TRACKER

1793 Words
Masakit ang buong katawan ni Sariah. Marami siyang natanggap na sipa at suntok sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan. Alam niyang nandito siya sa siyudad ngayon ngunit hindi niya alam kung nasaang parte na siya ngayon nito. Dinala siya ng mga lalaking pumasok sa kanilang kuweba papunta rito. Nahihilo siya ngayon at nauuhaw. Umiiyak siya at malungkot. Nasa isang silid siya ngayon habang nakaupo sa metal na silya. Ang mga paa at kamay niya ay nakatali rito sa pamamagitan ng mga bakal na kadena. Nakapiring ang kanyang mata at may busal ang kanyang bibig. Maliit lang ang kuwarto at walang laman. Luma at marumi na ang silid kung saan nalalanghap niya ang alikabok. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nandito ngayon. Dito na rin siya nawalan ng malay at nagising. Ang alam lang niya ngayon ay napatay niya ang isa sa kanila at kung hindi siya nagkakamali ay ito ang lalaking may malaking katawan. Mabilis lang ang pangyayari kasing bilis ng pagpisil niya sa gatily ng baril. Sa isang iglap ay may kinuha siyang buhay pero hindi siya nagsisisi dahil ginawa niya ang nararapat. Kung ibabalik man ang oras ay hindi siya magdadalawang isip na patayin muli ang lalaki. Ang lalaking ito ang unang bumaril sa kanyang anak at kitang-kita ng dalawa niyang mga mata na nasugutan ang kanyang anak habang tumatakbo palayo. Kahit kailan ay hindi sinaktan ni Sariah ang sarili niyang anak. Kahit kailan ay hindi niya pinagod ang kanyang anak sa isang bagay. Ganito ang klase ng pagmamahal na mayroon siya para sa kanyang nagiisang anak. Hindi na baleng masaktan siya paulit-ulit huwag lang ang kanyang anak. Sa ganitong punto ng kanyang buhay ay handa siyang pumatay at mamatay para lang kay Cyran.   Ang tanong lang rito ngayon ay kung nasaan na ba ang kanyang anak ngayon? Nang bumaba sila ng bundok ay hindi nakita ng mga lalaki si Cyran na nangangahulugan lamang na buhay pa siya. Pero alam niyang may tama siya ng baril dahil sa mga bakas dugo na sinundan nila. Biglang naglaho na lang ang mga bakas ng dugo sa paanan ng bundok. Alam na alam niyang hindi makakapasok si Cyran sa Magwayen nang magisa. Ikakamatay niya sakaling makita ng mga tao na isa siyang Jinzo. Pero kung sa ibang lugar naman siya pupunta ay ikakamatay niya ang sugat niya. Kahit saan mang lugar siya pumunta ngayon ay kamatayan ang naghihintay sa kanya. May parte sa konsensya na nagsisisi siya kung bakit hindi kagad niya sinabi ang katotohanan. Ngayon ay mas kumplikado ang sitwasiyon nilang dalawa at wala na siyang iba pang magagawa para kontrolin ito. Ang hangad lang naman niya ay magkaroon ng normal na buhay ang kanyang anak at wala ng iba. Masama bang pangarapin ang isang buhay na malaya at malayo sa kapahamakan si Cyran? Kahit kailan ay hindi niya itinuring na isang halimaw ang kanyang anak. Hindi niya inisip na kakaiba ang kanyang anak sa kabila ng katotohanan na isa siyang Jinzo. Anong klase siyang ina para magawa ang bagay na iyon? Lubos na nagaalala ngayon si Sariah at hindi niya alam ang gagawin ngayon. Dumating  sa punto niya ngayon na wala siyang magawa ngayon para sa sarili niya at para sa kanyang anak. Hindi na mahalaga ngayon kung anong mangyayari sa kanya, ang gusto lang niya ay maging ligtas si Cyran. Kung nasaan man siya ngayon. Bumukas ang pinto at pumasok sa loob ang dalawang lalaki. Sila ang mga lalaking pumasok sa tahanan nila Sariah. Ang unang pumasok ay ang matandang lalaki na may mahabang bigote at balbas. Suot pa rin niya hanggang ngayon ang kanyang leather jacket habang nakasuklot sa baywang ang kanyang baril. Pangalawang pumasok ang lalaking may komikal na mukha dahil sa kanyang dalawang mahahabang ngipin sa unahan. Suot pa rin niya ang kanyang t-shirt  na may nakatatak na We Love China. Hawak-hawak niya ang kanyang baril. Kinalabit niya ang kanang kamay ng lalaking may suot na jacket. “Bakit hindi na lang natin sabihin sa mga heneral na nakita natin ang Jinzo, Jonas?” “Sa tingin mo ba may makukuha tayong pabuya kapag sinabi natin na nakita natin ang Jinzo?” naiiritang tanong ng matandang lalaki. “Mas lalo lang darami ang mga Tracker kapag nalaman nilang nasa paligid lang ang subhuman.” “Alam mo ba kung gaano kalaki ang pabuya ang mawawala sa’tin kapag may ibang nakahuli sa subhuman ha?” Tumalikod si Jonas sa lalaki. “Ang Jinzo ang kailangan nila, hindi ang impormasiyon kung saan natin siya nakita.” “Huwag kang masyadong tanga diyan Dan,” dagdag pa niya. “Anong gagawin natin ngayon sa babae?” mabilis namang tanong ni Dan sa matandang lalaki. “Ano ba sa tingin mo?” tanong muli ni Jonas. May ilang segundo rin bago sila nakalapit kay Sariah na nakikinig sa kanilang usapan. Sa paglapit ni Jonas ay inalis niya ang piring at busal nito sa bibig. Mabilis na pinagmasdan ni Sariah ang paligid niya ngayon at nagbabaka sakaling pamilyar siya sa lugar. Abandonado na ang silid para sa kanya na siguro ay ilang taon nang hindi nagagamit. Walang itong kahit anong bintana na perpektong lugar upang siya ay itago. Maya-maya pa ay nakatanggap siya ng isang malakas na sampal sa kanyang kaliwang pisngi mula kay Jonas. Sa lakas ng sampal nito ay pansamantalang nawala ang dinadala niyang kalungkutan at napalitan ito ng galit. “Kulang pa ‘yan sa ginawa mo sa aming kaibigan,” galit na sinabi ni Jonas. “Pero huwag kang magalala, papatayin rin kita kapag nahanap na namin ang anak mo.” Dumura si Sariah. Tumalsik ang laway niya sa jacket ni Jonas. “Hinding-hindi mo mahahanap ang anak ko,” sambit ni Sariah sabay ngiti. Nanlisik ang mga mata ni Jonas at agad niyang sinuntok sa sikmura ang babae. Namilipit naman ang katawan ni Sariah sa sakit na dulot ng suntok sa kanya. Hindi ito ang unang pagkakataon na masaktan siya kagaya nito at alam niyang hindi niya ito ikakamatay. Hindi sa ngayon. “Imposibleng makarating sa kabilang siyudad ang anak mo,” suspetya ni Jonas. “Ito ang dahilan kung bakit mas pinili niyo manirahan sa bundok na iyon ‘diba?” Hindi sumagot si Sariah. Bakit naman siya sasagot sa isang katulad niya? Subali’t sa katunayan ay tama ang suspetya ni Jonas. Magiging mahirap para sa kanila na mabuhay sa ibang siyudad lalo na at ang bawat isang kalapit na siyudad ng Magwayen ay kinakailangang lakarin ng ilang araw. Bukod pa rito ay mahihirapan silang makapasok sa ibang siyudad nang hindi sinusuri ng mga tao si Cyran. Alam niyang malalaman at malalaman ng ibang mga tao na isang Jinzo si Cyran sakaling manirahan sila sa ibang siyudad. Ang kabundukan lang ang tanging solusiyon niya upang mabuhay sila ng malayo sa panganib. “May ibang tumutulong ba sa inyo sa bundok?” muling tanong ni Jonas. “May iba bang nakakaalam sa anak mong subhuman?” “Putangina mo!” sigaw ni Sariah. Pagkatapos ay nakatanggap siya muli ng suntok sa kanyang sikmura. Sa pagkakataong ito ay may lumabas na dugo sa kanyang bunganga. Naramdaman rin niya ang matinding panghihina at hindi kalaunay naging pagkahilo. “Malakas ang suspetya ko na nandito lang rin ang anak mo sa Magwayen,” malumanay na sambit ng matanda. “At mahahanap namin siya.” Tumalikod si Jonas. “Ipagbibili ka namin bukas sa isang Mister Gamboa.” “Teka lang ha, bakit naman natin gagawin ‘yun?” nagtataka namang tanong ni Dan. “Hindi natin siya puwedeng ikulong dito habang buhay. Malalaman ng mga sundalo na may itinatago tayo rito,” mabilis namang sagot ni Jonas. “At pakawalan siya ang solusiyon mo?” malakas na tonong tanong ni Dan. “Hindi natin siya papakawalan at hindi rin naman siya makakaalis rito sa Magwayen,” agad na sagot ng matanda sa kanya. May kinuha siyang isang PVC identification card at ipinakita niya ito kay Dan. Ang tarheta na ito ay may naka-imprentang litrato ni Sariah at ang kabuuan ng kanyanga pangalan: SARIAH LADESA. Sa ibaba ng kanyang pangalan ay may isang titulo na nakalagay na TRACKER kasama rin nito ang sagisag ng Maharlika. “Hangga’t nasa atin ang Tracker I.D niya ay hinding-hindi siya makakalabas rito,” paliwanag ni Jonas. “Itong I.D na ito na ang dahilan kung bakit nakakalabas at pasok siya sa Magwayen upang kumuha ng pagkain tuwing Advent Season.” “Sino nga naman ang magsususpetya sa kanya kung isa siyang Tracker ‘di ba?” dagdag pa niya. Tumingin si Jonas kay Eli. “Gagawin natin siyang pain.” Biglang napahinto naman sa pagiisip si Sariah dahil hindi niya maitindihan kung bakit niya sinasabi ang lahat ng ito sa kanya. Ngumiti si Jonas at humarap muli kay Sariah. “Kung nandito man ang anak mo ay hahanapin at hahanapin ka niya rito sa lalong madaling panahon.” “Nasa sa’yo kung sasabihin mo sa kanila ang katotohanan,” dagdag pa niya. Ngayon ay unti-unti nang naiitindihan ni Sariah ang mga bagay na naririnig niya at mga bagay na mangyayari pa. Isang biyaya para sa kanya na alam niyang hindi pa magtatapos ang buhay niya rito ngayon pero ang kapalit naman nito ay ang kapahamakan ni Cyran. Hahanapin at hahanapin siya ng kanyang anak kahit ano pa mang mangyari. Alam niya ring na bago pa man mangyari ang pagkakataon na iyon ay tiyak na mahuhuli siya ng mga tao. Ang tanong lang rito ay ung nasa loob o nasa labas ba siya ng Magwayen? Kahit papaano ay nakakahinga siya ng maluwag ngayon sa katototohan na hinahanap pa rin siya ng mga Tracker na nasa harapan niya ngayon. Hindi pa rin pumuputok ang balita sa kanila na patay na ang kanyang Akuma na nangangahulugan lamang na buhay pa rin ang kanyang anak sa mga oras na ito. Tama si Jonas, kahit ano mang mangyari sa kanya ngayon at kung saan man siya mapadpad rito sa Magwayen ay hindi niya puwedeng sabihin kahit kanino man ang tungkol sa kanyang anak. Hindi rin siya puwedeng makalabas ng siyudad.Ang kailangan na lang niyang gawin ay makipagpatentero sa laro ni Jonas at Dan. “Hawakan mo siya Dan,” utos ni Jonas habang nakatingin siya kay Sariah. Hinubad ni Jonas ang kanyang leather jacket at pagkatapos ay inalis naman niya ang kanyang sintron. Biglang nanigas ang katawan ni Sariah at sa pagkakataog ito ay nakaramdam siya ng purong takot sa dalawang lalaki na nasa harapan niya. “Huwag, parang awa mo na,” nanginginig na pakiusap ni Sariah. Tumawa si Jonas na parang kiniliti. “Marunong ka palang makiusap.” “Pero hindi ako nadadala sa pakiusap.” May tumulong luha sa mga mata ni Sariah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD