KABAYO

1313 Words
Sa paglabas ng silid ni Cyran ay bumungad sa kanya ang isang maruming salas. Maganda ang salas at malawak at talaga namang namamangha siya desenyo na mayroon ang lugar na ito. Pakiradam niya ay kaya niyang mamuhay sa lugar na ito sa mahabang panahon. Nalalanghap niya ang alikabok sa hangin at nararamdaman niya sa kanyang mga paa ang lupa. Mukhang matagal na panahon na nang may huling tumira rito. Alam niya ang pakiramdam ng isang tahanan na may tumitira sa wala. Kahit namuhay man siya sa kuweba ay nanatili itong medyo malinis dahil kay Sariah. Nandito ngayon ang dalawang mahabang sofa bed na magkatapatan. Sa pagitan nito ay may isang mababang bilog na lamesa. Sa kisame ay may isang malaking chandelier na gawa sa salamin. Ang mga hugis ng bawat salamin ay mahahabang hexagonal prism na mukhang mga kristal sa malayo. Dito nanggagaling ang liwanag sa buong sala. Kumikislap ito na nagbibigay ng iba’t ibang kulay. Para kay Cyran ay kamangha-mangha na makita ang ganitong klaseng bagay. Sa kaliwang parte ng sala ay doon matatagpuan ang isang spiral na hagdanan papunta sa ikalawang palapag ng buong bahay. Sa kanan naman ay ang isang malaking pintuan palabas ng lugar na ito. Naglakad ang dalawa ngayon papunta sa pintuan. “Ito ang aking lumang bahay,” wika ni Eli. “Pagpasensiyahan mo na kung marumi ang lugar na ito.” “Pero ito ang pinaka ligtas na lugar para sa’yo ngayon,” dagdag niya. Gusto sanang itanong ng binata kung bakit wala nang nakatira ngayon rito pero nagdalawang isip siya. Bigla siyang napahinto sa paglalakad nang may isa siyang bagay na naalala. Tungkol ito sa babae sa kanyang panaginip. Bigla na rin niyang napansin ang mabangong amoy na nanggagaling kay Eli. Masarap sa ilong ito ni Cyran na bago sa kanyang pang-amoy. Isa itong masarap na amoy na hindi nakakagutom ngunit nakakagaan ng pakiramdam. Katulad ng mga bulaklak pero para sa kanya ay higit pa ito sa mga bulaklak. “Si Tris,” wika ni Cyran. “Sino siya?” Huminto rin sa paglakad si Eli at humarap siya sa binata. Nabigla siya sa narinig niya mula sa binata. “Hindi ko inaasahan na makakausap mo siya ng ganito kaaga.” Tumingin siya ng diretso sa mga mata ni Cyran. “Siya ang Akuma na konektado sa’yo.” “Mukhang mas maaga sa inaasahan na makausap mo siya lalo na sitwasiyon niya ngayon,” dagdag niya. “Lagi ko siyang napapanaginipan pero kanina ay nakausap ko na siya,” mahinahong paliwanag ng binata. “Pero nasaan siya?” Ipinatong ni Eli ang kamay niya sa balikat ng binata. “Sa tamang panahon ay makakausap mo rin siya kahit gising pa kayong dalawa.” “Ito ang isang kakayanan natin bilang mga subhuman, ang makausap natin ang ating mga Akuma.” “Sino ang Akuma mo?” agad namang tanong ni Cyran dahil hindi siya makapaghintay sa maririnig niyang sagot. “Si Ansel ang aking Akuma,” sagot ni Eli. “Si Ansel at si Tris ay nakakulong ngayon sa sentro rito sa siyudad.” “May ginawa ba silang mali?” pagtataka ng binata. Hindi alam ni Cyran kung bakit tinanong pa niya ito dahil alam naman niya ang dahilan kung bakit sila nakakulong ngayon. Siguro gusto lang niyang malaman kung masasama ba ang mga Akuma. Gusto rin niyang malaman ang tungkol kay Tris. “Sa tingin mo ba kahit gumawa sila ng tama ay magiging malaya sila?” sabat na tanong nama ni Eli. “Nabubuhay lang sila ngayon dahil buhay pa tayo.” Totoo ang punto ni Eli para kay Cyran pero alam niyang hindi rin niya masisisi ang mga tao sa ganitong trato sa kanila. Naiiitindihan niya na panganib ang banta ng mga subhuman sa mga tao. Simula noong una pa lang ay alam niyang kamatayan lang ang tanging nararapat sa kanila. Higit pa roon ay ang galit na nararamdaman niya sa mga ito. Galit na namuo galing sa mga istorya ng kanyang ina kung paano anga isang Akuma ay may kakayanang pumatay ng maraming tao. Pero bakit ngayon ay parang nahahati siya ngayon sa dalawang katauhan dahil alam niyang isa siyang Jinzo? Gusto niyang mabuhay ng matagal kagaya ng ibang mga tao. Alam niya sa sarili niya na wala siyang ibang gagawing masama o kapahamakan laban sa iba. At bakit naman niya gagawin iyon? Wala siyang kapasidad upang maging masama. Pero papaano naman si Tris? Hindi pa niya lubusang kilala ang kanyang Akuma. Si Tris ang pinaka delikado kumpara sa kanilang dalawa. Paano kung may kapasidad siyang maging masama balang araw? Ang masama pa ay konektado ang buhay niya sa sa buhay ni Tris. Hindi mamatay si Tris kung hindi siya mamamatay. Posible bang mas mabuti na lang na nandoon siya sa kanyang kulungan kung nasaan man siya ngayon? “Ayos ka lang ba?” nagaalalang tanong ni Eli. Hindi namalayan ni Cyran na nakatulala na pala siya habang iniisip niya si Tris. Nagpatuloy siyang maglakad at hindi na niya sinagot ang tanong ni ng matanda sa kanya. Paano naman siya magiging maayos sa sitwasiyon niya ngayon? Isa siyang Jinzo at hindi niya alam kung paano niya tatanggapin sa sarili niya ito. Isa pa ay hindi mawala sa isip niya ngayon si Sariah. Umaasa siya at naniniwala siya ngayon na buhay pa siya. Nang makarating siya sa pintuan ay hinintay niya si Eli upang siya ang magbukas nito. Hindi niya alam kung paano buksan ang pinto. Pinagmasdan niya ito dahil muli siyang nakita ng ganitong kalaking kahoy. Kamangha-mangha ang ganitong pagkakataon para sa kanya. Katulad ng tungkod ni Eli ay gawa rin ito sa itim na kahoy habang may hawakan ito na bakal sa kaliwang tabi. Agad niyang napansin ang nakaukit na kabayo rito. “Anong klaseng hayop ito?” tanong ni Cyran. “Isa ‘yang kabayo,” sagot ni Eli habang lumalapit sa binata. “Isa yan sa marilag na nilalang sa kasaysayan ng mundo.” “Alam mo bang unibersal na kahulugan ng mga kabayo ay kalayaan?” dagdag niya. “Pero sa bibliya, ang kahulugan nila ay pagkawasak?” Hindi alam ni Cyran kung paano niya sasagutin ang kanyang tanong. Napahinto na lang rin siya upang isipin ng mabuti ang narinig niya. “Noong unang panahon ang mga kabayo ay nadiskubre bilang pagkain ng sinaunang mga tao,” marahang paliwanag ni Eli. “Dumaan ang maraming taon at napansin nilang puwede pala silang gamitin sa paggawa mula sa paghila ng mga kahoy at kariton.” “Hanggang mapansin nila ang malakas na pisikal nito upang gawing gamit sa transportasiyon.” Hinawakan muli ni Eli ang balikat ni Cyran. “Dumaan pa ang panahon hanggang gamitin ng mga tao ang mga kabayo sa digmaan.” “Noong bata ako naiisip ko, paanong ang isang nilalang ay may dalawang magkasalungat na kahulugan?” Tumingin siya sa pintuan. “Hindi ko lubos maisip noon na ang isang magandang bagay ay puwede pa lang magdulot ng isang kumplikadong mensahe para sa’tin.” “Kaya sa pagtanda ko ay nagkaroon ako ng ideya na siguro nga ang lahat ng bagay ay may dalawang mukha pero hindi ito magkasalungat ngunit parehong magkayakap sa iisang layunin,” dagdag pa niya. “Paano kung katulad natin ang mga kabayo Cyran?” “Paano kung may layunin ang kakayahan natin upang magwasak?” masidhing mga tanong ng matanda. Pagkatapos ay yumuko siya lumapit ang mukha niya sa mukha ng binata. Bumulong si Eli sa kaliwang tainga ni Cyran. “Paano kung sa pamamagitan lang nang pagkawasak ay saka lang natin makukuha ang kalayaan?” Ngumiti ang matanda sa kanya at humarap muli sa pinto. Hinawakan ni Eli ang pintuan. “Nakakalungkot dahil wala na ang mga kabayo sa panahon natin.” “Paano kung tayo ang mga bagong kabayo sa mundong ito, Cyran?” Hinila niya ang pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD