KASALUKUYANG nasa arcade sa isang malapit na mall si Bella at Mara. Matapos nilang magtanghalian sa isang fast food restaurant kanina ay dumeretso sila roon para mamasyal. At habang naglalakad sila ay napadaan sila roon kaya naman naisipan nilang dalawa na dumaan na rin. Tutal ay matagal na rin silang hindi nakakapaglaro sa ganoon. "Hoy, grabe naman iyang pagpukpok mo diyan sa mga daga! Balak mo bang sirain iyang machine?" puna ni Mara kay Bella na kanina pa gigil na gigil doon sa mga daga na umaangat sa butas at kapag lumabas sila ay kailangan mong paluin. "Ano ka ba? Kaya nga ito ginawa para mag-release ng stress. Paano mawawala ang stress mo kung kokontrolin mo, di ba?" sabi naman ni Bella na seryoso pa rin sa pagpalo sa mga kaawa-awang daga gamit ang isang hammer na gawa sa matigas

