ISANG BANGKAY

1036 Words
Nakailang hakbang si Cyran bago niya makita ang dapat niyang makita. Isang bangkay ng isang lalaki. Mukhang mahimbing na natutulog ang lalaking ito na halos kasing edad lamang niya. Maputla na ang lalaki at hindi niya mawari kung anong hitsura nito para sa kanya. Nakasuot siya ng isang puting t-shirt at itim na pantalon. May tama ito ng bala ng baril sa kanyang dibdib. Ang dalawang kamay nito ay nakapatong sa kanyang tiyan. Bilugan ang mukha nito at may makakapal na buhok at katamtaman lang ang kanyang pangangatawan. Sa katotohanan ay pangkaraniwan ang itsura ng bangkay. Pero dahil patay na ito ay kakaiba ang pakiramdam ni Cyran na para bang may kulang na sa kanyang anyo o pagkatao. Ang kakulangan na iyon ang pumipigil sa kanya sa koneksiyon niya sa bangkay na iyon upang tawagin niya isa itong tao. Dahil siguro ay wala na siyang kaluluwa? Sa katotohanan naman ay hindi alam ni Cyran ang depinisyon ng kaluluwa dahil kahit kailan naman ay hindi niya naranasan makakita nang isang kaluluwa. Ang tanging alam lang niya lang sa kaluluwa ay isa itong bahagi ng pagkatao na kailangan upang mabuhay. Ang turo ng kanyang ina ay isa itong imortal na bahagi ng bawat tao mula sa kanilang kapanganakan at lumilisan sa araw ng kanilang kamatayan.  Pero ang malaking katanungan lang ni Cyran ay kung saan nga ba pumupunta ang kaluluwa na lumilisan? Totoo ba talaga na may tinatawag na kabilang buhay? “Sino siya?” nagtatakang tanong ni Cyran. “Siya si Shem,” agad namang sagot ni Eli. “Siya ang aking house servant sa bahay.” “Pero bakit siya namatay?” tanong muli ng binata. “May mga bagay akong kailangang gawin upang maging ligtas ka,” mabilis na sagot ng matanda. May pagkalito ang mukha ni Cyran dahil hindi niya naitindihan ang kanyang narinig o siguro ay ayaw niya lang maniwala. “Kailangan mo ng isang identity upang mabuhay ka rito sa loob,” wika ni Eli. “Upang hindi mag-suspetya ang ibang tao sa’yo” “Simula ngayon ay ikaw na ang magiging si Shem,” dagdag pa niya. Tumalikod si Cyran dahil hindi na niya magawang tingnan pa ang bangkay. Pakiramdam niya ay umiikot ang kanyang sikmura. Lumayo siya ng ilang hakbang at pagkatapos ay humarap siya muli sa dalawa. Ngayon ay para bang hindi niya masikmura ang kaganapan sa kanyang buhay dahil napaka-bilis lahat nang mga pangyayari. Kahapon lamang ay nasa kabundukan siya. Ngayon naman ay nasa siyudad na siya nang hindi inaasahan at ito ay isa sa mga bagay na kanyang pinakamimithi. Ngunit hindi niya kayang maging masaya ngayon dahil wala sa kanyang tabi ang kanyang ina. Lalo na at marami nang impormasyon siyang nalalaman na hindi pa rin niya matanggap.  “Hindi nila puwedeng malaman na isa kang Jinzo,” marahang paliwanag muli ni Eli. “At hindi rin nila puwedeng malaman na galing ka sa labas,”  dagdag naman ni Franco. “Sa ngayon ay maaring alam na ng ibang Trackers na  nandito ka ngayon sa Magwayen,” sambit pa ni Eli. “Gagawin nila lahat upang mahanap ka lang Cyran at hindi ko puwedeng hayaan iyon.” “Pero bakit kailangan pa niyang mamatay?” tanong ng binata. Ito siguro ang punto na hindi niya maitindihan. “Bakit? hindi ba nabubuhay tayo ngayon dahil sa sakripisiyo ng ibang tao?” sabat naman ni Eli. “Hindi alam ni Shem na isa akong Jinzo at hindi rin niya alam ang tungkol sa’yo.” “Ginawa ko lang ang kailangan kong gawin.” Nagkaroon ng katahimikan sa kanilang tatlo. Napansin niyang dumidilim na rin ang kalangitan. Para kay Cyran ay masyadong mabilis ang lahat ng nangyayari sa kanya. Nakakaramdam siya muli ng takot at pagdududa. Hindi niya inasahan na sa isang iglap ay mababago ang mga bagay na sa kanyang paligid. Naguguluhan siya ngayon at ayaw na niyang isipin ang mga bagay na nalaman niya ngayon. Gusto na lang niya ngayon ay tumakas rito sa siyudad at makita muli ang kanyang ina. O siguro mas mabuti kung panaginip na lang ang lahat na ito at gigising siya na makikita niya muli si Sariah. Naramdaman na lamang niya na may luhang pumapatak sa kanyang mga mata. “Bakit niyo ako kailangan?” humihikbing tanong ni Cyran. “Kami ang kailangan mo Cyran,” sagot ni Eli. “Siguro  masyado pang maaga para maisip mo ito,” dagdag niya. “Pero hindi ka puwedeng manatili habang-buhay sa bundok kung saan ka man nanggaling.” “Matagal ka na sanang patay ngayon kung hindi dahil sakin.” Sa pagtanto ni Cyran ay tama lahat ang sinasabi ni Eli sa kanya. Hindi pa niya naisip ang kanyang mga plano tungkol sa kanyang pagtanda. Wala siyang naisip kung anong gusto niya na maging para sa sarili niya. Hindi niya maalala ang oras o panahon na nagisip siya ng isang pangarap para sa kanyang sarili. Siguro kaya ay ito na ang nararamdaman niyang kulang sa kanyang pagkatao. “Sa kabilang banda ay tama ka rin dahil kailangan rin kita,” wika muli ni Eli. “Siguro ay kailangan natin ang isa’t-isa ngayon.” “Pero bakit?” sabat ni Cyran. “Gusto kong kunin ang buong lugar na ito para sa mga ating mga Jinzo at Akuma.” Lumakad siya papalapit kay Cyran. “Gusto kong magkaroon tayo ng isang lugar kung saan puwede tayong maging malaya bilang tayo.” “Kukunin ko ang lugar na ito para sa mga kagaya natin.” “Pero kailangan ko ang nanay ko,” pagmamakaawa ni Cyran. “Ipapahanap ko ang nanay mo.” Huminga ng malalim si Eli. “Papabalikin ko sila Franco sa bundok mamaya kapag naihatid ka na nila sa bahay.” Dito ay nagkaroon ng pagasa ang mukha ni Cyran. Kahit papaano ay unti-unti na siyang kumakalma ngayon. Ang kailangan niya lang ngayon ay maghintay. “Pero sa isang kundisyon,” punto ni Eli. “Susunod ka sa mga ipinaguutos ko.” “Natiindihan ko,” mabilis na tugon ng binata. “Sa ngayon ay kailangan mong magpalakas at magpagaling ng sugat mo,” paliwanag ng heneral. “Tara na, bago pa may makakita sa atin dito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD