"SINO ang kamag-anak ng pasyente?" Lumabas ang doktor mula sa treatment room. Sabay na naglakad sina Katrina at Algin papalapit doon. Tiningnan siya ni Algin nang masama, ngunit hindi niya iyon inalintana. "The patient is in a stable condition right now. Tumaas ng husto ang blood pressure niya, and she has to stay here for a couple of days hanggang sa bumaba iyon. At her age, hindi na dapat tumataas ng ganon, but you may see her now." Tumango ang doktor at iniwan sila. Agad naging malalaki ang hakbang ni Katrina, ngunit bago pa man niya mabuksan ang pinto ay hinawakan na ni Algin ang kamay niya. "Wait," pigil ni Algin, ang boses niya ay mababa ngunit puno ng paninindigan. Nagtagpo ang kanilang mga mata, at tumiim bagang si Algin. "We have to convince Abuela that we are okay now. We can

