OBP 26 DANA "'Tol, sad ka?" "Huh?" "Tatanong kita kung sad ka. Nag-fly na kasi si Jemimahlabs mo e." Binato ko ng unan si Gia. Patulog na e puro kalokohan pa ang iniisip. Nasa hotel na sina Mimah. Ano kaya feeling ng makipag-compete sa ibang bansa. Siguro mahirap. Paano pag tinatrashtalk ka na pala ng kalaban mo 'no? "Ate Dana..." si Coleen 'yang kumakatok sa pinto. "Pa-open..." Mabilis akong tumayo para pagbuksan siya. Dala-dala niya ang unan niya. "Bakit?" "Pwedeng dito ako mag-sleep? Aaway ako ni Ate Gabb e." "Ha? Sige. Pasok. Bakit kayo nag-away?" Nakasimangot siyang umupo sa higaan ko. "Ewan ko. Malandi daw ako. Bata pa daw ako para lumandi. Wala naman ah." "Ako ng kinse pa lang tumalandi na." tatawa-tawang sabi ni Gia. "O kanino ka tatabi?" "Kay Ate Dana. Miss ko na kasi

