Bakit ako? Idaan mo na lang." "Dahil may atraso ka sa kanya?" saka ito tumawa. "Feel ko lang meron e. Hindi naman 'yon matampuhin. Tapos ikaw lang ang hindi kinakausap. Kaya ikaw magbalik. Babye, Young Lady. Good luck!" Mamaya ko na lang idadaan. Ituloy ko muna ang pagliligpit. Marami na ang mga labahin. Ipapalaundry ko na lang pala muna ang mga 'to. Paano ko nga pala isasauli 'tong jacket ni Axis? This is damn expensive pa naman at hindi 'yon nakakalimot kapag may pinahiram na mamahaling gamit niya. Jacket. Shoot! Dana! Natampal ko ang noo ko. Stupid Jemimah! She must have felt bad sa pagtanggi mo sa jacket niya kagabi. Kung isusuot ko kasi siya naman ang lalamigin. It's inconvenient. Hay naku! Matampuhin din. What now, Jemimah? --- Nasa café na ako. Same spot. Umorder ako ng coffee. As I requested siya ang nagdala ng order ko. "Let's talk." Sabi ko dito pagkalapag niya ng order ko. "May work pa ako. Mamaya na lang." "Look, I don't have time na. Uuwi ako. Mag-eempake pa ako. Pag-usapan natin ang pagtatampo mo. Ngayon din." Tinalikuran niya ako. Like seriously Dana? Tatalikuran mo ako? Hindi pa tayo nag-uusap! Huminga ako nang malalalim. Jemimah, si Dana 'yan. Hindi yan tinatablan ng pagsusungit mo. Wala naman costumer's dito so might as well try it. Damn it, Dana! "Titiisin mo ngang hindi ako kausapin?" I said in my softest voice that only she can witness. "Dana..." She spun to face me. She looks confused. I pouted. Nag-abot lalo ang kilay niya. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" "Tryin' to be cute? 'Coz you're not talking to me. Hell, Dana! I'm leaving and you're in you're 'don't talk to me Jemimah 'coz I hate you' mood. It's frustrating!" And here is my temper again! God! Ayoko na ako ang nagsosorry kasi hindi ko naman sinadya na masaktan ang ego niya. Pero si Dana kasi 'to e! I don't know! I'm so damn affected with this cold treatment! Hindi ko na namalayan na tumutulo na ang luha ko sa frustrations na nararamdaman ko. She's just a friend but she has this effect on me? Damn it! "Tapusin ko lang ang shift ko. Babalik ako dito." Hindi ba niya naintiindihan na gusto ko ngayon na kami mag-usap? Ngayon mismo! Bakit tatapusin pa niya ang shift niya? --- Malamig na ang kape ko. Angtagal matapos ng shift niya. Isang oras na ah! God! Finally! Umakyat na rin siya without her apron. Naupo siya sa tapat ko. Binigay ko na ang phone niya. She puts it in her pocket. "Anong pag-uusapan natin?" "Explain. Bakit ka nagtatampo?" "Sinong nagsabing nagtatampo ako? Pagod lang ako. Gusto ko lang tumahimik muna." "Look. If it's about that jacket, sorry. I mean maliit na bagay lang 'yon Dana. Huwag ka nang magtampo." "Kung nagsosorry ka huwag mo nang dagdagan pa ng mapanakit na salita, Mimah. Sorry nasaktan kita. Sorry hindi ko sinasadya. Ganun. Bakit parang kasalanan ko pa na sensitive ako pagdating sa'yo? Kasalanan ko pa ba 'yon?" "Sorry. I just thought kailangan mo rin naman kasi malamig. I don't have other intentions." "Hayaan mo na. Pride ko lang problema. Huwag mo nang alalahanin 'yon." "Dana naman." Nag-ring ang phone ko. Si Mama. I canceled it. That call can wait. "Bakit hindi mo sinagot? Baka importante." "Ewan. Okay? Wala ako sa mood kausapin sila." I'm so frustrated with her mood! Ang phone naman niya ang nag-ring. She answered it immediately. Napatingin siya sa akin. "Yes maam. Kasama ko siya. Opo. Sige po. Papunta na po." She cut the call. "May lunch ka with your family. Hinahanap ka na." "Hindi ako pupunta. Wala ako sa mood. It's just a lunch. Nothing special." She held on my wrist. Para niya akong kinakaladlak palabas ng café. May tinatawagan siya. Hindi pa rin niya ako binibitawan. Nakakainis! She's as cold as ice. Daig pa ako kung magtampo! Hindi ko naman talaga sinasadya ah! "Pasundo dito sa café. Kasama ko si Young Lady." I really hate it when she calls me Young Lady. Just a few minutes dumating ang isang kotse. Bumaba mula rito ang dalawang lalaking nakaitim na suit. Maybe brightside agents. Binigay ng isa ang susi ng kotse kay Dana. "Miss, nasa louxariant Main na po sina Maam Avria." "Okay." Dana coldy answered. She dragged me towards the car. Pinagbuksan naman niya ako. "Sakay." Hindi ako gumalaw. Whattaheck is happening? Inuutus-utusan niya ako? "Naghihintay ang parents mo. Ano ka ba, Mimah? Sakay na." "Bakit hindi si Ova ang gamitin natin? Bakit kotse ng brightside?" "Sayang ang oras. Na-kay Gia ang susi ni Ova. Hahanapin ko pa ba siya sa campus? Sakay na kasi. mapapagalitan ako ng Mama mo kung hindi ka dadalo sa lunch." --- It's the usual dinner or lunch date with family before any competitions. Magkasama naman kami kahapon pero Mama's tradition can't be broken. Mamalasin daw sa tournament kapag walang send off. "Thank you, Dana. Napakailap talaga nitong anak namin. Mismong pamilya e pinagtataguan." "Ma, kahapon lang magkasama tayo. Bakit nagdadrama ka pa?" "Hija, hindi ka na nasanay sa Mama mo. Ready ka na ba sa tournament? Kumusta ang training?" "Lagi naman akong ready 'Pa." Naiirita pa rin ako sa sobrang tahimik ni Dana. If only I can just flare up now kaso magtataka sina Mama. "Dana, are you sure hindi susunod sa Singapore?" napatingin ako kay Mama. "May go signal ang team niyo from the admin naman." Umiling si Dana. "Uuwi po kasi ako Maam. Birthday ko nun e." "Oo nga pala." Disappointed na sagot ni Mama. "Sayang hindi mo mapapanood si Jemimah." "Live stream na lang po." "Teka napapansin ko parang may tension sa inyong dalawa." Si Papa 'yan. "May problema ba kayo?" "Wala po." Tanggi agad ni Dana. "Jem?" baling sa akin ni Papa. Umiling din ako. "Nothing really. Mood swings lang 'Pa at pagod siguro." "Kakaibang pagod naman 'yan. Bakit anghahaba ng mga nguso niyo." He said after letting out a soft laughter. "You kids need to talk about it kung may problema kayo. Huwag nang patagalin kung may tampuhan. Alright, Dana?" Dana just nodded. "Good. Treat us as your second family too. Kaya kung may problema, feel free to talk to us hija. Lalo na pagdating dito sa amin unica hija na alam kong pinapasakit ang ulo mo." "'Pa! Right in front of me talaga?" --- Katatapos kong mag-empake. Dana is with Mama. Ito-tour daw niya si Dana sa aming bahay. She must be bragging her collection of paintings again. "Jem..." that's Dad. Pinagbuksan ko siya ng pinto. "Yes 'Pa? Why? "Send me your sched ng games. Para makapunta kami ng Mama mo." "This is new. All this time hindi naman kayo nanonood ng games ko ng live." May bahid ng pagtatampong sagot ko. "But okay. I'll update you. But I'm not really expecting you to come." "Ikaw talagang bata ka. Don't forget to send your scheds ha?" Tinulungan na ako ng mga kasambahay na dalhin ang tatlong maleta ko sa ibaba. Nakasandal na dito si Dana sa kotse habang nakatutok sa phone niya. Tumulong siya sa paglalagay ng mga maleta sa kotse. Kasunod ko lang din naman sina Papa at Mama. "Dana, mag-iiingat sa pagda-drive ha. Ingatan mo 'tong unica hija namin." "Yes po. Ako po ang bahala." Nagpaalam na rin ako sa kanila. Si mama naluluha. Everytime aalis ako for international tournaments, Ganito siya. Parang laging first time. "Mag-iingat dun ha? Huwag aalis na walang kasamang bodyguard." Nilapitan ni Papa si Dana. Hindi ko naman marinig kung ano ang pinag-uusapan nila dahil lumayo sila nang kaunti. Tumatango-tango lang si Dana. Minsan napapangiti. "Angsweet ng batang 'yan." Mama suddenly said. "Tsk tsk. Parang gusto ko siyang maging manugang." "'Ma? Naririnig mo ang sinasabi mo? Wala kang anak na lalaki 'Ma. Pinapaalala ko lang sa'yo." Hindi ako pinansin e. She puts her arms on my shoulders. "'Nak, tanggap talaga naming kung babae ang gusto mo. Huwag mo nang pakawalan si Dana, hija. Ipadala na natin agad sa Kingfisher." "Mama!" tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin. "Aalis na nga kami. Dana! Alis na tayo." --- "Angdami mo namang dadalhin Ate Jem." Coleen said after seeing my luggages. "O maleta rin ni Ate Dana. Sasama ka ate?" "Sa kanya lang 'yan." Sagot ni Dana. Wala kang klase?" Umiling si Coleen. "Hindi na ako pumasok. May laro sina Gabb e. Suspended class ulit." "Bakit hindi ka nanonood? Sinong support kay Gabb?" "Mga girls niya." Tawa nito. Humiga siya sa sofa. "Nagtitilian na naman sila e. Masakit sa tenga kaya umuwi na ako. Kayo? Manonood ba kayo?" "Magluluto ako."said Dana. Bumaling siya sa akin. "Spaghetti. You like?" "Hindi ka na nagtatampo?" "Halla may tampuhan kayo mga ate?" biglang bumangon si Coleen. "Kaya pala dead air kanina sa byahe." "Okay na. Yaan mo na 'yon. Magluto ako ng spaghetti. Yung hindi instant para mabusog ang lahat. Tawagan ko na lang si Gia na hindi ako magtitraining. Sa totoo lang angsakit pa ng binti ko." What a relief! We're good na ulit! --- "Coleen, bakit ka nakibonding sa kanila nang wala ako?" tanong ni Gabb na may tonong pagtatampo. "You should be supporting me sa game ah. Bakit wala ka?" "Angdami mo nang supporters dun. Kulang pa ba 'yon? Saka mas masarap bonding dito sa bahay kaysa tilian ka. Kulang ang bayad mong 5000 kapag namalat ako 'no." It's a joke thing for us na paying for cheering. Tamad mag-support si Coleen pero kapag may katapat na pera sige agad siya. Bata e. Sinanay kasi siya ni Gabb. Natatawa ako kapag naiisip kong baka isang araw magugulat na rin kaming sila pala ang naka-fixed marriage. Paano na lang kaya? "Next time 2500 na lang babayad ko sa'yo." Gia arrived with Ella. May dala silang cake. Kasunod lang nila sina Everest at Empire. May balloons naman. "Parating na rin si Sela." Said Gia. "May inayos lang sa performing arts. "Teka bakit may baloons? Anong meron?" "Send-off party namin sa'yo." Said Gia. "Idea ni 'tol." Bumaling siya kay Dana na naghahalo ng fruit salad. Request ni Coleen. Hindi niya mahindian ang pagpapa-baby ng bunso e. "Bayaran mo ako sa mga pinabili mo. Every piso counts." "Maya. Tulungan mo na ako dito. Bumili ka pa ng styro plates? Kulang ang mga plato natin dito hoy. Saan sila kakain? Sa palad?" Natampal ni Gia ang noo niya. "Limot ko! haha. Teka bili ako sa kanto. Ano pa? Alak din?" "Walang mag-aalak." --- Gia also bought some buckets of chicken joy and ice cream. Si Coleen talaga ang tuwang-tuwa sa mga dala niya. And truth be hold! Brody really transferred to MZU! Siya ang naghatid kay Sela pero umalis din naman. Thank God! Naniningkit na kasi si Abby. Inabangan ba naman niya sa gate. Hay! Love can really make people immature sometimes. "Angsarap ng spaghetti Dana!" complimented Empire. "Kailan ka ba ulit magluluto at pupunta kami ni Everest dito." Nagkibit-balikat lang si Dana. "Hindi ko alam." Bakit parang pakiramdam ko hindi naman kami okay ni Dana? O hindi lang ako sanay na siya ang nagtatampo? O nagtampo? God! "Mimah!" napalingon ako sa kanya. Kinakaway-kaway pa pala niya ang kanang kamay niya sa mukha ko. "Tulog ka na ba?" "Huh? Sorry. May iniisip lang. Why?" "Sabi ko, may gusto ka pa nang foods?" Umiling ako. "Busog na ako e." "Konti lang naman ang kinain mo, paano ka mabubusog? Hindi ba masarap ang luto ko, Mimah?" Uhh. Ano kasi. Wala akong gana kasi alam ko naman na hindi pa kami okay talaga. "'Basta ako kapag nagtampo si Ella baby sa akin kahit mapait ang luto niya kakainin ko." tatawa-tawang sabi ni Gia. "Diba Ella baby?" "Tigil-tigilan mo ako Gia. Hindi ako matampuhin." "Oh? De Ayos. Kung ganun. Shot! Shotain mo na ako!" Ang-smooth ni Gia! God! Ella seems okay with it naman. I just don't know if she'll fell for Gia. She's focus on Brightside and for her any love thing is destruction. "Guys, nood tayo ng live ha?" said Gabb. "Miss ko na sumigaw-sigaw ng Jemimah sa tourns. Sagot ko na hotel." "Game! Lunch! May breakfast naman sa hotel 'di ba? Ikaw Empire?" "Dinner? I don't know. Bahala na pagdating dun. Basta support natin si Jemimah." "Hindi ako sasama." Said Abby. "May training din kasi. Sasabak din kami sa Japan sa November. Kayo-kayo na lang muna." "Sad naman 'yon. Ngayon ka lang absent." Said Coleen. "Give mo na lang sa akin ang budget mo sa Singapore." Paglalambing niya sa pinsan niya. "Please?" And as usual, hindi na naman siya nahindian ang pinsan niya. Napayakap tuloy siya dito. "Yyiiie! Thank you! The best ka talaga!" "Sige na sige na! Bitaw na. Lagkit mo e." "Sela, huwag ka na rin sumama. Bigay mo na rin sa akin ang budget mo." That Gabb. Hindi talaga papatalo sa pagpapa-baby. "Hindi naman sasama si Abby e." "Sorry. Sasama ako e." Nagsimangot si Gabb. Hindi nakaisa e. Hay! Itong dalawang 'to talaga. --- After iligpit ng mga pinagkainan kanya-kanya nang chill sa bawat kwarto ang mga kasama namin. Kami ni Dana nandito lang sa sala, nagpapakiramdaman. See? We're not yet okay talaga! Hay! Nilagay niya ang throw pillow sa lap ko. Humiga siya at dito umunan. Nanonood naman siya sa phone. As usual old school anime pa rin. She can't have enough of Ranma ½ . Minsan nakikita ko pa sila ni Gia na sinasayaw ang theme song nito e. "Yayayain sana kitang mag-stroll pero inaantok na ako." "May kwarto ka naman bakit dito ka hihiga?" "Maingay si Gia sa kwarto. Next year pareho na tayong magcocompete sa ibang bansa." "Sure ka papasok ka sa team A?" "Oo naman. Next rank pasok na ako. Sigurado." She's too focus on her phone. She lets out some laughter sometime. Yung sinasabi nilang astig, aliw na aliw sa old anime. Haha! Ano kaya masasabi ng mga humahanga sa kanya kapag nalaman nila 'to? Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya humaharang sa kaliwang mata niya. She's pretty alright. I really don't get it why most people finds her pogi or gwapo. "Nagpo-phone pa rin kayo kahit nasa tournament?" "Sometimes. May hours lang." "Ah. Anong oras?" "Depende sa mapag-usapan. Why?" "Chat tayo nun. Kwentuhan mo ako o kwentuhan kita? Ilang oras ba ang pagkakaiba ng singapore ang Pilipinas?" "Same lang naman." "Uhm. Good naman." Pinisil ko ang baba niya. "Parang mami-miss mo yata ako! Naiiyak ka diyan!" Hinawi niya ang kamay ko saka siya naupo. "Hindi ah. Baka kasi wala ka kausap dun de ako na lang. Ah nandun pala 'yong si Axis. Mukhang hindi mo pala ako kailangan. Hindi na lang ako mag-oonline." "Selosa ka palang kaibigan 'no?" "Hindi. Ma-pride lang ako. Pakatandaan ko 'yung pagtanggi mo sa jacket ko talaga. Tumatak na dito sa isip ko. Saka 'yong Axis? Mas mayaman lang sa akin 'yon pero mas pogi pa din ako. Mahaba baba niya delikado buhay niya aba. Sabihan mong huwag yuyuko." Pinisil ko nga ang ilong niya. Lumalaki ang butas e. "Aray naman Mimah! Sakit ah!" "Selos na selos e ikaw ang favorite person ko!" "Tapos na kayong maglandian diyan? Matulog na kayo." Napatingin kami kay Gia. Poker face na nakamasid sa amin may hawak pa siyang walis tambo. "Pagwawalisin ko kayo diyan e. Walang label e landian nang landian." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD