NANLAKI ang mata ni Mara sa sinabi ng pinsan. Hindi niya alam na umiinom pala ito. Kapag kasi nag-aayaan sila ng inuman kahit sa family gathering lang ay hindi naman sumasama si Bella. Hindi naman kasi ito sanay uminom kaya mababa ang alcohol tolerance nito. Kaya ngayong inaaya siya ng pinsan na uminom ay gulat na gulat siya. Feeling niya ay may sapi ang pinsan niya. "Seryoso ka ba diyan? Iinom tayo? As in ng alak?" paniniguro pa ni Mara dito. Napatawa naman si Bella dahil sa reaksyon nito. Ine-expect niya na iyon mula rito. "Huwag mo akong tawanan. Ano nga?" inis na muling sabi ni Mara sa pinsan. "Galit na galit?" natatawa pa ring sabi ni Bella. "Oo nga. Konti lang naman, eh. I want to do things I've never done before nang paunti-unti," nakangiti pang sabi nito pagkatapos. "Wow? Ano

