Nagtago si Katrina sa likod ng puno, naririnig ang malakas na pagtangis ni Algin mula sa casita at ang kalmadong pang-aalo sa kanya ni Gwen. Hindi maintindihan ni Katrina ang buong sitwasyon, ngunit alam niyang nasasaktan si Algin. Pinunasan ni Katrina ang mga luha, iniwasan niyang maging bahagi ng kanyang sakit. Nakita niyang sinarhan ni Gwen ang pinto ng casita, at ilang sandali pa ay namatay ang ilaw. Tumigil ang pag-iyak ni Algin, o marahil hindi na lang ito narinig ni Katrina. Ang tanging tunog na maririnig ay ang malalaking patak ng ulan na bumagsak sa lupa, habang ang hangin ay malakas na humihip sa dalampasigan. Hindi ininda ni Katrina ang ulan; iniisip niyang baka kailanganin pa ni Algin ang kanyang tulong, kaya't handa siyang salubungin siya anumang oras. Yumakap siya sa sarili

