Nang makapasok si Eloisa at Sariah sa loob ng bahay ay agad nilang nakita ang heneral sa salas. Nakasuot na siya ng kanyang pulang uniporme. Nakaupo siya sa kanyang sofa habang umiinom ng tsaa habang nakatitig sa kanyang chess board. Dito na nakaramdam ng takot si Sariah. Hindi lang takot kundi panghihina na rin nang makita ang pulang uniporme. Alam na alam niya na isang heneral ang lalaki na nasa harapan niya ngayon. Alam niya kung gaano ka-importante at makapangyarihan ang isang katulad niya rito sa Magwayen. Lumunok si Sariah dahil pakiramdam niya ay hindi siya makahinga dahil sa takot. Kahit na kapansin-pansin ang pagdating ng dalawa sa salas ay hindi sila pinansin ni Ralph na parang nagdaan lamang na hangin. Lumakad ng bahagya si Eloisa papunta sa heneral. “Nandito na ang bagong

