CHEERS

1256 Words
Maraming pagkain ang nakahanay sa harapan ni Heneral Naga. Sa kanyang kaliwa ay nandito ang iba’t-ibang inumin at mga mamahaling alak. Pagkatapos nito ay mga iba’t-ibang panghimagas katulad ng leche flan, macaron, at strawberry cake. Habang ang mga pangunahing putahe naman ay kalderetang, inasal na manok at lechon. Mayroon ding dinakdakan at bulalo. Ang mga ganitong klaseng pagkain ay isa ng klase ng pribilehiyo ngayon. Ang mga ganitong pagkain ay para lamang sa mga panauhin ngayong gabi. Hindi alam ng heneral kung anong kakainin niya ngayon dahil hindi naman siya nagugutom. Biglang may pumatong na kamay sa kanyang kanang balikat. Sa kanyang paglingon sa kanyang likuran ay nakita niya ang isang lalaking may hawak na tungkod. Nakasuklot ang kanyang pulang overcoat sa kanyang balikat na parang kapa. Hindi siya suot ang kanyang peaked cup. Siya ang kanyang kapwa heneral na si Eli Torres. Halos dalawang buwan na rin nang huli silang magkita. “Kamusta ka na Heneral Naga?” masayang tanong ni Eli sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na naunang kausapin siya ni Heneral Torres. Sa tagal ng panahon na pareho silang heneral ay kadalasan ay hindi nakikipagusap sa kanya si Eli kung hindi niya ito unang kakausapin. Tahimik si Eli Torress maging sa iba pang mga heneral at hindi siya magsasalita kung hindi naman kinakailangan. Lalo na sa ganitong mga kaswal na pagkakataon. Ngumiti si Ralph. “Mabuting-mabuti naman ako. Katulad pa rin ng dati.” “Magaling! Dahil ngayon ay kailangan nating magdiwang heneral,” sagot naman ng nakakatandang heneral. Dito na humiwalay ang kamay ni Eli kay Ralph at dumeretso siya sa hanay kung nasaan ang hanayan ng mga alak. Ngayon lang nakita ni Ralph na ganito kasilakbo ang saya ni Eli at hindi niya maiwasan kung ano ang dahilan nito. Sinundan niya ang paika-ika na heneral upang makakakuha rin siya ng iinuming alak. Hindi alam ni Ralph pero may parte sa kanya na gusto niyang kamuhian. May pitong heneral ang Maharlika at si Heneral Torres ang pinaka-simple sa lahat. Simple sa paraang hindi siya abusado sa kapangyarihan na mayroon siya. Kahit kailan ay wala siyang nabalitaan na inabusong babae para sa kanyang kasiyahan. Wala siyang ibang pinatay na anumang sundalo o mga house servant. Wala rin siyang asawa o anak. Bukod pa rito ay ayaw niyang manamit ng pormal katulad nila. Ayaw niyang magsuot ng mga bagong damit katulad nila. Hindi niya alam kung anong gusto niyang palabasin pero hipokrito si Eli para sa kanya. Ganito rin ang nararamdaman ng ibang heneral para sa kanya. Magkagayunman ay hindi niya maitatatwa ang ambag na nagawa niya upang gapiin ang mga miyembro ng Zion. Isa siya dahilan kung bakit nadakip nila ang pinuno nila na si Magenta. Alam niyang matalino si Eli at nararapat siya sa posisiyon na mayroon siya. Pero para kay Ralph ay siguro panahon na upang may pumalit na sa pinanghahawakan niyang titulo. “Kamusta naman ang paghahanap ng mga sundalo mo sa mga nawawalang Jinzo, heneral?” nagtatakang tanong ni Ralph kay Eli. “May mga impormasiyon na ba kung saan natin sila puwedeng hanapin?” Uminom ng alak si Eli. “Siguro ikaw ang unang tao na makakaalam sakaling may impomasiyon kami tungkol sa kanila.” Ngumiti muli siya. “Pero upang masagot ko ‘yan e wala pa.” “Wala ba tayong ibang puwedeng ibang gawin? Halos labing-dalawang taon na ang nakakaraan pero hindi pa rin natin nahahanap ang mga Jinzo,” mabilis namang wika ni Ralph na parang nauubusan na ng pasensiya. “Huwag ka masiyadonng  mainip heneral,” kalmadong sagot naman ni Eli. “Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko.” Ito ang karaniwang tanong ni Ralph tuwing nagkikita sila at naiitindihan niya ito. Hanggang nabubuhay pa rin si Tris na anak niya ay hindi siya titigil upang mahanap ang Jinzo nito. Pero gaano kaganda sa paningin ni Eli na makita si Ralph sa ganitong sitwasiyon na wala siyang magawa kundi ang maghintay? Lalo pa ngayon na hawak na niya ngayon si Cyran. Ngayon ay sumisilakbo ang saya na nararamdaman ni Eli at hindi niya iyon maitago. Pero alam niya ring mas magiging delikado na ang kanyang galaw dahil hindi na lang siya ang may kailangan ng proteksiyon kundi si Cyran na rin. Higit sa lahat ay kailangan siya ni Cyran ngayon. Handa siyang gawin ang lahat para sa kapakanan nila ngayon. “Hangga’t nasa puder natin ang mga Akuma ay walang mangyayari sa atin,” paliwanag niya kay Heneral Naga. “Kaya puwede ba nating kalimutan muna natin ang mga subhuman at tayo ay magdiwang? Puwede ba?” Huminga ng malalim ang batang heneral. Pinilit niyang kontrolin ang nararamdaman niyang inis. Ngumiti si Ralph. “Nagtatanong lang naman ako Heneral Torres.” “Huwag mo sana itong masamain,” mahinahong dagdag pa niya. Pero sana nga ginagawa mo ang responsibilidad mo ‘di ba? Pagkatapos ay tumingin siya sa mga mata ni Eli. May punto si Heneral Torres at hindi ito maitatanggi ni Ralph. Sa buong kasaysayan ay kahit kailan ay hindi pa naging malalang panganib o banta ang mga Jinzo sa kanila. Ano nga naman ang magiging laban ng telekinesis ng isang Jinzo laban sa daan-daang hukbo ng mga sundalo na may mga baril? Ayon sa kanilang mga record ay may kakayanan silang pagalawin o kontrolin ang mga bagay sa kanilang paligid sa pamamagitan ng kanilang isip kahit hindi nila ito hinahawakan. Limitado lang ang ganito nilang kapangyarihan dahil madali silang mapagod kapag ginagamit nila ito. Bukod rito ay wala ng espesyal na bagay sa kanila kundi ang maging katulad ng ibang tao na isang mortal. Sa katunayan ay tanging layunin lamang ng mga Jinzo ay ang maging kahinaan ng mga Akuma. Dito na kumuha si Heneral Naga ng isang bote ng alak. Itinaas niya ang bote na alak sa harapan ni Heneral Torres. “Cheers,” paunlak ni Ralph. Itinaas naman ni Eli ang kanyang hawak na bote ng alak hanggang tumama ito sa bote na hawak ni Ralph. “Cheers,”  masayang sagot naman ni Eli. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila habang pare-pareho silang umiinom ng alak. Para bang huminto ang oras sa puntong iyon dahil naging blanko ang ingay sa paligid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mahulaan ni Ralph kung bakit ganito kasigla ang matandang heneral. Pakiramdam niya ay may mali sa nangyayari rito at gusto niya itong malaman. Pagkatapos ay nagsimula na muli silang makarinig ng isang mahinahong melodiya. Pagkatapos ay nakarinig na muli sila ng mga nagtatawananan sa kanilang paligid. Ngumiti muli si Heneral Naga. “Alam mo namang hindi kita gusto bilang katrabaho at bilang isang kaibigan ‘di ba?” Tumawa ng bahagya si Heneral Torres. “Huwag kang magalala heneral. Ganyan rin ang nararamdaman ko sa’yo.” “Mabuti naman,” agad na sagot ni Ralph. “Babalik na ako sa aking as aking asawa.” Tumalikod siya at naglakad palayo. “Magandang gabi sa’yo heneral.” “Magandang gabi rin naman,” masiglang sagot ni Eli at ngumiti siya kahit na hindi na ito nakikita ng batang heneral. Maya-maya pa ay may isang lalaking sundalo ang naririnig nilang sumisigaw. Madaling nakuha nito ang atensiyon ng dalawang heneral. “Parating na ang Hari!” “Parating na ang Hari!” paulit-ulit na sigaw ng sundalo. Agad ipinatong ng dalawang heneral ang hawak nilang mga bote at humarap sila sa parating na pangunahing bisita ng gabing ito. Maya-maya pa ay pumasok na ang nag-iisang hari ng Maharlika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD