ANG HARI NG MAHARLIKA

1372 Words
Ang lahat ng mga tao sa event hall ay sabay-sabay na lumuhod sa pagdating ng kanilang modernong hari. Sabay-sabay rin silang yumuko upang magbigay respeto sa may pinaka-mataas na awtoridad sa kanilang lahat. Ang nag-iisang tao na may hawak ng kapangyarihan at impluwensiya sa buong Maharlika. Siya si Ezra Ortega. Ang ikalawang hari. Nasa edad singkuwenta ang kanilang hari pero mas bata siyang tingnan kaysa rito. May maganda siyang pangangatawan at postura. Isang lalaki na sopistikado at elegante. Isang lalaki na may maraming karanasan at katalinuhan. Kulay puti ang medyo mahaba niyang buhok ngunit makintab habang nasisinagan ng liwanag katulad ng pilak. May maputi siyang balat na unti-unti ng nagkakaroon ng mga pekas. Nagkakaroon na rin ng linya ang kanyang noo. Matangos ang kanyang ilong na nakapunto paibaba. May malalim siyang mga mata dahil sa edad at mga gabi na walang tulog. Bagong ahit ang kanyang bigote at balbas. Ang unang kapansin-pansin sa kanyang kasuotan ay ang kanyang gintong korona. Manipis lang ang pulutong nito na saktong nakapatong lang sa ibabaw ng ulo ng hari. Habang meron itong walong patusok na katulad ng dulo ng mga espada ngunit umaarko upang maghugis kalahati ng kalahating bilog. Ang bawat isang arko ay may haba ng isang sentimetro at sa bawat dulo nito ay may nakalgay ng mga kristal na ruby. Ang walong patusok na ito ay sumisimbolo sa walong siyudad ng Maharlika. May suot siyang itim na closed-neck blazer na umaabot hanggang sa tuktok ng kanyang tuhod. Burdado ito ng kulay gintong muwestra ng mga etnikong simbolo. Habang kulay itim rin ang kanyang slacks na nakahubog sa mahaba niyang mga binti. May suot siyang isang pares na kulay kayumangging sapatos na gawa sa balat. Tumigil sa paglalakad ang hari at pinagmasdan niya ang kapaligiran at mga tao na nandito ngayon. Ngumiti ng bahagya si Ezra ng makita niya ang lahat. “Tumayo kayong lahat,” matipunong utos niya sa kanila. Dito na sabay-sabay tumayo ang lahat ng mga tao sa loob hangang makita nila ang kanilang hari. Ang halos lahat ay nasasabik at ang lahat ay nagagalak sa oportunidad na ito upang masilayan ang kanilang hari. Para sa kanila ay hindi lamang isang bayani ang nasa harapan nila ngayon kundi isang sagrado at pinagpala upang magbigay sa kanilang lahat ng kasaganaan. Para  sa kanila ay si Ezra Ortega ang tagapaglitas at ang pangako ng katahimikan. “Ang araw na ito ay hindi lamang sumisimbolo sa kakayahan natin upang masupil ang mga subhuman,”  paliwanag ng hari. “Kundi isa ring paggunita sa ating kalayaan at kapangyarihan bilang iisang nasyon.” “Nawa’y maging isa rin itong paalaala sa mga traydor na pilipino na nakatira ngayon sa Hiraya!” Dito na nagsigawan ang lahat ng mga tao kabilang na si Heneral Torres at Naga. “Sa tamang panahon, naniniwala ako na makukuha muli natin ang kabiyak ng Pilipinas,” dagdag pa niya. “Hindi tayo titigil hangga’t hindi natin nababawi ang para sa atin!” Monarkiya ang solusiyon para Maharlika upang magkaroon ng balanse at katahimikan. Monarkiya na lamang ang sagot upang magkaisa muli ang mga pilipino sa iisang layunin. Maraming bagay ang pakinabang ng ganitong sistema para sa mga pilipino. Nagkaroon muli sila ng pagtitiwala dahil iisa na lang ang kanilang kailangan paniwalaan at ito ang hari. Dahil sa nawala na nang kapangyarihan ang mga tao upang maging mga politiko ay nagkaroon ng katahimikan sa bawat isa. Nawalan ng interes ang mga tao sa kapangyarihan. Dahil nawala rin ang lehitimong demokrasiya ay nawala rin ang korapsiyon o kahit papaano ay ang ideya nito sa mga tao. Nawala na rin ang media at dito ay huminto ang mga tao upang magkaroon ng iba’t-ibang impluwensiya maliban sa kanilang hari. Sa katunayan ay maraming bagay ang nawala sa sistema na mayroon noon kaysa sa ngayon na kailan man ay hindi na maibabalik pa. Maraming kulang sa sistema nila ngayon at alam ni Ezra Ortega ang lahat ng mga iyon. Pero hindi lahat ng kulang ay masama. Minsan ang pagkukulang ang isang paraan upang magkaroon ng katahimikan. “Pero ngayong gabi ay hayaan niyo ang mga sarili niyo na magdiwang dahil ito ay isang tagumpay natin!” paanyaya ng hari. “Para sa Maharlika!” Dito ay nagsigawan ang lahat ng mga tao sa pakikiisa nila sa kanilang hari. Ang lahat ay masaya at ang lahat ay naniniwala sa lahat ng sinabi ni Ezra. *** Dumaan pa ang isang oras at pinatawag ni Ezra ang kanyang dalawang heneral na si Eli at Ralph. Ngayon ay nasa isang maalaking silid ang tatlo na malapit sa Event Hall. Nakaupo sa isang silya si habang nakadekuwatro ang kanyang mga binti. Nakatayo ang dalawang heneral sa kanyang harapan at naghihintay ng kanilang sasabihin. Lalong nagiging malamig ang kapaligiran ng silid habang wala silang ibang naririnig kundi ang patay na katahimikan. Sa katunayan ay hindi alam ng dalawanag heneral kung ano ba dapat ang kanilang asahan sa pagpapatawag sa kanila ng hari.   “Alam kong malimit lang akong dumalo sa ganitong kasiyahan pero kailangan ko kayong makita ngayon,” paliwanag ni Ezra. Pagkatapos ay may kinuha ang hari sa kanyang bulsa. Isang papel na nakatupi sa hugis kuwadrado. Agad naman itong napansin ng dalawang heneral pero wala pa rin silang ideya kung para saan ito. “Para saan po ‘yan?” hindi na makapagpigil na magtanong si Heneral Naga. Iniabot ni Ezra ang papel kay Ralph. Dahan-dahang binuksan ng heneral ang papel sa pangambang baka mapunit niya ito. Hanggang mapansin niya ang mga nakasulat ng sa papel. Pagkatapos niyang basahin ito ay iniabot naman niya ang papel kay Eli. Dear Ezra, Tatapusin na namin ang aming sinimulan. Papatayin ka namin at ang buong gobyerno mo. Uubusin namin kayo. Isa itong pangako. Nagmamahal, ZION. “Natanggap ko lang ‘yan kaninang umaga,” paliwanag ng hari. “May nagbigay niyan sa aking anak na si Marik sa labas ng palasyo.” “Hindi ko matanggap na may ganyang klase ng tao na nakalapit sa anak ko at wala itong kapatawaran.” “Pero nasaan na ang nagbigay ng sulat?” nagtatakang tanong ni Eli. “Isang punyetang house servant at patay na siya ngayon,” galit na sinabi ni Ezra. “Wala kaming nakuhang ibang impormasiyon kahit pa pahirapan namin siya.” “Akalain mo ‘yun, nagawa niyang isakripisiyo ang sarili niyang buhay para lang sa magbigay ng isang mensahe?” punto ng hari na hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. “Hindi ka nila masasaktan at walang makakalapit sa’yo nang hindi sila namamatay,” pangako ni Ralph. Ngumiti si Ezra. “Tama ka, hinding-hindi nila ako masasaktan.” “Kahit pa pinamumunuan ng mga Jinzo ang Zion ngayon ay wala silang kakayanan na labanan ang mga militar natin,” paliwanag muli ni Ralph. “Maliban na lang kung makawala ang mga Akuma na nasa puder natin,” dagdag pa niya. “Magiging problema para sa ating lahat kapag nakawala ang mga subhuman na iyon.” “Lalong-lalo na si Magenta na kanilang pinuno,” dagdag pa muli ng hari. “Makakaasa po kayo sa amin na hinding-hindi mangyayari ‘yan,” sagot naman ni Eli. “Gagawin rin lahat-lahat ng mga miyembro ng Zion upang makawala lang ang mga Akuma,” mabilis namang sagot ni Ezra. “At hindi puwedeng mangyari iyon.” Dito na nagkaroon ng galit sa mga mata ni Ezra. “Sa tingin niyo anong pagkakaiba nila ngayon? Bakit nararamdaman ko ang banta nila?” nagtatakang tanong ng hari. “Nakakakakasigurado akong tinatakot lang nila kayo,” sagot naman ni Eli. “Kakaunti lang ang bilang nila at wala silang mga armas.” “Tama si Heneral ni Torres. Wala silang kakayanan upang lumabab sa atin,” pagsangayon naman ni Ralph. “Ang tanging gawain lang nila ay ang magtago sa atin at manakot sa atin na mas makapangyarihan sila kaysa sa atin,” mabilis namang paliwanag ni Eli. Tumingin ang hari sa mga mata ni Eli. “Alam ko, pero gusto kong makasigurado.” “Simula bukas ay mag-pagdadala ako ng dalawang libong sundalo upang magbantay sa Test Center,” dagdag niya. “Ipapadala ko rin si Heneral Quintana para tumulong sa inyong dalawa.” “Makakaalis na kayo,” utos niya sa dalawang heneral.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD