KAPITOLYO

1384 Words
Nasa loob nang umaandar na kotse si Eloisa habang naninigarilyo. Suot niya ang isang kulay eleganteng pulang backless dress na gawa sa sutla. Nakahubog ito sa kanyang katawan at medyo nakikita rito ang kanyang dibdib. Habang suot naman niya ang isang makintab at puting high-heels sandals. May suot rin siyang hikaw at kuwintas na gawa sa mga puting perlas. Nakapuyod ang kanyang buhok habang may matingkad na kulay pula siyang suot na lipstick. Buti na lang at natakpan nito ang kanyang sugat sa ibaba niyang labi dahil sa sampal ng kanyang asawa. Naglagay rin siya ng kaunting make-up upang magkaroon kulay ang kanyang mga pisngi. Upang magkaroon ng kulay ang kanyang mukha. Sumatutal ay mas lalong nangibabaw ang kagandahan at alindog ni Eloisa. Humithit siya ng sigarilyo sabay bumuga siya ng usok. Pinagmamasdan niya ang kapaligiran sa labas habang tumatakbo ang sasakyan. Mabilis ang pagpapatakbo ng driver sa kotse dahil wala namang ibang sasakyan sa dinaraanan ngayon. Mas mabuti nga iyon para kay upang makarating kaagad siya sa kapitolyo. Sa panahon ngayon ang pagkakaroon ng sasakyan ay isa ng uri pribilehiyo. Simbolismo ng kapangyarihan at yaman. Tinitingnan niya ngayon ang maliliit na bahay ng mga mamamayan ng siyudad na ito. Hindi lang ito pangkaraniwang maliit dahil ang mga bahay na ito ay lubhang magkakadikit sa isa’t-isa na parang isang pukyutan hanggang bumuo ito ng isang bloke. Sa katunayan ay hindi na bahay ang tawag nila rito kundi pods. Ang bawat isang unit ay may lawak ng dalawang dipa at may taas ng sampung talampakan. May isa lamang itong metal na pinto at walang anumang bintana. Sa pagkaka-alam niya ay ang bawat pod ay mahy kapasidad na manirahan ang limang katao. Ang isang bloke ay bumubuo ng walong daang mgapod na nakahanay nang tig dalawampung bilang mula ibaba hanggang paitaas. Daan-daan ang mga bloke na ito na dinaraanan ng kotse nila ngayon. Dito naninirahan ang libo-libong mga tao na manggagawa sa buong siyudad na kapwa matanda at mga bata. Kung iisipin niya ngayon ay dinaranas niya ang isang sitwasiyon kung saan hindi na niya kailangan pang magtrabaho para mabuhay. Salamat sa impluwensiya at posisiyon na mayroon ang pamilya niya at kahit papaano ay naging marangya ang pamumuhay niya sa siyudad na ito. Nakakain niya ang mga bagay na gusto niya at nagagawa niya ang mga gusto niya. Humithit muli ng kanyang sigarilyo si Eloisa. Hindi na niya tuloy napigilan ang sarili niya na isipin ang malaking pagbabago na nangyari sa kanyang paligid. Parang noon lang nang bata pa siya ay masaya siyang makita ang iba’t ibang halaman at bulaklak na nagbibigay kulay at buhay sa paligid. Parang kailan lang nang makakita siya ng mga malalaking puno na ngayon ay kahit kailanman ay hindi na babalik. Para sa kanya ang mundo ngayon ay kulay abo tuwing Advent Season. Wala rin siyang gaanong nakikitang ibang mga tao sa labas ngayon na nagbibigay lalo ng walang-buhay sa paligid. Marami nang nagbago simula ng dumating ang mga subhuman sa sangkatauhan. Lumugmok sa kahirapan ang Pilipinas nang maraming taon dahil hindi kaagad nila nakontrol ang mga ito. Sa una pa lang naman ay wala na silang kapasidad upang sugpuin ang mga subhuman na patuloy ipinapanganak taon-taon. Hanggang sila ay dumami at dito na nagsimula ang panganib nila para sa mga pilipino. Nagsimula ang lahat nang magkaroon ng isang grupo ang mga subhuman at tinawag nila itong Zion. Dahil sa mga pinagsama-samang Akuma ay naging lubhang makapangyarihan sila sa kahit kanino at kahit sa anumang armas laban sa kanila.Bumagsak ang ekonomiya at maraming namatay na mga tao. Higit sa lahat ay maraming bayan ang nasunog sa abo. Mistulang naging impyerno ang Pilipinas noon na naging isang lugar ng pangwalang-hanggang apoy. Dumating sa punto na kinailangan na ng Pilipinas na humingi ng tulong sa ibang bansa bago pa man tuluyang maglaho sa kasaysayan ang bansa. Sa panahong iyon ay ang bansang China ang pinaka nanguna sa teknolohiya para masugpo ang mga subhuman. Nagkaroon ng malaking utang ang bansa para sa produksiyon ng mga armas at mga pasilidad kung saan ginagawa ang mga ito. Hindi ganoon kadali ang mga pangyayari at ang lahat ng bagay na binibigay ay may interes para sa mga nangangailangan. Ang bansang China ang dahilan kung bakit kahit papaano ay may mga natitira pa ring mga bayan katulad ng sa Magwayen. Dahil sa kanilang kakayanan at kapangyarihan ay maraming mga pilipino ang nakaligtas. Malaki ang utang na loob ng Pilipinas sa China at hindi iyon magbabago kahit kailanman. Mananatiling katotohanan iyo na hindi maitatatwa ng kahit sino man. Nang matapos ang kaguluhan mula sa mga subhuman ay dito na nagsimula na magkaroon ng bagong Pilipinas at mga bagong pilipino. Maraming mga pilipino ang nagsasabing mas mabuti na lang na pamahalaan ang Pilipinas ng China. Para sa kanila ay hindi na muling babangon ang Pilipinas kung hindi sila magpapasakop sa iba. Sila yung mga taong nawalan na ng pag-asa at pananampalataya sa kakayayan ng sariling lahi. Hindi rin sila puwedeng sisihin dahil dahil napagod na silang maniwala sa pangako ng pagbabago sa sistema pero walang nangyari. Sa kabila ng mga ganitong klaseng pilipino ay marami rin ang nagsasabing hindi na nila kailangang magpasakop. Para sa kanila, kung nagawa ng Pilipinas na maging malaya sa mga mananakop ay bakit hindi puwede ngayon? Naniniwala sila na maaring tumayo pa rin ang Pilipinas sa sarili nitong pundasiyon. Ang pundasiyon ay ang mga pilipino na gustong mamuno at mga gustong pamunuan ng sarili nilang dugo. Nagkaroon ng mahabang diskusiyon hanggang magkaroon ng iisang desisyon: Nahati sa dalawa ang Pilipinas, ang Norte at ang Timog. Ang Norte ay tinawag na Maharlika habang ang Timog naman ay tinawag na Hiraya. Ang Maharlika ay ang mas malayang parte ng Pilipinas kung saan kabilang ang siyudad ng Magwayen. Dito ay pinahihintulutan ang mga pilipino na mamuno sa gobyerno. Nang itatag muli ng mga tao ang Norte ay bumangon sila bilang isang Monarkiya. Sa ngayon katulad nila Eloisa at ang lahat ay tumutugon na lamang sa iisang hari. Habang ang Hiraya naman ay ang isang panibagong malayang bahagi ng Pilipinas kung saan ay nasa ilalim ito ng parlyamento ng China. Nakadepende ang lahat ng mga pilipino sa pamamahala at republika ng kabilang bansa. Humithit muli si Eloisa ng kanyang sigarilyo at sa pagkakataong ito ay naubos na niya ito. Itinapon niya ang filter ng sigarilyo sa sahig ng kotse at saka niya inapakan ito. “Malapit na po tayo sa kapitolyo Ma’m,” wika ng kanyang driver. Dumating ang sasakyan pasado ala sais na ng gabi. Sa pagbukas ng pinto ni Eloisa sa  kotse ay bumungad sa kanya  ang isang malaki at malawak na puting kapitolyo. Ang lapad ng istraktura ay nasa walong daang talampakan habang ang taas naman nito ay nasa tatlong daan. May pagka-greko ang disenyo ng kabuuang istraktura. May dalawa itong palapag at tuktok nito ay may isang simboryo na nasa gitna. Sa gitna na simboryo ay may nakaukit na simbolo ng Maharlika. Marami nakatayong mga naglalakihang haligi sa unahang bahagi ng gusali. Maraming naglalakihang ilaw ang nakatutok rito upang lalong ang perpekto nitong istraktura. Malaki rin ang parang na nasa palibot nito na mistulang taniman ng hardin. Ang kaibahan lang ay wala pang mga halaman ngayon. Sa kanyang unahan ngayon ay agad niyang napansin si Ralph na kanina pa naghihintay sa kanya. Sa likuran  ng heneral ay maraming sundalo na nakabantay. Ang lahat ng mga mata nila ay nakatingin kay Eloisa. Siya na yata ang pinaka magandang babae na nakita nila ngayong babae. Alam ng heneral na nakatingin ang mga sundalo sa kanyang asawa at gusto niya ang ganitong pakiramdam. Gusto niya na maraming naiinggit sa kanya. Lumapit si Ralph kay Eloisa at inabot niya ang kamay nito bago pa man siya bumaba sa kotse. Sa pagbaba ni Eloisa ay agad naman siyang hinalikan ng heneral sa kanyang kaliwang pisngi. “Wala kang kasing ganda sa suot mong ‘yan,” wika ng heneral sabay ngiti. Ngumiti rin si Eloisa. Pansamantala ay kinalimutan niya ang nangyari kagabi. Kailangan niyang magpanggap ngayon. Kailangan niyang ipakita na masaya siya sa lalaking pinili niya. Sa katunayan naman ay masaya pa rin siya kung iisipin ang matatamis na kahapon. Ipinulupot niya ang kanyang kanang braso sa matipunong braso ni Ralph. Pagkatapos ay marahan silang naglakad papunta sa kapitolyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD