HOUSE SERVANT

1869 Words
Isang gabi na rin ang lumipas hanggang magising na lang siya sa isang tumatakbong van. Hindi alam ni Sariah kung saan siya dadalhin ng mga lalaking dumakip sa kanya. Hindi niya alam kung ilang ulit siyang hinalay ni Jonas at Dan. Noong una ay pinilit niyang lumaban pero hindi nagtagal ay bumigay rin ang kanyang katawan at nanghina hanggang mawalan siya ng malay. Agad niyang naramdaman ang kirot sa kanyang tiyan at sa iba’t-iba pang parte ng kanyang katawan lalo na sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung nagugutom ba siya ngayon o hindi. Nanghihina pa rin siya at medyo masakit ang kanyang ulo. Nasusuka ang pakiramdam niya ngayon dahil naaamoy pa rin niya ang pawis at laway na mula kay Jonas at Dan sa kanyang leeg. Nakaposas ang kanyang mga kamay ngayon. Napansin na lang rin niya na nakasuot siya ngayon ng isang kulay kayumangging uniporme. Isang piraso itong kasuotan na may mahabang palda na umaabot hanggang sa kanyang bukong-bukong. Laking gulat niya ng naiitindihan na niya ngayon kung ano ang gustong mangyari ngayon ni Jonas para sa kanya. Napansin niya rin ang kanyang kulay dilaw na identification card  na naka imprenta ang kanyang pangalan. Ang kaibahan lang ay ang titulo na mayroon siya ay House Servant. Nakasuklot ito sa transparent na I.D holder na nakakuwintas sa kanyang leeg. Buong buhay niya ay hindi niya naranasan na maging isang house servant. Alam niyang ang mga house servant ay nagtratrabaho lamang para sa mga mayayaman at may mga posisiyon sa gobyerno. Alam niya rin ang mga mapapait na karanasan nila at nararanasan na niya ito ngayon. Alam niya na ngayon na mapupunta siya sa isang posisiyon ngayon na walang kalayaan. “Ginahasa ka ba nila?” isang boses ng babae nagtanong sa kanyang kaliwa. Sa paglingon ni Sariah ay hindi niya napansin na may isang babae pala siya na katabi. Katulad niya ay nakasuot rin siya ng kayumangging uniporme na nangangahulugan lamang na iisa ang kanilang propesiyon. Nasa edad trent siya. Katamtaman lang ang kanyang katawan na medyo payat kaysa kay Saroiah. Kayumanggi ang babae at labis na kulot ang kanyang buhok. Pango ang kanyang ilong. Makapal ang kanyang kilay at kanyang labi. May lahi siya ng purong etniko at bihira na lamang ang mga katulad niya ngayon. “Ito ba ang unang pagkakataon na ginahasa ka nila?” tanong muli ng babae. “Ako si Jade,” pakilala ng babae. “Huwag kang matakot sa akin.” May luhang pumatak sa mga mata ni Sariah at sabay siyang tumango sa babae. Bigla siyang niyakap ni Jade at dito ay humikbi si Sariah hanggang sa humagulgol siya. Gusto niyang ilabas ang lahat ng galit sa kalooban niya pero mukhang hindi ito mangyayari. “Kailangan mong maging matagtag,” bulong ni Jade. “At magiging matatag ka sa takdang panahon.” Naiitindihan ni Sariah ang sinabi ni Jade dahil hindi naman sila magkakakilala at hindi niya alam mga bagayh na naranasan na niya. Buong buhay yata niya ay naging matatag na niya. Simula ng mamatay ang asawa niya hanggang sa pagpapalaki ng kanyang anak na ay naging matatag siya. Lahat ng kailangan gawin ay kinaya niya. Madaling sabihin ang dalawang bagay na iyon pero walang katumbas ang pait at hirap na dinanas niya. Hindi lang niya alam ngayon kung hanggang kailan pa siya kailangan magiging matatag. Si Cyran na lang ang tanging nagbibigay ng pagasa sa kanya ngayon. Agad niyang naisip kung nasaan na kanyang anak. Halos kalahating araw na nang huli silang magkita. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula upang hanapin ito. “Ganyan rin ang naranasan ko noong una nila akong ginahasa. Sinaktan nila ako ng paulit-ulit,” paliwanag ni Jade. “Hanggang sa masanay na ako.” “Sa susunod na gawin nila sa’yo ‘yan, huwag kang lumaban. Ibigay mo ang kinakailangan nila.” “Sa tuwing lumalaban ka, mas lalo silang nauuhaw sa’yo. Mas lalo silang ginaganahan.” “Hayaan mong magsawa sila at matutunan mong mabuhay sa ganitong paraan.” “Ibigay mo ang gusto nila at makakawala ka sa kaharasan.” Dito na humiwalay sa pagkakayapos ni Jade si Sariah. Parang hindi niya yata natanggap ang mga narinig niya mula rito. “Kailangan kong lumaban,” matapang namang sambit ni Sariah. “Kailangan kong lumaban.” Hindi sinasadya ni Sariah na masabi niya ito dahil gusto lang niya itong sabihin para sa kanya. Kailangan niyang makawala sa destinasiyon na pupuntaha niya ngayon upang mahanap niya si Cyran. Pero paano naman niya magagawa iyon kung hindi naman siya makakalabas ng Magwayen? Kahit pa tumakas siya ngayon upang iwasan niyang maging isang alipin ay mananatili pa rin siya sa loob ng siyudad. Kapag nahuli siya na tumatakas ay siguradong papatayin siya ng mga sundalo. Krimen ang maituturing ang tumakas bilang isang house servant at kamatayan lang ang kaparusahan nito. Walang paraan upang makawala sa siyudad na ito para sa mga katulad nila. Kailangan niyang kumalma ngayon at magisip ng mas mabuting gagawin. “Pero sasaktan ka nila, naiitindihan mo ba kung sino tayo para sa kanila?” punto naman ni Jade. “Saan tayo pupunta ngayon?” madaling tanong ni Sariah. “Hindi ko alam. Wala akong kung saan tayo pupunta,” sagot ni Jade. “Ang alam ko lang ay kailangan nating magtrabaho upang mabuhay.” “Magkasama ba tayo?” tanong niya muli. “Hindi, maghihiwalay tayo mamaya,” sagot muli ni Jade. “Tayong dalawa na lang natitira.” Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tumingin sa labas ng sasakyan si Sariah. Kailangan niyang magisip ng mga plano. Kailangan niyang mahanap si Cyran. Maya-maya pa ay tumigil na ang sasakyan. Hindi namalayan ni Sariah na lumipas na pala ang oras. “Mukhang nandito ka na,” paalaala ni Jade sa kanya. “Kailangan mong maging matatag Sariah. Palagi mong tandaan ang sinabi ko ha.” Biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan at bumungad sa kanya ang isang lalaking militar na nagbukas nito. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya dahil nakaramdam siya ng takot at desperasiyon. Lubos pa rin siyang naguguluhan ngayon at hindi niya alam ang mga dapat niyang gawin ngayon. Hindi niya inakalang hahantong siya sa ganitong punto matapos siyang maging malaya sa siyudad na ito ng maraming taon. “Sariah Ladesa, lumabas ka rito,” pagtawag ng militar sa kanya. Dahan-dahan siyang lumabas sa sasakyan at nakita ang isang magandang babae sa likuran ng militar. Sopistikadong tingnan ang babaeng ito para kay Sariah. Nakasuot siya ng kulay berdeng sun dress na malaman ay gawa sa sa sutla dahil kumikintab ito. Naka pony tail ang buhok niya. Kayumanggi, malinis at makinis ang kanyang balat na lalong nangingibaw habang nasisinagan ito ng araw. Wala siyang suot na make-up pero maganda pa rin siya para kay Sariah. Siya ang katulad ng babae na ipinanganak at namuhay sa karangyaan at ginhawa. Napansin rin ni Sariah ang isang malaking bahay sa likuran ng magandang babae. Isa itong bungalow na kulay putting pintura. Sa harapan ng bahay ay isang bakanteng lupa para sa hardin. “Ako si Misis Eloisa Naga,” pagpapakilala ng magandang babae sa kanya. “Anong pangalan mo?” “Ako si Sariah Ladesa,” madaling sagot naman niya. Lumakad palapit si Eloisa papunta sa kanya. Naguluhan si Sariah dahil hindi niya alam kung bakit lumalapit sa kanya ang babae. Sa paglapit ni Eloisa ay agad siyang nakatanggap ng malakas na sampal. Ikinagulat ito ni Sariah. “Hindi ka ba tinuruan kung paano gumalang?” galit na tanong ni Eloisa. “Ano ulit ang pangalan mo?” “Ako po si Sariah,” mabilis niyang namang sagot sa pangambang masasaktan muli  siya.  “Gusto kong nagkakaitindihan tayo kung ano ang mga posisiyon natin sa pamamahay na ito,” mahinahong paliwanag ni Eloisa. “Naiitindihan mo ba?” “Opo Ma’m,” sagot muli ni Sariah. “Gusto kong magtiwala sa’yo Sariah pero kailangan mong patunayan sa’kin ‘yun.” Humarap si Eloisa sa lalaking militar. “Isuot mo na sa kanya ang shackle.” Napansin ni Sariah ang isang malaking neck shackle na hawak ng lalaking militar. Kulay pilak ito at makapal. Alam niya kung ano at para saan ito dahil nakakita na siya ng kagaya nito noon para sa mga house servant. Hindi lang ito basta gawa sa bakal dahil isa rin itong aparato. Kadalasan ay may kasama itong remote device na hawak ng taong nagmamayari sa mga house servant. Ginagamit ito upang mapasunod ng mabuti ang isang katulad ni Sariah. Naglalabas ito ng sapat na boltahe upang ikamatay kung sino man ang nagsusuot nito. Kapag may kasamang biyaya sa mga master nila ay maaring kontrolin ang kuryente nito upang maging sapat lamang ang pagkaka-kuryente ng mga nagsusuot nito. Mas mabuti na ito kaysa naman mamatay ang house servant dahil dito. Ginagamit nila ito upang parusahan sila kapag may nagagawang pagkakamali. Ganoon rin ay umaakto rin itong isang tracing device  sakaling tumakas sila sa kani-kanilang pinagsisilbihan. Walang ilang sandali ay nakakabit na kaagad kay Sariah ang neck shackle. Wala siyang nagawa kundi tanggapin ito kahit labag sa kanyang kalooban. Para bang lalo siyang nawalan ng pagasa ngayon na makawala sa ibinibigay ng tadhana sa kanya. Naramdaman na lang niya ngayon na tinanggal na ng militar ang kanyang suot na posas sa kamay. Pagkatapos ay ibinigay naman ng militar ang isang maliit na remote control kay Eloisa. Tatlong na pulgada ang haba nito at isang pulgada ang haba. May apat lamang itong pindutan. “Alam niyo po ba kung paaano gamitin ito Ma’m?” tanong ng militar kay Eloisa. “Alam ko, makaalis ka na,” sagot niya. Humarap siya kay Sariah. “Halika na Sariah at ipapakilala kita sa asawa ko.” Naglakad ang dalawang babae papunta sa bahay. Naging matahimik sila pareho habang si Sariah naman ay nagmamasid sa kanyang kapaligiran. Medyo malayo papunta sa malaking bahay na siguro ay may dalawampung talampakan ang layo. “Sumunod ka lang sa’kin Sariah at hindi ka masasaktan,” pangako ni Eloisa. “Opo Ma’m,” agad na sagot ni Sariah. Lumalala ang sitwasiyon ngayon at hindi niya iyon maitatanggi. Ngayon ay hindi niya magagawang makatakas hangga’t hindi siya makakatakas hangga’t hindi siya nakakawala sa shackle na suot niya ngayon. Ang maliwanag lang sa kanya ngayon ay kailangan niyang sumunod sa kay Eloisa sa lahat ng kanyang pinapagawa gustuhin man niya o hindi. “Kapag nakuha mo ang tiwala ko, papakawalan kita sa neck shackle mo,” pangako sa kanya ni Misis Naga. Para bang nakarinig ng kaunting pagasa si Sariah kahit papaano. Isang pagasa na kailangan niyang panghawakan upang makabalik siya sa katinuan. Marahil ay kailangan niyang sumabay sa agos at makipaglaro sa sitwasiyon. Kailangan niya lang magpakabait ngayon hanggang sa pakawalan siya sa kanyang posas leeg. Kapag nangyari iyon ay doon pa lamang siya maaring makatakas sa pamahay na ito. Bahala na kung saan man siya padparin. Ang mahalaga ay makawala siya sa pagiging isang house servant. Tama si Jade na kasama niya kanina sa sasakyan, kailangan niyang maging matagtag ngayon. “Ipapakilala kita sa asawa ko, huwag kang titingin sa mga mata niya. Naiitindihan mo ba?" mataas na tonong tanong ni Misis Naga. “Opo,” mabilis na sagot ni Sariah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD